Ang Simula ng Paghahanap kay Cinderella

933 30 1
                                    


HINDI rin nagtagal at sinimulan na ang paghahanap sa babaeng nakaiwan ng sapatos. Pagkatapos na pagkatapos nang almusal ay ihinanda na ang karwahe na gagamitin para libutin ang kaharian.

"Pupuntahan natin ang bawat bahay," sabi ni Prince Charming. "Pupuntahan natin bawat bahay na may babae at ipasusukat natin sa kanya ang sapatos."

Nakasakay sina Cordelia, Kael at Prince Charming sa isang malaking karwahe. Magkatabi ang dalawang lalaki habang nakaupo naman siya sa tapat ng mga ito. Hawak-hawak ni Prince Charming ang kristal na sapatos.

"Nakita n'yo siya, 'di ba?" sabi ni Prince Charming. "Malabo ang aking mga mata kaya maari akong magkamali. Pero kayo, makikilala n'yo siya, 'di ba?"

"Opo, mahal na prinsipe," sabi ni Kael. "Maliban na lang kung siya ay tinulungan ng diwata. Minsan, ang mga diwata ay tumutulong sa mga kababaihan para ibahin ang anyo nito." Sumulyap sa kanya si Kael pagkasabi nito iyon.

Para namang nalungkot ang prinsipe sa narinig. "Sana lang ay mahanap natin kung kanino magkakasya ang sapatos na ito."

Gusto sanang magkomento ni Cordelia na parang wala namang saysay ang gagawin ng prinsipe. Dahil hindi naman imposible na magkasya ang sapatos sa ibang babae na hindi si Cinderella.

Alam niyang binago ng diwata ang anyo ni Cinderella, kaya hindi niya sigurado kung makikilala niya iyon. Lalo pa at may takip ang mukha ni Cinderella nang makita nila itong gamitan ng mahika ng diwata. Hindi rin nasabi sa kanya ng diwata kung saan nakatira si Cinderella. Tingin niya ay hindi din nito alam. Pero nagbabaka-sakali pa rin siya na makikilala niya si Cinderella at magiging kontento na ang prinsipe.

"Kailangang mahanap natin siya agad," sabi pa ni Prince Charming. "Isang linggo lang ang ibinigay na palugit sa 'kin ng aking ama. Kapag hindi ko nahanap ang babaeng iyon sa loob ng isang linggo..." Hindi naituloy ni Prince Charming ang sasabihin, nagkaroon lang ng takot sa mga mata nito.

"Ano'ng mangyayari, mahal na prinsipe?" tanong ni Cordelia.

Lumunok ang prinsipe, ang isang kamay ay humawak sa kamay niya at pinisil iyon. Napatingin siya doon. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa nitong hawakan ang kamay niya. Pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya kaya nag-angat siya ng ulo. At doon niya nakita si Kael, nakatitig sa kanya, parang gustong basahin ang takbo ng isip niya.

"Kapag hindi ko nahanap ang babae, si ama ang pipili ng pakakasalan ko," sabi ng prinsipe. Mula sa bulsa ng suot nitong magandang tsaleko ay inilabas nito ang ilang mga larawan. "'Yan ang babaeng gusto nilang ipakasal sa 'kin."

Binawi ni Cordelia ang kamay sa prinsipe, sabay kuha sa mga larawan. Napaatras siya nang bahagya nang makita ang isang babaeng mahaba ang buhok. Kakaiba ang babae dahil bigotilyo iyon at balbas sarado. Tiningnan pa niya ang ibang litrato at gusto niyang mapatili nang makita na may isang malaswang larawan doon, ang babaeng balbon ay walang saplot at nakabukaka at kitang kita na may kahabaan din ang buhok niyon sa pribadong parte ng katawan niyon.

"Rapunzel ang pangalan ng babaeng 'yan," sabi ng prinsipe. "Kaibigan ng aking ama ang kanyang tiyahin na nag-aalaga sa kanya. Ang kanyang tiyahin ang kumuha ng mga larawan."

Ngumiwi si Cordelia bago ibalik sa prinsipe ang mga larawan. "Ayaw n'yo po sa kanya?"

Tumango ang prinsipe. Pagkatapos ay hinawakan ulit nito ang kamay niya. "Natatakot akong maikasal sa kanya."

Hindi na nahila ni Cordelia ang kamay niya mula sa pagkakahawak ng prinsipe. Nang makarating sila sa bayan ay nagpaunang bumaba ang prinsipe. Katabi nito ang mga kawal habang inililibot ang paningin sa paligid, iniisip kung saang pinto ang unang pupuntahan, kakatukin.

Nakatayo lang si Cordelia at nakatanaw sa pinto ng prinsipe, nang maramdaman niya ang presensiya ni Kael sa tabi niya.

"'Wag mong hayaang hawakan ng prinsipe ang mga kamay mo," sabi nito.

Nang bumaling siya rito ay nakita niyang namumula ang magkabilang pisngi nito. Salubong ang kilay at nagtatagis ang bagang.

"Hindi ko naman pinilit ang prinsipe na gawin 'yon. Malungkot lang siguro siya--"

"At masaya ka naman na hinawakan niya ang kamay mo?"

"Wala naman akong sinabing ganyan," she said.

Naglayo ng tingin si Kael. Mukha itong paslit na inapi. "'Wag mong pahawakan ang kamay mo sa kanya," he said.

"Bakit?"

"Dahil hindi ko gusto," sabi nito, pagkatapos ay naglakad na para sundan ang prinsipe.

Saglit na natigilan si Cordelia, nakatingin sa likod ng binata. Hindi kaya... hindi kaya nagseselos si Kael?

Parang imposible, pagkontra niya agad sa sarili. Masyado namang mataas ang pangarap niya.

Tama, imposible.

MAHIRAP hanapin ang babaeng may-ari ng sapatos, iyon ang natuklasan nila sa mga sumunod na araw. Ilang kabahayan ang pinasok nila para ipasuot sa mga babae ang sapatos. Lahat naman ng babae ay payag na payag isukat iyon--kahit iyong mga lola na.

"Lola, amoy bangkay na po 'tong paa n'yo, susubukan n'yo pa?" Hindi mapigilang komento ni Cordelia nang mapunta sila sa bahay ng isang matandang dalaga. Ipinasok nito ang paa sa loob ng sapatos. Maluwag.

"Hindi po kasya," sabi ni Cordelia, tumingin sa prinsipe at kay Kael na magkatabing nakatunghay sa kanya.

"Lumaki yata ang sapatos ko," komento ng lola. Tiningnan siya nito nang masama. "Baka binanat mo."

At inakusahan pa talaga siya?

"Mawalang galang na po, mukha n'yo na po ang kailangang banatin," sabi ni Cordelia. "Hindi po kasya."

Nilayasan nila ang bahay ng matanda. Nagpunta sila sa mga katabi pang bahay. Pero nabibigop pa rin sila. Hindi pa rin nagkakasya talaga. Napapansin ni Cordelia na nalulungkot na ang prinsipe.

Naawa naman siya dito. Pero iyon na lang ang nararamdaman niya. Awa. Wala nang kagustuhang magpapansin dito o mag take advantage sa vulnerability nito.

"Mahahanap din natin siya, mahal na prinsipe," sabi ni Cordelia habang nakasakay sila sa karwahe. Katabi niya ang prinsipe at katapat nila si Kael na tahimik lang.

"Tingin mo?"

"Opo." Kahit ang totoo, naisip ni Cordelia na wala namang saysay ang ginagawa nilang paghahanap. Maaring magkasya ang sapatos sa kahit sino, kahit hindi iyong nakasayaw ng prinsipe. Tingin ni Cordelia ay nagkataon lang na hindi pa nagkasya ang sapatos sa kahit sino.

"Gusto ko siyang mahanap, Cordelia," sabi pa ng prinsipe. Biglang pumatong ang kamay nito sa kamay niya sa kanyang kandungan. Napatuwid ng upo si Kael sa harap nila.

Naalala ni Cordelia ang babala ni Kael. Ayaw nitong hawakan ng prinsipe ang kamay niya. Babawiin sana niya pero hinigpitan ng prinsipe ang pagkakakapit doon.

"Gusto ko siyang mahanap dahil ayokong sundin ang utos ni ama," sabi pa nito.

"Pero malay n'yo ho, mabuti palang tao si Rapunzel?"

Umiling ang prinsipe. "Ayokong ikasal kay Rapunzel, may buhok siya sa utong," sabi nito. "Isa pa, iyong mga taong nakulong sa tore ng gano'n katagal, siguradong magkakaroon ng problema sa pag-iisip."

Hindi na nakapagkomento si Cordelia. Hindi niya alam kung paano niya seseryosohin ang sinabi ng prinsipe. Isa pa ay ramdam niya ang mga mata ni Kael na nakatutok sa kanya. Sinubukan niya uling bawiin ang kamay sa prinsipe pero hindi nito iyon pinakawalan.

"Natatakot ako Cordelia," sabi pa ng prinsipe. "Natatakot ako na hindi natin siya mahanap."

Bakas naman ang takot at pag-aalala sa mukha ng prinsipe. Pinisil nitong lalo ang kamay niya at hindi nito binitiwan hanggang sa malapit na sila sa palasyo. Nang sulyapan ni Cordelia si Kael, nakita niyang salubong ang kilay nito.

Lagot na.

Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon