Ang Bruha ni Kael ay kay Kael lang

1K 36 0
                                    


NAKATINGIN si Cordelia sa bote ng tabletas. Kaunti na lang pala. Kailangan niyang manghingi uli kay Fairy Godmother.

Buti na lang kinaibigan ko, saloob-loob ni Cordelia. Kaya paniguro na hindi siya pagdadamutan ng mahika. Pinakinggan kasi niya ilang oras kung paano nilarawan na daks daw ang boyfriend nito. Tinanong niya kung ano ang daks, kilig na kilig na tumawa, hindi nasabi.

Bumuntong-hininga si Cordelia, kumuha ng isa sa mangilan-ngilan na lang tabletas at isinubo iyon.

After a few seconds, she was beautiful again.

Lumabas si Cordelia ng silid. Napaatras siya nang makitang nakatayo na sa labas si Kael.

"Ginagawa mu?" Kay Fairy Godmother niya natutunang sabihin iyon.

"Hinahanap ka na ng prinsipe."

"Alam ko." Itutuloy na nila ang paghahanap sa babaeng nagmamay-ari ng kristal na sapatos.

"Isasabay na kita."

"Bakit?"

"'Wag ka nang matanong," sabi nito, sabay abot ng kamay niya. Hinila siya nito pababa ng palasyo at deadma sa lahat ng pagtatanong niya. Nakalabas na sila ng palasyo ay hindi pa rin nito binibitiwan ang kamay niya.

Nasa labas ng karwahe ang hari, ngumiti nang makita siya.

"Cordelia, tara na, marami pa tayong kabahayan na pupuntahan."

Inangat ni Kael ang magkahawak nilang kamay, para siguro makita ng prinsipe. Pero parang balewala iyon sa prinsipe. Para ngang hindi nito napansin iyon. Kinuha nito ang isang kamay niya para alalayan siyang makapasok ng karwahe. Pero hindi rin siya binitiwan ni Kael kaya nagmistula siyang lubid na pinag-aagawan ng mga ito tulad ng sa isang laro.

Nagkatitigan ang dalawang lalaki, walang sinasabi sa isa't-isa. Hindi rin naman alam ni Cordelia kung ano ang sasabihin niya.

"Kael, kaya ko na. Bitawan mo na ang kamay ni Cordelia."

Ilang sandaling walang sinabi si Kael. Bago tila masama ang loob na binitiwan nito ang kamay niya. Bahagyang nagsalubong ang kilay nito pero yumuko na lang ito para hindi siguro iyon mapansin ni Prince Charming.

Todo ngiti naman si Prince Charming sa kanya. "Pumasok na tayo sa karwahe, Cordelia," he said.

Sinunod niya ang mahal na prinsipe. Dinaldal siya nito habang tumatakbo ang karwahe, at nanatiling nakatutok ang mga mata niya sa tahimik na si Kael.

PIGIL lang ni Cordelia na ipakitang diring-diri na siya nang makita ang mabuhok, maraming kulugo at mabahong paa ng babaeng nagsusukat ng kristal na sapatos.

Kasama nito ang kaibigan nitong binabae sa bahay. Maganda naman ang bahay, mukhang may pera ang babae dahil makinis, pero bakit naman puro kulugo ang paa?

"Ay, bakit gano'n?" tanong ng babae. "Bakit biglang sumikip?"

Pinagpilitan pa ng babae na isuksok ang paa sa sapatos.

"Hindi po kasya," sabi ni Cordelia.

"Kasya 'yan," sabi ng babae. Nakakarimarim, baka mapisa ang kulugo sa sapatos!

"Tanga, hindi talaga kasya," sabi ng binabae na maliit. Mas maliit pa sa kanya. Four feet lang ata ang taas.

"Kasya 'yan, unano," sabi ng babae.

Ilang minutong sinubukan ng babae. Hindi nagkasya.

"Subukan mo bakla," sabi ng babae nang sumuko. "Baka sa 'yo kasya, maliit paa mo."

"Gaga ka, kadiri. Mahawa pa ako ng kulugo mo."

Nagtalo na ang dalawa. Napakamot na lang si Cordelia ng ulo.

"Mauuna na po kami," sabi niya. "Wala naman po dito ang hinahanap namin."

Nagtungo naman sila sa katabing bahay. Pinapasok agad sila ng lalaking nagbukas, matanda na at malaki ang tiyan. Hindi magkandatuto, pinaupo sila sa bangko. Tapos, sumigaw:

"Bonesa, bumaba ka! Narito ang prinsipe, dala ang sapatos mo! Bonesa!"

Inabangan nila si Bonesa. Mayamaya ay lumitaw na sa tuktok ng hagdan, patagilid bumaba kasi sobrang taba. Wala ng leeg, puro baba na lang. Hinihingal pa nang makababa, akala mo tumakbo nang malayo. Aatakehin pa yata.

"Asan ang sapatos ko?" tanong ni Bonesa, may mga asukal pa sa labi. Kumain yata ng tinapay na binudburan ng asukal.

Napabulong siya sa prinsipe. "Makakasayaw pa ba 'yan?" sabi niya. "Kung yan ang kasayaw mo, nang tumakbo 'yan, aabutan mo 'yan."

Napahalakhak ang prinsipe.

HINDI na naiintindihan ni Kael ang sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya nagugustuhan na napapatawa ni Cordelia ang prinsipe, kung bakit ayaw niyang hawakan ng prinsipe ang kamay ng babae.

Hindi siya dapat nakakaramdam ng ganoon dahil dapat ay galit siya kay Cordelia. She was a witch, and a witch broke his heart and ruined him and his family. He should not feel this--wanting to kiss her everytime, even on her real form. He was suppossed to hate her enough to kill her,

But how many times did he thought of making love to her?

How many times he had thought of cuddling her, of kissing her? He also imagined he would realize Cordelia was different from the other witches, and therefore making his emotions somehow acceptable.

Pero nangyayari ba 'yon? Iba ba si Cordelia sa ibang mangkukulam?

Naramdaman na ni Kael sa isang mangkukulam ang ganoong emosyon... at pinagsisihan niya iyon.

Pero bakit pa rin niya nararamdaman iyon?

Why on earth that when Cordelia transformed to how she really looked, he still thought of her as beautiful?

And why was he doing this, knocking to the room of Prince Charming, wanting to confront him?

Binuksan ni Prince Charming ang pinto. Parang nabigla pa ito nang makita siya.

"Bakit, Kael?"

Back then, he knew he was not making much sense but he couldn't stop. "Ako lang ang hahawak sa kamay niya."

"Ano?" sabi ng prinsipe, kumunot ang noo.

"Ako lang ang hahawak sa kamay niya," pagdidiin pa ni Kael. "You can laugh at her jokes, you can talk to her, sure, but you can not hold her hand. Ako lang ang hahawak sa kamay niya."

"You mean Cordelia?" sabi ng prinsipe, umangat ang isang kilay nito.

Hindi nagsalita si Kael, tumitig lang sa lalaki.

The prince smiled. "Inuutusan mo ako na tigilan ang paghawak sa kamay niya?"

Matigas ang pagtango ni Kael.

"Ako pa talaga ang inutusan mo?" sabi ng prinsipe, tumawa nang malakas.

"Matagal mo na akong right hand man, Prince Charming. I never asked you for anything. At alam mong sinusunod ko lahat ng inuutos mo," sabi ni Kael. "Tingin ko hindi naman masama kung may hilingin ako sa 'yo... simple lang naman 'yon." Inilapit niya ng bahagya ang mukha niya sa prinsipe. "Stay away from her."

Pagkatapos niyon ay tinalikuran ni Kael ang prinsipe.

Ano ba ang paliwanag sa ginagawa niyang iyon? Simple lang yata. Pagkabaliw.

Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon