KINAUMAGAHAN, mabigat ang loob ni Cordelia habang nagdidilig ng mga halaman sa hardin ng palasyo.
Alam niya na hindi siya dapat mainis sakali mang may makatalik si Kael na babae o binabae. Hindi naman niya ito nobyo. Katunayan nga ay galit ito sa kanya dahil sa ginawa niyang pagpapanggap. Ang layunin talaga nito ay pahirapan siya, alilain.
Wala siyang karapatan pero bakit hindi niya mapigilan? Ang emosyon ata, walang pakialam sa kung sino ang may karapatang makaramdam. Minsan, para iyong ligaw na damo na tumubo sa lupang hindi naman dapat nito tinubuan.
At iyong huling sinabi nito... pinlano ba talaga nitong makipagsiping sa isang babae at binabae para lang maisip niya na mali ang inakala niyang mabuti itong lalaki?
"Nakakainis," sabi ni Cordelia, habang nilulunod ang halaman sa hardin. "Nakakainis."
Mukhang mas lalo pang maiinis si Cordelia dahil nakita niya ang babae at binabae na nakaulayaw ni Kael, palapit na ang dalawa sa kanya. Ngiting-ngiti ang babae habang ang binabae ay parang hindi masaya.
"Hay naku, hindi ba at talagang nakababaliw sa sarap ang nakaraang gabi?" sabi ng babae, huminto sa tapat niya para siguro magparinig.
Nang hindi kumibo ang binabae ay siniko ito ng babae.
"Oo, talagang nabaliw ako sa sarap kagabi," sabi ng binabae sa patay na tinig.
"Hindi ko makakalimutan ang pag-aari ni Kael," sabi ng babae. Pumikit ito, umungol. "Napakahaba, napakalaki, 'di ba?"
"At napakatigas," sabi ng binabae, wala na namang emosyon.
Kumunot ang noo ni Cordelia habang nakatingin sa dalawa. Para kasing baliw ang mga ito.
"At ikaw, ha? Isa ka talagang pilyang binabae," sabi pa ng babae, kinurot sa tagiliran ang binabae. "Napaungol mo siya gamit ang mapaglarong dila ng iyong bibig."
"Oo nga, eh. Mahusay ako, no," walang gana pa ring sabi ng binabae.
"Oo! Halos isubsob ka ni Kael sa kanyang pag-aari--"
"Para naman tayong tanga dito, eh!" sabi ng binabae. This time, hindi na patay ang tono nito. Parang inis na inis ito.
"Hoy, teka, hindi ganyan ang napag-usapan--"
"That Kael is a freak," sabi ng binabae. "Binitin niya ako!"
Napanganga si Cordelia, nakatingin lang sa dalawa.
"Arnulfa, ano ba!" sabi ng babae, pinanlisikan ng mata ang kasama.
Doon na naisip ni Cordelia na magtanong.
"Ano ba'ng nangyayari?"
Bumaling sa kanya ang babae. "Pinaligaya lang naman kami ni Kael--"
"Nagkuwentuhan lang kami!" sabi ng binabae, nanlalaki ang mata. "Tapos pinatulog kami! Kinumutan pa kami!"
Hindi nakapagsalita si Cordelia.
"Arnulfa! Hindi 'yan ang sinabi ni Kael na sabihin natin!" pananaway ng babae sa binabaeng kasama nito.
"Ay, wala na akong pakialam!" sabi ni Arnulfa. "No'ng hinayaan niya akong halik-halikan siya sa leeg, akala ko ibibigay niya sa 'kin ang sarili niya! Iyon pala para makita mo lang!" sabi ni Arnulfa, tiningnan siya na parang masama ang loob. "Pagkasara niya ng pinto, bigla na namang sabihin, 'tara, magkuwentuhan na lang tayo.'"
Pinigilan ni Cordelia ang isang tawa na tumakas mula sa kanyang bibig.
"Kaya wala akong pakialam sa sinabi niyang sabihin natin sa babaeng 'to. Binitin niya ako kaya masama ang loob ko."
Pagkasabi niyon ay umalis si Arnulfa, nanghahaba ang nguso. Tumingin sa kanya ang babae. "Magpunta ka sa silid ni Kael. Linisin mo daw," sabi nito. Tapos ay napapakamot ng ulo na sinundan nito ang binabaeng kaibigan.
Naiwan si Cordelia na nakangiti. Hindi rin pala magawa ni Kael na makipagtalik sa mga iyon. Pinagsinungaling pa ang dalawa para lang magmukha itong... masama. Pero ngayon ay alam na niya ang totoo.
"Alam kong tama ako ng pagkakakilala 'yo, Kael," sabi ni Cordelia sa sarili. "Alam ko mabuti talaga ang kalooban mo."
Iyon ang sinasabi ni Cordelia habang patungo sa silid ni Kael, may bitbit na ngiti sa mga labi.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)
RomanceTatlong mangkukulam... sina Cordelia, Cromuella at Cassandra ang nangangarap makapangasawa ng prinsipe. Binlackmail nila si Fairy Godmother na pagandahin sila, para makadalo sa piging ng hari at makapang-akit ng prinsipe. Mangyari naman kaya? Kung h...