"NABALIAN ka ng buto," sabi kay Cordelia ni Kael. Nakaupo sila sa sahig sa labas ng palasyo. Nakahawak ito sa paa niya, sinisipat iyong mabuti. Pumalatak ito. "Ikaw kasi. Para lang matuwa sa 'yo ang prinsipe, nagsisirko-sirko ka pa."
Hindi na lang kumibo si Cordelia. Hindi na niya masungitan ang lalaki dahil nagpapakita naman ito ng concern sa kanya.
"Hayaan mo," sabi ni Kael. "Isang manggagamot ang aking ina. Mahika ang ginagamit niya sa panggagamot. Naturuan niya akong gumawa ng mga gamot kaya matutulungan kita. Maghintay ka lang sandali dito."
Iniwan siya ni Kael para pumasok sa palasyo. Pagbalik nito ay may dala na itong isang kulay pulang bote. Umupo ito sa tabi niya at nang maamoy niya ito muli ay parang may kasiyahan na saglit siyang naramdaman.
"Mapapagaling nito ang bali mo," sabi ni Kael. "Mahiwagang gamot 'to."
Tumango si Cordelia. "Salamat," sabi niya. Bahagya siyang nahiya sa lalaki. "Mabait ka din naman pala, kahit paano."
Tiningala siya ni Kael. Ngumiti ito. "Wala namang kahit sinong nag-isip na masama ang ugali ko. Ikaw lang."
"Nakakainis ka kasi," sabi ni Cordelia. "Pahalikan mo ba naman ako sa--" Hindi na naituloy ni Cordelia ang sasabihin dahil kita niya ang namimilyong tingin na ibinibigay ni Kael sa kanya.
"O, bakit ganyan ka na makatingin?" she asked.
"Hinintay mo, eh," sabi ni Kael.
"Hinintay?"
"Na mahalikan kita."
"Hoy, hindi ah!" pagkakaila ni Cordelia, nag-iinit na naman ang buong mukha.
Mangisay na ang aamin!
"Hinintay mo," giit ni Kael. "Pumikit ka, eh. Tas humaba pa ang nguso mo."
Pinikit ni Kael ang mga mata nito at pinahaba ang nguso. Natulala naman siya sa kaguwapuhan ng lalaki. May isang parte ng pagkatao niya ang bumulong na bigyan ng mabilis na kiss ang mukhang malalambot na mga labi ni Kael.
Hindi puwede! Si Prince Charming ang dapat mong halikan!
Tama. Kaya nagpigil si Cordelia.
Dumilat na si Kael at binigyan na naman siya ng namimilyong tingin.
"Mabait ka, pero gusto mo talagang makapang-asar, 'no?"
Nagkibit balikat lang si Kael. Titig na titig lang talaga sa kanya.
"Sige na, gamutin mo na nga bali ko."
Tumango si Kael. "Naalala kong sabi sakin ng aking ina, para umepekto ang gamot na ito, may kailangan munang gawin ang iinom. Gawin mo 'yon bago ito inumin"
"Ano naman?" she asked.
"Simple lang. Pumikit ka lang. Itaas mo ang dalawang kamay mo, parang ganito." Itinaas ni Kael ang dalawang kamay. "Tapos iwagayway mo pakaliwa at pakanan. Tapos sabihin mo: monami monami, paharu harani..."
"Gano'n lang?" tanong ni Cordelia.
"Oo," sagot ni Kael, tumango pa.
"Sige," sabi ni Cordelia. Pumikit siya, itinaas ang dalawang kamay. Iwinagayway niya iyon ng pakaliwa at pakanan, tapos ay sinabi niya, "Monami monami, paharu harani..."
"Lakasan mo."
"Monami monami, paharu harani..."
"Sige lang."
"Monami monami, paharu harani."
"Sabihin mo na puno ng emosyon."
"Monami monami--" Nakarinig siya ng mahinang bungisngis. Dumilat siya at nakita niya si Kael na kagat kagat ang labi sa kakapigil ng tawa. Napasinghap siya nang may naisip. "Niloloko mo 'ko!" sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/169496561-288-k957040.jpg)
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)
RomanceTatlong mangkukulam... sina Cordelia, Cromuella at Cassandra ang nangangarap makapangasawa ng prinsipe. Binlackmail nila si Fairy Godmother na pagandahin sila, para makadalo sa piging ng hari at makapang-akit ng prinsipe. Mangyari naman kaya? Kung h...