Si Jovita

922 27 0
                                    

Ilang taon na ang nakakalipas...

"KUYA, pupuntahan mo ba si Ate Jovita?" tanong kay Kael nang nakababata niyang kapatid na si Maru. Nagtanong ito nang makitang nag-aayos siya sa salamin at hindi siya mapakali.

Inilagay niya ang daliri sa tapat ng labi niya at pinatahimik ito.

"Narinig ko na, anak," sabi ng kanyang ina na lumabas mula sa kusina. May dala itong timba ng mga damit na bigla nitong ibinaba sa sahig. Tumitig ito sa kanya at umiling. "Nahihibang ka na talaga."

"Mabait si Jovita, ina," sagot ni Kael.

"Walang mabait na mangkukulam, Kael. Alam mo kung gaano sila kahayup. Nakakadiri sila at mga walang puso."

"Iba si Jovita, sinasabi ko naman 'yan sa inyo. Kailangan kasing makilala n'yo siya ni papa. Ayaw n'yo nga lang siyang papuntahin dito."

"At paano kung makita siya ng mga kapitbahay natin?" sabi ng nanay niya, nagtaas bigla ang boses dahil sa sinabi niya. "Ano na lang ang sasabihin sa 'tin? Sigurado na magagalit din sila sa 'tin. Paano ang trabaho mo sa palasyo."

"Kailangang maintindihan ng lahat na hindi lahat ng mangkukulam ay masasama." Tumingin si Kael kay Maru. "Tandaan mo 'yan, Maru."

"'Wag mong impluwensyahan ang kapatid mo!" bulyaw ng kanyang ina. "Bata pa siya!"

"Disisais na siya, ina. Alam na niya ang tama at mali, at dapat niyang malaman na mali na husgahan lahat ng mga mangkukulam."

Umiling ang kanyang ina at binigyan siya ng dismayadong tingin. "Bahala ka, Kael. Beinte ka na. Matanda ka na. Ikaw dapat mismo ang makaalam mismo na malaking pagkakamali ang ginagawa mo." Binuhat ng kanyang ina ang timbang dala nito kanina at naglakad palabas ng bahay.

Naiwan sila ng Maru.

"Ikaw kasi," pagalit na sabi niya sa kapatid. "Ang daldal mo."

"Pasensiya na, kuya," sabi ni Maru, may lungkot sa mga mata.

"Hayaan mo na," sabi ni Kael. Muling inayos ang sarili sa salamin.

"Gusto kong makilala si Ate Jovita," sabi ni Maru. "Mukha siyang mabait, base sa mga kuwento mo."

Natigil si Kael sa pagtingin sa sarili. Nilingon niya ang kapatid at nginitian. "Mabait talaga siya."

"Sayang at hindi ko siya makikilala," sabi ni Maru.

Ngumiti si Kael sa kapatid. "Makikilala mo siya, gagawa ako ng paraan." Ginulo niya ang buhok ng kapatid. "Mabuti pa ikaw. Mabuti pa ikaw... naiintindihan mo."

Maru smiled and Kael realized how much he love his brother.

"AYAW pa rin talaga akong kilalanin ng iyong ina, ano?" tanong kay Kael ni Jovita.

Doon sila nagkita sa patay na kakahuyan sa labas lang ng kaharian ng mga mangkukulam. Doon lang kasi walang makakakita sa kanila, dahil walang dumadayo doon na mula sa ibang kaharian.

Nakaupo sila sa isang nakatumbang puno, nakalatag sa lupa ang isang tela na pinatungan ni Jovita ng mga pagkaing iniluto nito.

"Sinasabi ba niya sa 'yo na iwan ako? Dahil pangit ako, ganoon ba?"

Palaging iniisip ni Jovita na pangit ito. Umbok kasi ang noo nito at bungi ang tatlong harap na ngipin. Maraming pimples ito at parang laging nagmamantika ang buong katawan.

Pero maasikaso ito, mabait, masarap magluto. Masaya itong kasama dahil natatawa ito sa mga kuwento niya tungkol kay Maru at sa prinsipe din ng palasyo.

"Ano ka ba, Jovita." Ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang mga kamay at inilapit ang mukha niya sa mukha nito. "Sa paningin ko, ikaw ang pinakamaganda."

Hinagkan niya ang mga labi ni Jovita. Mga labing hinahanap-hanap niya kapag mag-isa siya, sa kanyang silid, sa malalamig na gabi.

Hindi lang puso niya ang binuhay ni Jovita. Pati mga damdaming nagpapainit ng katawan.

If that wasn't love, he didn't know what to call it.

"Hindi mapanghusga si mama sa anyo. Ang ayaw niya ay ang ginagawa ng ibang mga mangkukulam. Lalo na ang ritwal n'yo tuwing lumilipas ang apat na taon."

Mayroong pagkakataon na ang buwan ng Pebrero, na tinatawag na buwan na kamunduhan, ay nagkakaroon ng isang sobrang araw. Doon dinadakip ng mga lalaking mangkukulam ang ilang mga kabataang lalaki at babae sa iba't-ibang kaharian. Karamihan sa mga iyon ay natatagpuan na lang na bangkay. Ang ilan ay nakakabalik pero wala na sa tamang pag-iisip.

Labis ang galit ng lahat sa mga mangkukulam pero walang makalaban. Malakas ang kapangyarihan ng mga ito.

"Bakit n'yo ba kasi iyon ginagawa?" sabi ni Kael.

"Hindi ko alam."

"At ano ba ang eksaktong ginagawa n'yo? May ideya lang kami, pero hindi naming nasisiguro. Bakit ang mga nakaliligtas ay nasisiraan ng bait? Ano ba'ng--"

"Hindi ko alam, Kael!" biglang sabi ni Jovita, luhaan na ang mga mata nito. "Wala akong alam. Ayokong alamin. Takot akong malaman ang ginagawa nila sa mga kabataan, Kael."

Hindi nakapagsalita si Kael.

"Hindi ako katulad nila, Kael," sabi ni Jovita, nakahawak sa dibdib nito. "Dapat kang maniwala na hindi ako katulad nila. Umiiyak ako araw-araw, dahil tingin ko, hindi ako dapat isinilang na mangkukulam. Dapat ay isinilang akong katulad mo. Eh, di sana, madali ang lahat. Sana ay nakilala ko na ang iyong pamilya. Mahirap sa 'kin to, Kael. Kailangan mong malaman na sobrang hirap sa 'kin nito..."

Pinatahan ni Kael si Jovita. Binigyan ng magagaang na halik ang mukha nito. "Sssh, pasensiya na," sabi niya. "Alam ko na hindi ka katulad nila. Mahal kita, Jovita. Mahal na mahal kita at maniwala ka, ipaglalaban kita sa lahat."

Lalo pang naiyak si Jovita nang marinig ang mga salitang iyon. Kapag umiiyak ito ay nagmumukha itong inosente, na para bang wala itong magagawang mali. Para bang hindi ito isang mangkukulam.

"Halikan mo 'ko," sabi ni Jovita.

Dumukwang si Kael at mariing hinalikan ang kasintahan. Ipinadama niya rito kung gaano katotoo ang huling sinabi niya rito.

Nang kumalma na ito ay pinunasan nito ang mga luha sa pisngi at tumawa.

"Mayroon akong ibibigay sa 'yo."

Kinuha ni Jovita ang sisidlan nito. Mula doon ay naglabas ng bungkos ng mga papel.

"Iginawa kita ng kuwento ng romansa," sabi ni Jovita. Matagal na itong nangangarap na maging manunulat. "Basahin mo sana. Tayo ang bida diyan."

"Talaga?" sabi ni Kael, nginitian ang kasintahan.

"Oo," sabi ni Jovita, namula ang magkabilang pisngi. "Basahin mo mamayang gabi, ah? At sabihin mo sa 'kin kung nagustuhan mo."

"Sige."

Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon