PAGKAMULAT ng mga mata ni Cordelia ay ang nakangiting mukha ni Kael ang nakita niya.
Muntik na siyang mahulog sa kama sa pagkagulat. Narinig naman niyang tumawa si Kael.
"Did I startle you?" he said. He was looking at her with a twinkle on his eyes. And she knew she already transformed in her witch form. But why was he still looking at her like she's beautiful?
Nahihiyang naglayo siya ng tingin, inayos ang sarili. "Ang aga mo naman."
"I'm not," sabi nito. "Kanina ka pa ipinapatawag ng prinsipe. Ako na lang ang nagprisintang sumundo sa 'yo dahil may susi ako ng silid mo. At dahil sa inamin na din natin sa isa't-isa kagabi."
Hindi siya nakakibo doon. Nahihiyang inangat niya ang tingin niya at tinitigan ito.
"Naisip ko, ilang taon akong nabuhay ng may galit sa puso. Kinaya kong itago, pero mabigat. Kasi, ang galit, dapat pinapakawalan," sabi ni Kael. "At dahil doon, mas lalo akong naging masaya. Nang hindi ko na pinipigilan ang sarili ko na magustuhan ka, nang marinig ko mula sa 'yo na nagugustuhan mo ako, pakiramdam ko gumaan lahat ng dinadala ko."
You're to good for me, Cordelia wanted to say.
"Itinakda siguro akong laging magkaroon ng espesyal na damdamin sa mga mangkukulam. Tingin ko, wala ng punto na pigilan ko ang sarili ko." Bigla itong dumukwang para sana halikan siya pero mabilis ang kamay niya at itinulak niya ito.
Para namang hindi nito inaasahan ang ginawa niya, nawala ang ngiti nito. "Bakit?"
"Ang pangit ko pa," sagot niya.
Bumalik lang ang ngiti ni Kael. Umiling ito at hinawakan ang mga kamay niya, sabay dukwang para halikan ang mga labi niya. Hindi maiwasan ni Cordelia na mapapikit, na matangay ng damdamin niya para sa lalaki.
Kumalas ito sa kanya mayamaya at parang gusto pa niyang habulin at tikman uli ang mga labi nito.
"Sa mga mata ko, mas maganda ka pa sa mga prinsesa ng iba't-ibang kaharian."
"Kung ganoon ay may tama ka dito," sabi ni Cordelia, dinutdot ang noo ng lalaki.
Pumikit lang si Kael at pa-cute na ngumisi. Tapos ay parang pinanggigilan na pinaulanan siya ng sunod-sunod na halik sa mukha.
"Tama na, tama na," nakikiliti niyang saway sa lalaki.
Para namang napipilitang sumunod si Kael. "Kanina pagkagising ko, naisip ko agad na gusto kitang halikan."
Her cheeks burned. Bakit ba kailangan pa nitong maging ganoon kasweet? Talaga bang wala na itong pakialam kahit mangkukulam siya? Ganoon ba ito kabait?
Dapat talaga siyang lumayo dito. Dahil kapag nalaman ng lahat na mangkukulam siya at may namamagitan sa kanila, siguradong magagalit din dito ang lahat. Hindi niya kakayanin iyon dahil hindi deserve ni Kael iyon.
Isa pa, ang gusto niyang gawin ay ibawi ang lahi niya sa lalaki. Iyon naman ang plano niya nang balakin niya alamin ang dahilan ng galit nito sa kanila: ang makabawi dito.
Kinuha ni Cordelia ang bote ng tabletas sa mesa sa tabi ng kama niya. Binuksan niya iyon at sumubo ng isang tableta. Nagbago uli ang kanyang anyo. Nakatitig lang si Kael sa kanya.
"Mukhang konti na lang 'yan ah," sabi nito. Kinuha nito ang bote sa kanya, inilabas ang mga natitirang tabletas doon. "Konti na lang. Anim oras ang epekto nito, 'di ba?"
Tumango si Cordelia.
"Walo na lang 'to, o."
"Hihingi na lang ako kay Fairy Godmother."
Tumango si Kael. "Gawin mo. Kasi baka maubusan ka. Siguradong problema iyon kapag nagkataon."
Napatingin si Cordelia sa lalaki. Bakas ang pag-aalala sa mga mata nito. Natakot siguro ito na makita siya ng mga tao sa kaharian sa totoo niyang anyo. Bakit ganoon ito kabait? Parang pinipiga ang puso niya kapag naiisip kung paano ito nasaktan ng lahi niya.
Hindi niya napigilan ang sarili. Mahigpit niya itong niyakap. Parang hindi nito inaasahan ang ginawa niya pero kalaunan ay yumakap din naman ito.
"Sorry," iyon ang nasabi ni Cordelia. "Sorry sa nagawa ng lahi ko sa 'yo. Pati na sa lahat ng ibang mamayan sa iba't-ibang kaharian. Sorry."
Hindi nagsalita si Kael. Hinigpitan lang nito ang pagyakap sa kanya. Para bang sa ginawa nitong iyon ay nasabi na nito lahat ng kailangang sabihin.

BINABASA MO ANG
Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)
عاطفيةTatlong mangkukulam... sina Cordelia, Cromuella at Cassandra ang nangangarap makapangasawa ng prinsipe. Binlackmail nila si Fairy Godmother na pagandahin sila, para makadalo sa piging ng hari at makapang-akit ng prinsipe. Mangyari naman kaya? Kung h...