PAGBUKAS ni Cordelia nang silid ni Kael ay muntik na siyang mapatili.
Hindi dahil magulo sa kuwarto--pero magulo talaga sa silid ng lalaki, silid na karaniwan naman ay malinis. Nakatumba ang sidetable, ang kumot at kobre kama ay nasa sahig. May mantsa ng alak ang sahig at may mga nakakalat ding ubas na hindi nakain. Pero hindi talaga iyon ang nagpatili kay Cordelia.
Ang dahilan ng pagtili ni Cordelia ay si Kael--si Kael na nakaupo sa silya sa tabi ng kama, malapit sa bintana. Wala siyang suot na pang-itaas ang manipis at maikling pang-ibaba ang suot niya. Kitang-kita ang malapad na dibdib ni Kael. Ang tiyan nitong hindi maumbok, may balahibo sa pusod, pababa... Kitang kita din mabalahibong mga hita ng lalaki. Kung hindi ba naman nananadya, bahagya pang nakabukaka ang lalaki, dahilan para matukso siyang mapatingin sa "nakaumbok" sa manipis at maikling pang-ibaba nito.
Sino namang hindi manggigigil? Bruha lang siya na may mapagnasang katawang lupa.
Kael was smiling wickedly at her. "Pasensiya na ha. Kung magulo ang buong silid," sabi ng lalaki. "Nakababaliw kasi ang nagdaang gabi."
Sa sinabing iyon ni Kael, kahit paano ay nakabawi si Cordelia. Pinigil niya ang sariling mapangiti nang maalala ang pagrereklamo ng binabaeng nakasama ni Kael sa kuwarto.
"Linisin mo ang sahig," sabi ni Kael. "Nagpagulong-gulong kami diyan ng mga kaulayaw ko kagabi."
Hindi nagsalita si Cordelia. Ibinaba niya sa sahig ang dala niyang timba na may tubig. Kinuha niya ang tela na nasa loob niyon, piniga, pagkatapos ay sinimulang linisin ang sahig.
"They were great lovers," sabi ni Kael. "Ganoon pala ang pakiramdam na maserbisyuhan ng binabae."
Hindi nagsalita si Cordelia. Nakayuko lang siya sa sahig, pinipigil ang sariling matawa. Itinabi niya ang bote ng alak, ipinasok doon ang mga ubas na hindi nakain.
"It was a fun night. Palagi akong nagkakaroon ng mga ganoong klaseng gabi," sabi pa nito.
"Tingin ko nga," sabi ni Cordelia.
"Hindi ka naniniwala?" Naramdaman ata nito sa tinig niya na natatawa siya.
"Naniniwala ako," sabi ni Cordelia, pinagbuti ang pagpunas sa sahig ng basang basahan. Ngayon ay nakarating na siya sa harap ni Kael. Kita na niya ang magkahiwalay na mga paa nito.
Umangat ang tingin niya, naglakbay sa mabalahibong mga hita nito, hindi mapigilang magtagal sa harap ng suot nitong pang-ibaba, umakyat sa tiyan nito, sa dibdib, sa leeg hanggang sa magaganda nitong mga mata.
Nakaluhod siya sa harap nito habang nakaupo ito, nakabuka ang mga hita.
She didn't knew why but that position of theirs made her heart race.
Hindi maghiwalay ang mga mata nila. Nakita niyang napalunok si Kael. "Masyado kang malapit sa 'kin," sabi nito. "Doon ka sa kabilang sulok."
May taglay talagang kapilyahan si Cordelia noon pa man. Lalo na at napatunayan niya sa sarili na mabait talaga ito. "Marumi pa kaya dito." Nilinis niya pa ang sahig malapit sa paa nito, daan para mapalapit ng bahagya ang ulo niya sa mga hita nito.
"Cordelia!" he hissed.
Nag-angat siya ng tingin dito.
"Bakit?"
"Your face!" he said, in gritted teeth. "It's so close to my... and you're a woman!"
"Eh ano naman? Hindi ka pa ba pagod sa ginawa mo kagabi?" She smiled at him. "Hindi ka pa ba pagod sa lahat ng nangyari sa inyo ng mga kasama mo rito kagabi?" Pinagdiinan niya ang huling pangungusap.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)
RomanceTatlong mangkukulam... sina Cordelia, Cromuella at Cassandra ang nangangarap makapangasawa ng prinsipe. Binlackmail nila si Fairy Godmother na pagandahin sila, para makadalo sa piging ng hari at makapang-akit ng prinsipe. Mangyari naman kaya? Kung h...
