Pagtakas

860 33 0
                                    

Tumingin si Cordelia sa bawat sulok ng bulwagan. Lahat ay nakitaan niya ng galit sa mga mata. Doon ay parang gusto niyang manghina.

"Patayin ang salot na mangkukulam!" sagot ng hari. Sabay sipa sa kanya sa maliit na entablado, daan para mahulog siya sa maraming tao.

Napakalakas ng tili ni Cordelia nang isa-isa na siyang kinalmot ng mga babae sa ibaba ng entablado. Naiiwan sa mga kuko ng mga iyon ang balat niya. Dumudugo na ang kanyang braso. Ang ilan ay hinila ang buhok niya at dinuraan siya.

"Pahirapan n'yo ang putang-inang 'yan!" sigaw ng hari.

Pinagpasa-pasahan siya ng mga tao. Itinutulak-tulak siya at kung sinong makakasalo ay tatawa sabay sasaktan siya. Nang itulak siya sa isang lalaki ay walang awang sinapak siya niyon sa sikmura. Kumapit siya doon para makapaghanap ng balanse pero itinulak siya niyon. Napasandal siya sa bisig ng isang lalaki na kinuha ang braso niya at pinilipit iyon.

Napasigaw si Cordelia sa sakit at nagtawanan lang ang mga tao. Basang-basa na ang kanyang mukha ng luha, laway at dugo.

Isang lalaking mataba ang walang awang lumapit sa kanya at tinadyakan siya sa puson. Nilamon ng tawanan ng mga tao ang sigaw niya. Hindi pa nakontento ang lalaki, lumuhod ito sa sahig at sinuntok ang maselang bahagi ng katawan niya.

Hindi na kayang sumigaw ni Cordelia. Umaagos na lang ang mga luha niya.

Pumikit na lang siya, tinanggap na ang napipintong kamatayan.

Hanggang sa makarinig siya ng sigawan. Pero hindi na iyon sigaw ng tuwa kundi sigaw ng pagkagulat. Kasunod ay tunog ng ungol ng kabayo at tunog din ng mga yabag niyon. Nang idilat niya ang mga mata, nakita niya si Kael na nakasakay ng puting kabayo at papalapit sa kanya.

Ang mga tao ay biglang nahawi. Sa takot na masipa ng kabayo ay nagsialis. Ang lalaking may hawak sa kanya ay binitiwan siya at halos mapasalampak siya sa sahig sa panghihina.

Mabilis ang naging pangyayari. Huminto ang kabayo sa harap niya.

"Sakay!" sabi ni Kael, inilahad ang kamay nito. Agad niyang tinanggap iyon at tinulungan siya nito na mabilis na makasakay ng kabayo. Nasa harapan siya nito, sumandal siya sa dibdib nito. Hinampas nito ang kabayo at tumakbo iyon. Pinatakbo nito iyon sa likurang pinto, kung saan naroon ang kakahuyan at makakatakas sila.

Mabilis na tumakbo ang kabayo at dahil nabigla ang mga bisita ay hindi nakalaban ang mga iyon. Nakalabas na sila ng palasyo nang marinig niyang sumigaw ang hari:

"Sundan n'yo ang mga hayup na 'yon!" sigaw ng hari. "Sundan n'yo! Patayin n'yo ang mga putang-inang 'yon!"

Nakalabas na sila ng palasyo. Parang humapdi ang sugat niya nang mahagkan ng malamig na hangin. Hindi na nga lang niya iyon alintana dahil nanlalabo na ang kanyang paningin. Inaantok na siya.

"Kapit lang, Cordelia," sabi ni Kael. Napansin niyang nanginginig ang tinig ng lalaki. Para bang umiiyak iyon. "Kapit lang. Makakatakas tayo, Cordelia. Makakatakas tayo. Mahahanapan ka natin ng lunas."

Hindi niya alam kung totoo ba iyon. Sana. Kung hindi man, isang pangungusap lang ang gusto niyang sabihin sa binata.

"Mahal kita, Kael..."

Dahil nasabi na niya iyon, wala na siyang pagsisisihan. Pumatak muli ang mga luha niya bago niya hayaang kunin siya ng antok.

CHAPTER FOURTEEN

PAWIS na pawis na si Kael habang tumatakbo ang kabayong si Stalin sa patay na kakahuyan.

Hindi niya alam kung saang manggagamot dadalhin si Cordelia. Alam niyang tatanggihan ito ng kahit sinong manggagamot ng kahit anong kaharian. Ang tsansa lang nitong gumaling ay kapag lumapit siya sa manggagamot sa kaharian mismo ng mga mangkukulam.

Alam ni Kael na kapag hindi niya iyon ginawa, mamamatay si Cordelia.

Pinabilis pa niya ang pagtakbo ng kabayo. Alam niyang hindi na siya aabutan ng mga kawal ng hari kaya kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag.

Kailangan lang talagang magmadali ni Kael. Kailangang--

Nahila ni Kael ang renda ng kabayo dahil mula sa mga nagtataasang puno sa gawing kaliwa niya ay lumabas ang isang itim na kabayo.

"Hiyaaa!" sigaw niya. Pinuwersa ang kabayo na huminto.

Huminto na si ang kabayo. Habol ni Kael ang hininga sa pagkagulat. Dalawang tao ang nakasakay sa kabayo. Iyong isa ay nasa harapan, mas maliit. Sa likod nito ay isang matangkad na bulto ang nakita niya. Nakasuot ng itim na cloak ang mga iyon, katulad ng suot ng mga mangkukulam. Nakayuko ang mga iyon kaya hindi niya makita nang maayos ang mukha.

"Sino ba kayo?" sabi niya sa nangggigigil na tinig. Wala siyang panahon na makipaglaban. "Kailangang kong dalhin sa manggagamot ang kasama ko!"

Tumingala ang dalawang taong nakasakay sa kabayo. Babae ang nasa harapan, at isa itong mangkukulam. Mas payat lang iyon kay Cordelia, pero hindi mapagkakaila sa histura niyon na mangkukulam iyon.

Ang bumigla kay Kael ay ang lalaki sa likod ng babaeng mangkukulam.

Minsan lang niyang nakita ang mukhang iyon sa palasyo, dahil hindi sila pinapapasok sa kuwarto nito. Isang beses lang niyang nakita pero hindi na niya makalimutan. May malaki kasi itong balat o birthmark sa mukha. Halos kalahati ng mukha nito ay nasakop ng balat na iyon. Maputi naman ang kalahating bahagi ng mukha nito. Singkit ang mga mata nito, matangos ang ilong at manipis ang mga labi. Matalim ito kung tumingin, naalala niya iyon. At wala raw nakakalapit dito bukod sa Haring Seleo.

Aawang pa lang ang bibig ni Kael para magsalita ay may sinabi na ang babaeng mangkukulam.

"'Wag mong dalhin ang kaibigan ko pabalik ng kaharian ng mga mangkukulam," sabi nito.

"Pero... pero kailangan niyang magamot!" sabi niya. Bumalik sa kanya ang pagnanais na dalhin na sa manggagamot si Cordelia.

"Sumama ka sa 'min, binata," sabi ng babaeng mangkukulam. "May kilala akong makakapagpagaling sa kanya. Iyon na lang ang puntahan natin kaysa ibalik mo siya sa kaharian namin."

Napakurap si Kael. Sa totoo lang ay wala na talaga siyang panahon. Lalong magiging kritikal ang lagay ni Cordelia. "At paano ko nasisigurong dapat ko kayong pagkatiwalaan?"

Hindi sumagot agad ang babae. Umangat muna ang sulok ng labi nito bago sabihing, "Hindi pa ba sapat na kasama ko ngayon ang kapatid ni Prince Charming?"

Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon