HINDI pa rin mawala sa isip ni Cordelia si Kael. Dahil doon ay wala siyang magawang hakbang para makuha ang atensyon ni Prince Charming. Nakatulala lang siya sa kawalan.
Gusto ko siyang makausap... gusto ko siyang makasama...
Iyon ang nasa isip ni Cordelia. Pero alam niyang nararapat lamang na ang prinsipe ang pagtuunan niya ng pansin. Bukas na ang huling gabi ng pagpili. Doon na pipili ang mga prinsipe ng mga babaeng magiging kasintahan ng mga ito.
Biglang tumunog ang mga kampana ng palasyo. Tanda na alas dose na, at aalis na si Cinderella.
Aalis na si Cinderella.
Alas... alas dose na.
Bigla parang binuhusan nang malamig na tubig si Cordelia. Alas dose na, pero dahil sa kaiisip kay Kael ay hindi siya nakainom ng tabletas! Ang ibig sabihin niyon ay babalik na siya sa kanyang totoong anyo!
Lagot na!
Tarantang dinukot niya ang bulsa niya. At laking gulat niya nang walang maramdamang bote doon ng tabletas.
Hindi kaya... hindi kaya... naiwan ko sa bahay ng diwata?
Nagpatuloy ang pagtunog ng mga kampana. Problema iyon. Babalik na siya anumang sandali sa kanyang pangit na anyong mangkukulam. Makikita iyon ng lahat! Kailangan niyang... kailangan niyang tumakas!
"Tabi!" sabi ni Cordelia, nagsimulang tumakbo. Wala na siyang pakialam may maitulak man siya, kailangang makalabas siya ng palasyo ora mismo!
Kipkip niya ang laylayan ng suot na damit at mabibilis at malalaki ang bawat hakbang niya. Minumura na siya ng mga nabubunggo niya pero wala siyang pakialam. Napakabilis at napakalakas ng tibok ng puso niya.
Nakarating siya sa labas ng palasyo. Si Cinderella ay tumatakbo din, nasa aktong pababa ng hagdan. Alam niyang bubungo siya dito dahil sa bilis ng pagtakbo niya. Hindi na siya nakapagbago ng direksyon dahil sa tarantang-taranta na din siya. Nabangga nga niya si Cinderella.
"Ay pekpek!" sabi ni Cinderella, bago tumumba at gumulong ng ilang palapag sa hagdan. Nakabukaka pa ito ng huminto sa paggulong.
"Pasensiya na! Bumangon ka na lang, kaya mo 'yan!" sabi na lang niya. Sige siya sa pagbaba ng hagdan. Pawis na pawis. Dinig na dinig ang tibok ng kanyang puso. Mahalagang makatakas siya doon.
Nakababa na siya nang tuluyan sa hagdan, tumatakbo na siya palabas ng bakuran ng palasyo.
Then, someone shouted her name!
"Cordelia!"
Her heart leapt out of her chest.
Si Kael. Nang lumingon siya, nakita niyang sumusunod ito sa kanya!
Patay na! Paano na 'to? Paano na 'to?!
Binilisan pa lalo ni Cordelia ang pagtakbo. Ngayon ay patungo na siya sa kakahuyan. Kapag doon siya tumakbo ay maari siyang makapagtago kay Kael.
"Cordelia, ano'ng nangyayari?" sigaw pa din ni Kael. "Is there something wrong?"
Takbo lang, Cordelia. 'Wag mo siyang pansinin. Tumakbo ka lang...
Pero minamalas yata talaga siya. May natapakan siyang malaking bato, dahilan para mawalan siya ng balanse at matumba. Sumubsob siya sa lupa at napamura siya sa sakit.
Binalak ni Cordelia na bumangon agad para tumakbo pero napasigaw na lang siya dahil humawak na so Kael sa braso niya, pinihit siya nito paharap dito.
"Cordelia!" sabi ni Kael, hinihingal. "Nag-aalala ako. Bakit ka ba biglang tumakbo? Ano'ng nangyayari?"
Hindi nakapagsalita si Cordelia. Hindi na niya alam ang sasabihin. Ang isang kamay niya ay pilit niyang itinatakip sa mukha niya
"Cordelia, magsalita ka!"
Natatakpan ng makakapal na ulap ang bilog na buwan. Pero nang mahawi iyon at halikan ng liwanag ng buwan ang kanyang katawan ay naramdaman niya ang pagbabago ng kanyang hitsura. Tumibok-tibok ang kanyang mukha at alam niyang lumalabas doon ang mga butlig niya. Ang mga namamaga, nagnanaknak niyang butlig. Naramdaman na rin niya ang panghahaba ng ilong niya at pagbaliko ng kanyang mga ngipin.
Ang kanyang katawan ay lumaki din. May mahika ang damit na ibinigay sa kanya ng engkantada kaya lumaki iyon kasabay ng paglaki ng katawan niya. Ang kanyang buhok ay nawala sa pagkaka-ayos at bumuhaghag.
She became the ugly witch she really was. Wala nang saysay na takpan pa niya ang mukha niya. Nakita na ni Kael ang lahat.
Napatingin lang siya kay Kael na napapakurap habang nakatitig sa kanya. Binitiwan siya ng lalaki. Napaatras ito, nabigla sa nakita.
"Dareso," usal ni Kael. Iyon ay isang mura sa Cantata. Umatras itong muli, hindi nito ihiniwalay ang titig nito sa kanya. Ang pagkabigla sa mukha nito ay unti-unting napalitan ng pandidiri. It broke Cordelia's heart. "Dareso."
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)
RomansTatlong mangkukulam... sina Cordelia, Cromuella at Cassandra ang nangangarap makapangasawa ng prinsipe. Binlackmail nila si Fairy Godmother na pagandahin sila, para makadalo sa piging ng hari at makapang-akit ng prinsipe. Mangyari naman kaya? Kung h...