Ikalawang Gabi ng Pagpili (Mga Beki Got Talent)

1.4K 36 0
                                    


SA IKALAWANG araw ng pagpili ay may baon baon ng kakayahan si Cordelia. Natuklasan niya iyon sa matandang engkantada. Tinuruan siya nito na "mag-bending" at "mag-split" Ginagawa raw iyon ng mga mananayaw sa mundo ng mga tao.

"Meron akong nakilalang lalaki kagabi," pagkuwento ni Cromuella habang nakasakay sila sa karwahe na maghahatid sa kanila sa palasyo. Halatang halata sa tinig nito ang tuwa nito. "Nakababata daw siyang kapatid ni Prince Charming."

Tahimik lang si Cassandra na parang hindi naririnig ang sinasabi ng kaibigan.

"Kung hindi ko man mabingwit si Prince Charming, mapakasalan ko man lang ang nakababata niyang kapatid, masaya na ako."

"Baka naman pitong taong gulang pa lang 'yang kapatid na 'yan ha," pang-aasar ni Cordelia sa kaibigan.

"Gusto mo bang sipain kita palabas ng karwahe?" asar na sabi ni Crouella.

Hindi na lang niya pinansin ito. Tumanaw na lang siya sa bintana at inisip kung paano makukuha ang atensyon ng prinsipe.

Pero biglang pumasok sa isip niya ang pilyong ngiti ni Kael.

Peste! Hindi! Hindi ko dapat isipin ang alalay na iyon! Hindi!

Nakarating na sila sa palasyo. Muli silang naghiwa-hiwalay. Agad siyang nagtungo sa bahagi ng palasyo kung saan naroon si Prince Charming. Nakaupo na naman ito sa marangyang silya nito, parang bored na bored habang pinapanood ang mga babaeng nagpapakitang gilas dito.

Saglit lang siyang tumingin sa prinsipe dahil dumako ang tingin niya sa lalaki sa tabi nito. Si Kael. Guwapong-guwapo ang lalaki. He was wearing a fancy looking blue Medieval tunic covered in black coat. Nakasuklay paitaas ang makapal na dark brown na buhok nito. Sa totoo lang, kasingguwapo ito ng prinsipe.

Kung hindi lang parang nang-aasar ang ngiti nito habang nakatitig sa kanya.

Sinimangutan niya ito.

Ipinikit naman nito ang mga mata, pinahaba ang nguso na parang manghahalik. Tapos ay tumawa.

Mabagsakan sana ng chandelier.

Para hindi na mag-isip ay kinausap niya ang binabae na nasa harap niya.

"Ano'ng dala mong kakayahan?" tanong niya nang makitang may dala itong malaking buko.

Ngumiti ang binabae. Kumpara sa ibang mga binabae na lumahok sa Pitong Gabi ng Pagpili ay hindi ito ganoong kaganda. "Kaya kong balatan ang buko gamit ang ngipin ko."

"Ah," sabi ni Cordelia. Kasi ano namang puwede niyang masabi, 'di ba?

"Titig na titig sa 'yo ah," sabi ng binabae.

"Ang prinsipe?" she asked.

"Si Kael," sabi ng binabae, pagkatapos ay humagikgik, tinatakpan ang malalaking ngipin.

"Kilala mo 'yong Kael na 'yon?"

"Oo naman, 'no," sagot ng binabae. "Kilala siya ng mga kaibigan kong binabae. Mabait siya at malambing sa 'min."

"Baka gusto ng serbisyo n'yo."

Ang mga binabae ay kilala sa kaharian ng Cantata bilang tigapagpaligaya ng mga lalaking hindi kuntento sa asawa o sa nobya. Sa totoo lang, may ilang binabae ang tinuturuan ng tamang pagpapaligaya ng lalaki sa Vermuna, ang kabisera ng lahat ng bagay na seksuwal sa Cantata.

"Hindi naman," sagot ng binabae. "Parang mabait lang talaga siya."

Sumulyap si Cordelia kay Kael. Nakatingin pa rin sa kanya ang walang hiya, parang ayaw nitong siyang mawala sa paningin nito. Kumindat pa ito sa kanya na parang nang-iinis.

Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon