SI MARU AT JOVITA

916 27 1
                                    


MULA noon ay naging magkalapit na din sina Maru at Jovita, sa tuwa ni Kael. Mabilis na naging komportable ang mga ito sa isa't-isa at paminsan-minsan ay mas marami pang napag-uusapan kaysa sa kanila.

Minsan nga, nagbubulungan pa ang mga ito habang nakatingin sa kanya.

"Pinag-uusapan n'yo 'ko, ah?" sabi ni Kael na natatawa.

At tatawa lang din ang dalawa.

Siguro nga, mabuti na rin na ipinakilala niya si Maru kay Jovita. Dahil doon ay wala silang pagkakataon na magtalik, dahil naroon ang kanyang kapatid.

Bumalik kasi ang pagdadalawang-isip niya sa mga ipinapagawa ni Jovita. May ilang pagkakataon kasi na nabigla siya at hindi nasikmura ang hiling ng babae. Minsan ay sinabi nito na habang nagtatalik sila ay umarte daw sila na parang magkapatid. Tawagin daw niya itong ate.

It was getting more bizarre than that so Maru was a good diversion. Nalilibang si Jovita dahil sa kanya at hindi nito naiisip na humiling ng mga kakaibang bagay na may kinalaman sa pakikipagtalik.

Everything seemed to be going well until his mother asked him a particular question.

"May napapansin ka bang kakaiba kay Maru?"

Natigilan si Kael sa ginagawang pagtulong sa kanyang ina na maghugas ng pinagkainan. Napatingin siya dito. Nagkukuskos ito ng plato pero nakatingin ito sa nakasarang pinto ng silid ni Maru. Matapos kumain ang kapatid niya ay dumiretso na ito sa silid nito.

"W-wala naman, ma," sagot ni Kael. "Bakit?"

"Hindi ko alam. Iba lang ang kutob ko. May kakaiba sa kanya." Ibinaling nito ang atensyon sa hinuhugasang plato.

"Ano naman po ang kakaiba sa kanya?"

"Parang may problema. Madalas kong makitang nakatulala sa bintana. Kapag tinawag ko, ngingiti naman."

Walang sinabi si Kael. Pero may kabang sumibol sa kanyang dibdib. Hindi iyon naalis sa isip niya kaya nang maghanda na sa pagtulog ang mga magulang niya ay lumapit siya sa pinto ng silid ni Maru.

Sanay naman siyang hindi kumakatok kaya basta na lang niyang binuksan ang pinto. Nakatayo si Maru sa tapat ng tokador nito. May inilagay doon. Nang pumihit ito ay nakita siya nito. At napansin niya ang biglang panlalaki ng mga mata nito. Napaatras din ito ng bahagya.

"Kuya?" he asked. Paos ang tinig at maliit. "May kailangan ka?"

Pinakatitigan lang ni Kael ang kapatid. Ilang sandali ring walang sinabi.

"Kuya?" tawag nito sa atensyon niya.

"Wala," sabi ni Kael, ngumiti. Lumapit siya sa kapatid at tumitig sa mga magagandang mata nito. "Gusto ko lang malaman... kung okay ka. Para ka raw may problema sabi ni mama."

Ilang sandali ding walang nasabi si Maru. Pagkatapos ay ngumiti ito, nanliit ang mga mata. "Wala akong problema, kuya," sabi nito.

"Mahal kita, Maru," hindi alam ni Kael kung bakit biglang nanulas iyon sa bibig niya. Basta nasabi lang niya habang nakatingin sa kanyang kapatid.

Nagsalubong ng bahagya ang kilay ni Maru pero nakangiti pa rin. Kalaunan naman ay nawala ang pagsasalubong na iyon at umaliwalas ang mukha nito. "Mahal din kita, kuya," sabi nito.

Tumango si Kael, ginulo ang buhok ng kapatid. Tumalikod siya at naglakad patungo sa pinto.

At alam niyang ihinatid siya ng tingin ni Maru.

Kung alam lang niyang mawawala sa kanila si Maru, hindi lang sana niya ginulo ang buhok ng kapatid. Niyakap sana niya ito.

MULA nang sabihin sa kanya nang mama niya na may kakaiba kay Maru ay hindi na mapigilan ni Kael na obserbahan ang nakababatang kapatid.

Hindi naman niya ramdam na may pagbabago dito. Kapag kasama nila si Jovita ay palatawa ito. Kapag kumakain silang pamilya ng sabay-sabay ay makulit pa din ito.

Napansin nga lang niya na may mga pagkakataon na minsan ay wala ito sa bahay. Kapag nakakauwi siya ng maaga mula sa palasyo, inaasahan niya na naroon si Maru. Pero wala. Kapag itinatanong niya sa mama niya, nagpaalam daw na pupuntahan ang mga kaibigan.

Tinanggap ni Kael ang dahilan na iyon pero hindi siya mapakali. Palihim niyang tinanong ang mga kaibigan ni Maru.

At hindi na raw nagpaparamdam ang kapatid niya sa mga ito.

"Hindi na nga namamansin si Maru, eh," sabi ng binabaeng kaibigan nito, luhaan, halatang may nararamdaman para kay Maru. "Parang hindi na niya ako kilala."

Nagugulo ang isip ni Kael kaya nasasabi niya iyon kay Jovita, kapag hindi nakakasama si Maru sa kanila.

Nag-aalala din si Jovita. "Kausapin mo kaya?" sabi nito. "Para malaman mo kung ano ang problema."

Pero wala daw problema, iyon ang palaging sasabihin ni Maru. Nakangiti pa, makislap ang mga mata. Mahirap na hindi maniwala.

Kaya naisip ni Kael na siguro ay ginugulo lang niya ang sarili niyang isip.

Hanggang isang gabi na nanaginip siya. Si Maru daw, buhat-buhat ng mga lalaking nakasuot ng maskara. Nakagapos daw si Maru, kaya hindi makalaban. Panay daw ang sigaw nito, namimilog ang mga mata at nanginginig habang nakatingin sa kanya.

"Kuya, tulong! Kuya tulong!" sabi nito.

Pilit niyang hinabol si Maru pero parang hindi siya gumagalaw mula sa kjnatatayuan niya. Humahakbang siya pero hindi nagbabago ang distansya sa pagitan nila. Sumikip na ang dibdib niya, kalaunan ay may mga luha ng nalaglag mula sa mga mata niya.

"Maru... pilitin mong makawala!"

SIgaw lang nang sigaw si Maru. Papalayo na sa kanya ang mga ito. Hindi na niya maabutan. Ilang sandali pa ay hindi na niya makita ang mga iyon. Napaluhod siya sa lupa, hinihingal at umiiyak.

Hanggang sa napasigaw siya dahil may bagay na nalaglag mula sa langit.

Duguang ulo ni Maru. Nanlalaki ang mga mata. Nakabuka ang bibig na tila ba namatay nang sumisigaw--

Doon na nagising si Kael. Dumilat ang mga mata niya at agad na bumilis ang tibok ng puso niya. Bumangon siya agad at lumabas ng silid niya. Mabibilis ang hakbang na tinungo niya ang silid ni Maru. Binuksan niya ang pinto doon.

Bukas ang ilaw ng silid. At wala si Maru sa loob.

Lalong tila tinatambol ang dibdib ni Kael sa kaba.

Ayaw niyang magising ang kanyang ina kaya hinanap niya si Maru sa bahay. Nang hindi ito makita ay binalikan niya ang kuwarto nito. Bukas ang bintana. Lumapit siya doon.

Doon kaya dumaan si Maru?

Saan nagpunta ang kapatid niya?

Hahanapin na sana niya sa labas kung hindi niya napansin ang tokador ng kapatid. Naalala niya na may inilagay doon si Maru. Titig na titig siya doon, nagdadalawang isip kung bubuksan ba iyon.

Halos nanlalambot na ang tuhod niya ng hawakan niya ang handle ng tokador. Nakailang lunok siya bago niya nabuksan iyon. At mga papel ang tumambad sa kanya. Mga papel na may sulat.

Noong una ay nakahinga siya nang maluwag kahit paano. Dahil ano ba naming masama sa mga papel?

Hanggang sa makilala niya ang paraan ng pagsulat sa papel.

Bigla ay parang gumuho ang mundo ni Kael.


ANO ANG NAKASULAT SA PAPEL? IKABIBIGLA NYO ANG SAGOT. ABANGAN!

Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon