Ang Halaman ng Vermuna

911 31 2
                                    

MABILIS ang takbo ni Cordelia, tarantang-taranta, hilakbot na hilakbot habang nakatingin sa kamay niyang kulay rosas. Tumitibok-tibok pa iyon at nag-iinit. Nalason na yata siya!

Mabilis siyang pumasok sa kusina kung saan abalang abala ang mga trabahador ng palasyo.

"Ang kamay ko!" sigaw niya. "Tingnan n'yo ang nangyari sa kamay ko!"

Nilingon siya ng lahat.

"Mamamatay na yata ako!" sabi niya, maiiyak na, isa-isang tinitingnan ang mga trabahador sa paligid. "Ano'ng lunas dito? Ano'ng... ano'ng nangyari?!"

Tulala lang din ang lahat sa kanya. Si Anton, ang tigapagluto na binabae pero hindi umaamin ang unang nakabawi. Lumapit ito sa kanya, hinawakan ang kamay niya.

"Patingin nga—"

Bigla parang may sariling isip ang kamay niya, sinampal niyon si Anton.

"Ayy pekpek!" tili ni Anton. Napahawak sa pisngi.

"Hindi ko 'yon sinadya!" sigaw ni Cordelia.

Parang hindi naman nainis si Anton. Para ngang nahiya ito dahil napatili ito. Tumikhim ito, pinalalim ang boses. "Mukhang iyan ay dahil sa halaman mula sa Vermuna."

Lumapit ang isa pang lalaking tigapagluto ng palasyo. Hinawakan din nito ang kamay niya at kusa na namang gumalaw iyon para sampalin ang lalaki.

"Iyan nga ay dahil sa halaman ng Vermuna!" kumpirma ni Anton.

"Ano'ng..." Di maintindihan ni Cordelia ang nangyayari. Nakahawak siya sa kamay niya, pinipigilan iyong makasakit uli.

"Ang hari ng Vermuna ay nagregalo sa ating hari ng mga kakaibang halaman. Saan ka natinik?"

"Sa sapa. Sa batuhan."

"Oo, doon nga may nagtapon ng ilang buto ng halamang ineregalo ng hari ng Vermuna sa ating hari. Itinapon iyon dahil--"

"'Wag mo nang sabihin sa 'kin kung bakit itinapon!" Hindi mapigilang sabi ni Cordelia, dahil natatakot siyang mamatay. "Ano'ng mangyayari sa 'kin? Baka... baka mag-asal hayop ako!"

Baka tumahol siya na parang isang aso! Ayaw niya! Mamatay na!

"Hindi," sabi ni Anton. "Ang Vermuna ay kaharian na nagtutuon ng pansin sa kanilang mga seksuwal na pamumuhay..."

"Ano?" nasabi ni Cordelia, lalong kinabahan.

"Ang ugat ng halamang iyon ng Vermuna ay pinakukuluan, para ipainom sa mga babaeng kimi. Sa mga babaeng mahiyain. Kapag nakaiinom sila niyon, magiging rosas ang kanilang mga kamay, tila magkakaroon iyon ng sariling buhay."

"Parang tulad ng sa nangyayari sa kin!" sabi ni Cordelia.

"Oo. Hindi ka naglaga ng ugat pero natinik ka kaya--"

"Oo, natinik ako!" sabi pa rin ni Cordelia. "Ano pa ang puwedeng mangyari sa 'kin."

"Sasaktan mo lahat ng lalaki o babaeng hahawak sa kamay mo," sabi pa ni Anton. "Pero kapag ang nakaharap mo na ay ang lalaking itinatangi mo o lalaking dahilan kaya makaramdam ka ng mga damdaming seksuwal, iba ang gagawin ng kamay mo..."

Napakurap si Cordelia. "Ano'ng gagawin ng kamay ko?" nasabi niya.

Sasagot pa sana si Anton kung hindi lang sila nakarinig ng isang tinig.

"Ano'ng nangyayari dito?"

Sabay sabay na napalingon ang lahat sa pumasok sa kusina--si Kael! Kunot ang noo ng lalaki habang nakatingin sa kanilang lahat.

Natulala si Cordelia sa lalaki. At nang maramdaman niyang tumibok-tibok pang lalo ang kanyang kanang kamay, doon siya napausal ng, "Patay," sa maliit niyang tinig.

"Ano'ng nangyayari--"

Parang hinihila si Cordelia ng sarili niyang kamay palapit kay Kael. Pilit niya iyong pinipigilan, pero hindi niya magawa. Palapit na siya kay Kael, ang kamay niya ay parang asong nakita ang amo nito.

"Umalis ka, Kael! Umalis ka!" sabi ni Cordelia.

"Ano'ng?" sabi ni Kael, nagsalubong ang kilay. Hindi naituloy dahil nakalapit siya at ang kanyang kamay ay dumako sa pagitan ng mga hita nito. Napasigaw si Kael, napaatras. Dinig na dinig niya ang singhapan ng mga nakasaksi sa likod niya

"Corde--"

Hindi na naman natapos dahil ang kamay ni Cordelia, hayun at dumako na naman sa pagitan ng hita ng lalaki! Tapos ay ayaw niyong bumitaw!

Nagtawanan ang mga tao sa likod niya

"Cordelia, 'wag mo kong hawakan diyan!" singhal ni Kael.

"Hindi ko mapigilan, Kael!" Pilit binabawi ni Cordelia ang kamay, pero walang nangyayari. Hinampas-hampas na niya iyon. "Bitaw! Bitaw! Bitaaaw!"

Nagtawanan pang lalo ang mga tao sa paligid nila.

"Stop laughing!" bulyaw ni Kael sa mga ito. Pulang-pula na ang mukha ng lalaki.

Nilingon ni Cordelia si Anton. "Ano'ng lunas dito? Paano mawawala ang epekto nito?"

Hindi agad nakasagot si Anton. Tulala lang ito kay Kael. Parang nagdalawang-isip na magsalita.

"Sabihin mo na!" sabay nilang sigaw ni Kael.

Parang natauhan si Anton. And Anton told them the cure. Their jaws dropped.

Once Upon A Time: Cordelia (COMPLETE, R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon