TRIGGER WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS THEMES OF SEXUAL VIOLENCE
ISINUBO ni Jovita ang pagkalalaki ni Maru. Naramdaman ni Maru kung gaano kainit ang loob ng bibig ni Jovita. Malikot ang dila ni Jovita, maharot na nagpaikot-ikot sa ulo ng katigasan ni Maru...
Nanginig si Kael matapos niyang mabasa ang mga nakasulat sa mga papel. Mahigit dalawampu yata ang papel na naroon at nakilala niya ang sulat doon. Sulat iyon ni Jovita.
Nilaktawan ni Kael ang ilan sa mga isinulat ni Jovita doon. Ang ilan kasi ay parang hindi na katanggap-tanggap, nakakadiri na. Hindi niya alam ang gagawin. Napaupo siya sa kama ng kapatid, kinakapos ng hininga sa magkahaling galit at pagkabigla.
Tingin ni Kael ay palihim na nagkikita sina Jovita at si Maru. At binigyan ni Jovita nang mga isinulat nitong kuwento si Maru para maakit ang lalaki.
Jovita was a scheming bitch.
Gigil na gigil si Kael. Ihahagis sana niya ang mga papel kung hindi lang niya nakita na sa pinakahulihan iyon, may isinulat si Jovita na binilugan pa nito, para madali sigurong mapansin.
Binasa ni Kael ang nakasulat.
"Sa susunod na kabilugan ng buwan, makipagtagpo ka sa 'kin, Maru. Ituturo ko sa 'yo lahat ng alam ko tungkol sa pakikipagtalik..." Napatingin si Kael sa bukas na bintana. Doon ay natanaw niya ang bilog na bilog na buwan. Mapula iyon na para bang matang duguan.
At bigla ay nabitiwan niya ang mga papel nang mayroon siyang naisip... "Fuck!" pagmumura ni Kael, sabay tingin sa kalendaryo sa silid ni Maru.
Ikadalawampung-siyam na araw na ng Pebrero.
Napaatras si Kael, nanlamig ang buong katawan. Ilang sandaling hindi niya alam ang gagawin.
Nang mahimasmasan siya ay agad-agad siyang tumakbo palabas ng pinto, halos magkandadapa pa. Isa lang ang dapat niyang gawin: kailangan niyang iligtas si Maru. Bago ito makuha sa kanila ng mga mangkukulam.
HINIHINGAL si Kael sa pagod pero hindi siya humihinto. Nagdudugo ang paa niya dahil wala siyang naisuot na sapin at nahihiwa iyon ng mga halamang matitinik. Madulas na rin iyon at malagkit dahil nakatapak siya ng dumi ng hayop.
May galos din siya sa braso dahil makailang ulit siyang nadapa sa pagmamadali. May impit na hikbi siyang naririnig na mula sa kanya, at ang kanyang mukha ay basa ng kanyang mga luha.
Narating niya ang patay na kakahuyan. Alam niya na doon lang magpupunta si Maru. Alam niyang iyon ang daan papunta sa kaharian ng mga mangkukulam.
Napakapit siya sa isang patay na puno, huminga ng malalim. Pero nagtuloy din siya sa paglalakbay sa madilim na kakahuyan dahil wala siyang oras na dapat sayangin.
"Kailangan kitang maabutan, Maru," sabi ni Kael. "Kailangan..."
Malamig ang hangin sa madilim na kakahuyan. Parang may sumisitsit sa kanya sa bawat sulok. Pero hindi sita lumilingon. Diretso lang ang kanyang lakad. At nang alam niyang malapit na siya sa pinakapuso ng kakahuyan, doon niya na napansin ang liwanag. Kulay kahel, tingin niya ay galing sa apoy.
Binilisan niya ang hakbang, hindi na alintana ang tinik na lalo pang bumabaon sa paa niya. Giwang-giwang na ang paglakad niya habang palapit sa pinakapuso ng kakahuyan. At nang marating niya iyon ay sandaling hindi niya alam ang gagawin. Natulala lang siya habang nakakubli sa isang malaking puno.
Maraming mangkukulam ang nasa kakahuyan. Nakasuot ang mga ito ng mahabang itim na cloak. Sa likuran ng cloak ay may nakalarawan na bituin na nakapaloob sa bilog. May mga hawak ang mga itong sulo. Nakita niya si Jovita sa gilid, kasama ang mga babaeng mangkukulam. Mukhang tuwang-tuwa ito sa nangyayari. Pinanonood ang mga kasamahan nitong mangkukulam.
Naghahagikgikan naman ang limang lalaking mangkukulam habang pinalilibutan ang mga nakagapos na bihag, limang babae at lima ring lalaki. Nakaupo ang mga iyon sa lupa at parang takot na takot, nagsisiksikan. Walang saplot ang mga iyon sa katawan.
Nakita ni Kael sa Maru. Nasa gilid lang ang kapatid niya, umiiyak, takot na takot sa mga mangkukulam.
Isang mangkukulam ang lumitaw mula pagitan ng mga puno, mukhang matanda na dahil gilagid na lang ang kita sa bibig at maputi na ang magulong buhok. Ito lang ang nag-iisang tila pinalamutian ng ginto ang cloak. May dala itong bao ng niyog. Bigla ay binuhos ng mangkukulam na iyon ang laman ng bao sa mga bihag. Tinamaan si Maru. Ang maputing balat nito ay tila napinturahan ng pula. Dugo.
"Ngayon pa lang ang simula... ngayon pa lang ang simula ng inyong pagkamulat!" sabi ng mangkukulam na nagbuhos ng dugo sa mga bihag.
"Pagkamulat! Pagkamulat!" sigaw ng ibang mangkukulam sa paligid, malalawak ang ngisi at nanlilisik ang mga mata.
Natutok ang tingin ni Kael kay Maru. Kita niya kung paano lumabas ang uhog nito habang pailing-iling. Awa ang naramdaman niya para sa kapatid.
"Pagkamulat! Pagkamulat!"
Hindi siya papayag na makuha ito ng mga mangkukulam.
Lalaban siya. Kahit alam niyang maliit ang tsansa niya na manalo, kailangan niyang lumaban. Pumulot siya ng malalaking bato sa paligid. LALABAN SIYA!
Magtagumpay kaya si Kael na maipagtanggol ang kapatid niya? Abangan!
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)
Roman d'amourTatlong mangkukulam... sina Cordelia, Cromuella at Cassandra ang nangangarap makapangasawa ng prinsipe. Binlackmail nila si Fairy Godmother na pagandahin sila, para makadalo sa piging ng hari at makapang-akit ng prinsipe. Mangyari naman kaya? Kung h...