INUTUSAN si Cordelia ng prinsipe na makipagkuwentuhan pa dito. Iniiwasan kasi nito an makausap ang ama nito tungkol kay Rapunzel.
"Puwede naman ping bunutin ang buhok sa utong, mahal na prinsipe eh," sabi ni Cordelia.
Pero ayaw talaga ng prinsipe kay Rapunzel. Kaya halos maghatinggabi na sila sa pag-uusap tungkol sa desisyon ng ama nito na iginigiit nitong mali.
Kaya antok na antok na si Cordelia habang naglalakas sa pasilyo ng palasyo kung saan naroon ang kanyang silid. Nasa akto siya ng paghihikab nang biglang may narinig siyang magsalita.
"Ano'ng ginawa n'yo, ha?"
Napatili si Cordelia. Napahawak sa dibdib. Nang balingan niya ang nagsalita, nakita niya si Kael. Nakasandal sa tabi ng pinto ng kuwarto niya. Nakahalukipkip ang lalaki at salubong ang kilay. Kumikislap din ang mga mata, parang naluluha sa antok.
"Kanina ka pa diyan?" tanong niya.
"Ano sabing ginawa n'yo?"
"Buti 'di ka nilamok?"'
"Answer my question," sabi ni Kael. Seryoso ang tinig nito. Umangat ang isang paa nito, ikiniskis ang binti sa isa pang binti. Nilamok nga.
"Mayroon akong puwedeng ipahid sa mga pantal mo--"
"Answer my question or else I will kiss you torridly you will gasp out of breath," sabi ni Kael. Wala na yatang ibang ipapanakot sa kanya kung hindi halik nito.
Napailing na napangiti na lang si Cordelia. Tinitigan niya ang namumungay na mga mata ni Kael.
"Tingin mo ba, parusa ang halik mo?"
Hindi nakapagsalita si Kael.
"Tingin ko dapat malaman mo na kung hahalikan mo ko, matutuwa lang ako."
Nagkaroon ng kulay ang magkabilang pisngi ng lalaki. Kahit paano ay nawala din ang pagsasalubong ng kilay nito. "Hinalikan ka ba niya?" he asked.
Tumahimik lang si Cordelia, inabangan ang susunod na reaksyon nito.
"Answer me," sabi ni Kael. "Did he kiss you?"
"No," sabi ni Cordelia.
"Buti naman," sabi ni Kael.
"Buti naman?"
"No one should mess with my witch," he said. He was even pointing to himself.
Napailing ulit si Cordelia. It seemed that he hate her but he couldn't bear to see her holding someone else's hand. He was confusing. Hanggang ngayon ay pinagtatakahan pa din niya si Kael. Isa pa din itong palaisipan sa kanya. Hindi pa rin niya naiintindihan ang lalaki.
"Pumasok tayo sa loob," sabi niya. "Pahiran natin ng gamot ang mga pantal mo."
Si Kael pa mismo ang nagbukas ng pinto.
PABUKAKANG nakaupo sa kama si Kael, nakapatong ang isang binti sa kandungan ni Cordelia. Si Cordelia ay naglalagay ng patak ng gamot sa kanyang daliri at pinapahid nang marahan sa mga pantal ni Kael.
Nagco-concentrate man si Cordelia sa ginagawa, ramdam pa rin niya na nakatutok sa kanya ang mga mata ng binata.
"Hindi ka naman na dapat naghintay sa tapat ng pinto," sabi niya para basagin ang katahimikan. "Nilamok ka tuloy."
"Nagrereklamo ka ba?" sabi ni Kael. "Obligasyon mo namang gawin 'yan?"
"Hindi ako nagrereklamo. Gusto ko ngang ginagawa 'to," sabi niya, pinagbubuti ang pagpahid ng gamot sa pantal. Nakikiliti siya ng mga balahibo ni Kael sa binti.
![](https://img.wattpad.com/cover/169496561-288-k957040.jpg)
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)
RomanceTatlong mangkukulam... sina Cordelia, Cromuella at Cassandra ang nangangarap makapangasawa ng prinsipe. Binlackmail nila si Fairy Godmother na pagandahin sila, para makadalo sa piging ng hari at makapang-akit ng prinsipe. Mangyari naman kaya? Kung h...