Napasubo Yata Ang Bruha

1K 31 0
                                    

NAGTUNGO si Cordelia sa bahay ng diwata para kunin ang tabletas na kailangan niya. Binigyan pa siya nito ng tatlo pang bote. Naghihintay sa kanya si Kael sa labas ng bahay. Binigyan lamang siya nito ng limang minuto para kunin lahat ng kailangan niya.

"Nababaliw ka na ba?" sabi ng matandang diwata. Sa nakalipas na anim na araw na kasama nila ito ay napalapit na ito sa kanila kahit paano. Nakita nito na hindi naman sila mga napakasamang nilalang. Nakipagkuwentuhan na nga ito tungkol sa nobyo nito sa mundo ng mga tao. "Hintayin mo si Cassandra. Alam niya ang gagawin. Kailangan hindi ka pumayag sa sinasabi ng lalaking iyon."

Hindi pa umuuwi si Cassandra. Sa tingin niya ay may nangyari na ding kung ano rito. Tingin nga niya ay hindi na niya makikita ito uli. Parang silang tatlo ay minalas sa kanilang plano.

"May mali sa nangyayari, diwata," sabi ni Cordelia. "May dahilan kung bakit galit na galit si Kael sa mga mangkukulam. Hindi lang iyon dahil sa reputasyon namin, o dahil sa ginagawa ng mga pinuno namin. May mas malalim siyang dahilan kung bakit niya ito ginagawa."

Napailing ang diwata. "At gusto mong malaman ang dahilan niya, gano'n ba?"

Binuksan ni Cordelia ang bote ng tabletas. Tinanggal niya ang takip. Kumuha ng isa at inilagay sa bibig. Hinayaan iyong matunaw sa kanyang dila hanggang sa halos maluha siya sa kapaitan niyon. Then, she began to become beautiful again.

"This is better than death," she said.

Natahimik ang diwata bago tumango. "Lalagyan ko ng mahika lahat ng mga damit mo. Para lumaki o lumiit depende sa inyong anyo. Tandaan mo na anim na oras lang ang epekto ng tabletas. 'Wag mo iyong kalilimutan"

Tumango siya at pinanood itong lagyan ng makiha ang mga damit niya. Pagkatapos ay lumabas na siya ng tahanan nito. Sa labas, naroon si Kael, nakapamulsa. Nang lingunin siya nito at makita siya nito sa maganda ngunit peke niyang anyo ay napailing ito.

"That face could not hide just how ugly you are inside."

She didn't say anything. But it hurt.

"DITO ka na sa palasyo matutulog. Dito ka na titira. You will obey all my instructions and I am the one who's going to decide if you can say no," paliwanag ni Kael. "Ako na ang magpapaliwanag sa hari tungkol sa 'yo."

Hindi sumagot si Cordelia. Nakatingin lang siya kay Kael na kaagapay niyang naglalakad sa pasilyo ng palasyo kung saan natutulog ang mga manggagawa.

"Habang nasa palasyo ka, paniguruhin mo na mananatili ka sa peke mong anyo. Kapag nakita ka nila sa anyo mong mangkukulam, isa iyong malaking problema."

Hindi pa rin sumagot si Cordelia. Huminto na sila sa tapat ng isang pinto. Humarap sa kanya si Kael at ngumisi.

"Ito ang magiging silid mo."

Binuksan nito ang pinto at sabay silang pumasok sa loob. Gustong manlumo ni Cordelia sa nakita. Walang masyadong gamit sa loob ng silid. Walang mesa o silya. Ang meron lang ay isang sira-sirang banig at manipis na unan na marumi at mukha pang matigas. May manipis ding kumot na butas-butas.

Walang ilaw ang silid kaya napakadilim. Walang gasera at ang bintana ay maliit at napakataas. Malamig sa buong silid. Hindi niya mapigilang yakapin ang sarili.

"Ang lamig," nasabi niya.

Humarap sa kanya si Kael. "Nagrereklamo ka ba?"

Sinalubong niya ang titig nito. "Hindi," she said. "Malamig lang talaga."

Kael grinned again. Dumukwang ito para maglapit ang mga mukha nila. "You're beautiful now," he said. "I wouldn't mind making you warm."

Hindi sumagot si Cordelia. Alam niyang iniinsulto lang siya nito, dahil galit pa din ito sa kanya. Alam niya na hindi niya dapat seryosohin ang mga sinasabi nito. Kailangan niyang tibayan ang loob niya, kung gusto niyang mabuhay, kung gusto niyang malaman kung ano ang totoong pinanggagalingan ng galit nito.

"Kung gusto mo, Kael, hindi ako tatanggi," sa wakas ay sabi ni Cordelia. Sa unang pagkakataon ay umangat ang sulok ng mga labi niya. "Hindi naman ako puwedeng tumanggi sa 'yo, 'di ba?"

Napaatras si Kael. Kahit madilim ay nakita niya ang bahagyang pagkakaroon ng kulay ng mga pisngi nito. Lumunok ito, pilit na nagsalita. "Not tonight, manipulative witch. Not tonight. Maybe some other time."

Wala siyang sinabi uli. Alam niyang hindi iyon mapapangatawanan ni Kael. Mukhang ito iyong tipo ng lalaki na kayang makipagtalik sa babaeng hindi nito mahal. Hindi lang niya binawi ang kanyang tingin. Sinalubong lang niya ang pagtitig nito.

"Matulog ka na," sabi ni Kael, tumalikod na sa kanya. "Maaga tayo bukas."

"Ano ang una nating gagawin?" naitanong ni Cordelia.

Huminto si Kael nang malapit na ito sa pinto. Lumingon ito, binigyan siya ng nakakalokong ngiti. "We will watch a stoning."

After saying that, he went out of the room. Nilamon siya ng kadiliman, binalot ng lamig.

After only about a few seconds, she began to cry.

Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon