NAPANGANGA si Cordelia nang makarating sa bulwagan ng palasyo. Napakalaki kasi niyon, napakataas ng kisame na napakaraming chandelier. Malalaki ang bintana at malinis na malinis ang marmol na sahig. Nagkalat doon ang mga babae at binabaeng nangangarap makapangasawa ng prinsipe.
Nakakalat sa mga sulok ng bulwagan ang mga prinsipe. Hiwa-hiwalay sila at hindi magkakatabi. Halos pilahan sila ng mga babaeng gustong makipag-usap at magpakitang gilas sa kanila.
Lima ang prinsipe sa Cantata. Ang una ay si Rolfe, ang prinsipe sa Aurelius, ang kaharian ng kagandahan. Walang ginawa ang mga tao doon kung hindi magpaganda, ipinapapatay ang mga hindi pinalad at nagging pangit.
Si Brick ay prinsipe ng Vermuna, isang kaharian na kilala sa mga bagay na may kinalaman sa sex.
Guwapo ang dalawa. Kung hindi niya mabibingwit si Charming, papasa na sa kanya ang dalawa.
Ayaw niya sa dalawa pang prinsipe. Si Lineus, ang prinsipe sa Wolfeum, kaharian ng mga lobo. At lalo na si Moni, na mula sa Radon, kaharian ng mga duwende! Ayaw niya sa lobo! Masyadong mabuhok! Ayaw naman niya lalo sa duwende, maliit! Baka hindi niya maramdaman!
Si Charming talaga ang gusto niya. Si Charming na pinaka-guwapo sa lahat. At siguro ay may pinakamalaking ibon!
Naglakad siya palapit sa sulok ng bulwagan kung saan naroon si Charming. Nakaupo ang lalaki sa isang silyang puno ng mga mamahaling bato. Sa harap niya ay nakapila ang mga babaeng gustong magpakilala sa kanya. Sa unang gabi ng pagpili, wala pang sayawan. Magpapakilala lang ang mga nangangarap makabingwit ng prinsipe.
Alam ni Cordelia na mapapansin na siya ng prinsipe dahil sa taglay niyang ganda. Salamat sa matandang engkantada na tumulong sa kanila...
Pinilit nila ang matanda na dalhin sila sa bahay nito. Nakatutok sa matanda ang punyal ni Cassandra, kaya hindi iyon nakatanggi.
Dinala sila nito sa tahanan nito. Simpleng tahanan lang iyon. Mistula iyong kubo. Wala iyong silid. Pagpasok mo ay bubungad na agad sa 'yo ang kama.
Nagulat sila sa nakita nila sa kama. Ang kama ay napapatungan ng mga pahabang goma na korteng ari ng lalaki. Mabibili iyon sa Vermuna, ang kaharian nga na kilala dahil sa kakaibang pagtingin sa sex.
"Kadiri ka, tanda!" sigaw ni Cromuella. Ito talaga ang magre-react dahil ito nga ang conservative. "Ang tanda mo na, gumagamit ka pa niyan!"
Parang nahihiyang napayuko ang matanda.
"Ano ito?" sabi naman ni Cordelia, dinampot ang isang litrato sa ibabaw ng kama. Isang lalaki ang nasa litrato. Kakaiba ang suot niyon. Itim na pang-itaas na may nakasulat na "Anti-Social Social Club." Maikling pang-ibaba na may nakasulat na, "Supreme." Nakalabas ang dila niyon sa litrato.
"Nakalabas ang dila niya. Maligno ba siya?" sabi ni Cassandra.
"Hindi!" sigaw ng matandang engkantada, nainis ata. "'Yan ang kasintahan ko!"
"Kasintahan mo?" sabi ni Cromuella. May ilan pang litrato sa ibabaw ng kama. Dinampot nito iyon. "Oo nga, magkasama kayo dito."
Ipinakita ni Cromuella sa kanila ang litrato. Naka-akbay ang lalaki sa matanda. Nakalabas na naman ang dila ng lalaki. Tiningnan pa ni Cromuella ang ibang litrato. Sa sunod na litrato, nakayuko ang dalawa habang ang mga braso ay nasa isang kakaibang posisyon, malapit sa noo.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)
RomanceTatlong mangkukulam... sina Cordelia, Cromuella at Cassandra ang nangangarap makapangasawa ng prinsipe. Binlackmail nila si Fairy Godmother na pagandahin sila, para makadalo sa piging ng hari at makapang-akit ng prinsipe. Mangyari naman kaya? Kung h...