Hibang na Prinsipe

800 26 0
                                    

RECAP: Hindi nagkasya kay Cinderella ang sapatos dahil namanas siya. At kanino nagkasya? Kay Cordelia!

Tingin ni Cordelia ay desperado ang prinsipe na makahanap ng paraan para matakasan ang kasal kay Rapunzel. Kaya naisip nitong ipasukat sa kanya ang sapatos at nagkataon namang nagkasya iyon sa kanya.

"Hindi ako hibang!" sigaw ng prinsipe. "Si Cordelia ang babaeng nakasayaw ko nang mga gabing iyon!"

"Alam mong hindi iyan totoo! Alam mong sinasabi mo lang 'yan sa sarili mo!" sigaw ni Kael. Halata na ang gigil nito. "Hindi puwedeng mangyari ang gusto mo!"

"At sino namang hahadlang sa 'kin? Ikaw? Ako ang prinsipe Kael," sabi ni Prince Charming. "At narito ang pruweba. Si Cordelia ang babaeng pakakasalan ko."

Parang iyon ang dahilan kaya bumuhos ang galit ni Kael. Dumukwang ito at hinawakan sa kuwelyo ang prinsipe. Hiniklat nito ang prinsipe at sinapak sa mukha.

Napasigaw si Cordelia. Kanina ay maayos ang lahat. Ano na ang nangyari?

Hindi pumayag na matalo ang prinsipe. Pilit nitong tinatanggal ang pagkakahawak ni Kael dito, habang ang paa nito ay umaangat para tadyakan ang lalaki. Tinamaan si Kael sa binti, pero hindi man lang ito nagpakita ng kahit anong indikasyon na nasaktan ito.

"Matagal na akong nagtitimpi sa 'yo. Binalaan na kita na layuan si Cordelia!" sigaw ni Kael.

"Tigilan n'yo na 'yan! Tigilan n'yo na 'yan!" walang magawang sigaw ni Cordelia. Tingin niya ay hindi naririnig ng kutsero ang pag-aaway ng dalawa. "Tigilan n'yo na 'yan!"

"Saktan mo man ako Kael, hindi magbabago ang isang bagay na alam nating pareho. Prinsipe ako at kanang kamay lang kita. Prinsipe ako at alam mo na makukuha ko kahit ano'ng gusto ko. Kaya ang gawin mo na lang, humanap ka ng mangkukulam na papatol sa 'yo!" Pinagdiinan ng prinsipe ang huling pangungusap.

Iyon ang lalo pang nagpasilab ng galit ni Kael. Paulit-ulit nitong sinapak si Prince Charming. Sige ang pagtili ni Cordelia, pero hindi alam kung ano ang paano pipigilan ang dalawa.

Mabuti na lang at nakita na niya ang malaking gate ng palasyo. Bumukas iyon at pumasok na sa bakuran ang karwahe.

"Tigilan n'yo na 'yan!" sabi ni Cordelia, pinalakas pa ang tinig, nagulat dahil nakitang duguan na ang mukha ng prinsipe.

Ilang sandali ay huminto na ang karwahe. Binuksan ni Cordelia ang pinto niyon at lumabas, muntik nang sumabasob sa lupa. Pagkatapos ay sumigaw siya.

"Tulungan n'yo ako!" sigaw niya.

Ang mga kawal na nasa bakuran ay agad sumaklolo. Nakita ng mga ito ang nangyayari at mabilis na pinasok ang karwahe. Nakarinig si Cordelia ng sigawan at ilang sandali pa ay isang kawal na ang humihila kay Kael mula sa likod. Duguan na rin ito at patuloy ang pagwawala.

Isang kawal naman ang lumabas mula sa karwahe, bitbit bitbit ang prinsipe. Punong-puno ng dugo ang mukha ng prinsipe at kitang-kita ang pagtatagis ng bagang nito.

Pero napatingin ito sa bukana ng palasyo at biglang napangiti. Sinundan ni Cordelia ang tingin ng lalaki. Bigla ay gustong tumiklop ng mga tuhod niya.

"Ano'ng nangyayari?" matigas na sabi ng ama ni Prince Charming na si Haring Seleo. Palapit ito sa kanila na salubong ang kilay at tila nagtatagis ang bagang. Kasunod nito ang asawa nitong si Reyna Jinda.

"Ano'ng nangyari sa 'yo, anak?" sabi ni Reyna Jinda, natuptop ang bibig.

Dumura ng dugo si Prince Charming. "Sinaktan po ako ni Kael," sabi ng prinsipe, sabay turo sa duguang lalaki.

Aawang sana ang bibig ni Cordelia, pero naitikom niya dahil nakita niya ang galit na lumarawan sa mga mata ni Haring Seleo.

"Ano'ng kagaguhan itong ginawa mo, Kael?"

Hindi sumagot si Kael. Nakatingin lang ito sa hari.

"Tingin ko ay humihithit siya ng ipinagbabawal na tuyong dahon, ama," sabi ni Prince Charming na may nang-iinis na ngisi sa mga labi.

"Hindi po totoo 'yan!" nasabi ni Cordelia. "Maipapaliwanag ko po ang lahat--"

Tumaas ang kamay ng hari para patahimikin siya. Titig na titig ito kay Kael. Si Prince Charming ay ngiting-ngiti naman. Tuso ito. Alam nito kung ano ang lalo pang nakakapagpagalit sa ama nito.

"How dare you," sabi ni Haring Seleo. "I treated you well and you repay me by hurting my son."

Hindi nakapagsalita si Kael.

"Siguro nga ay humihithit ka ng ipinagbabawal na tuyong dahon!"

"Hindi po, Haring Seleo! Hindi po!" sabi ni Cordelia sa maliit na tinig.

"Kawal!" sigaw ni Haring Seleo. Napatuwid ng tayo ang kawal na may hawak kay Kael. "Dalhin ang putang-inang 'yan sa kulungan sa underground ng palasyo! Parusahan ang putang-inang nanakit sa anak ko!"

Hindi alam ni Cordelia ang gagawin. Hindi na siya nakakibo nang hilahin ng kawal si Kael papasok sa palasyo. Lumingon ito sa kanya at tumitig sa mga mata niya. Nakatingin lang siya rito habang hinihila ito

palayo.

Napaupo si Cordelia sa lupa. Kasunod ay ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon