Chapter 1
“This has been your DJ TC saying Take Care Angels. Ciao!” paalam ko on-air, pinatay ang mic at tinanggal ang headphones.
I’m Thea, nagpa partime DJ sa school radio ng University, ang Saint Gabriel University, at Angels ang tawag sa lahat ng mga estudyante ng University. Right now, I’m a Second Year Broadcast Comm Student.
Nagpaalam na ako kay Theodore, ang resident DJ ng SGU Radio dahil malapit na ang next subject ko. Actually tatlo ang full time at dalawa kaming part time.
Nakangiti akong lumabas ng room at diretsong binaybay ang hallway pababa patungo sa building ng South Wing. Nasa First floor kasi ang next class ko sa nasabing building. At tama lang ang pagdating ko dahil magkasunod lang kaming pumasok ng Prof.
My class lasted for almost 2 hours, major subject din kasi and as a student, I strive hard to finish a degree. Hindi ko pinapabayaan ang academics ko kahit may part-time work ako sa school and it only means School-Work-House lang ako. I don’t have that so-called leisure time of others but I have my bestfriend. Si Natalie, siya yung childhood bestfriend ko noong doon pa ako nakatira sa bahay ni Daddy.
Iisang school lang kami from Kinder to Grade school. Kaya nang lumipat ako ng University ng Junior High School dahil tumira na ako kay Mommy, ngayong college ulit kami nagkita at sa SGU kami naging mas close pa. Siya lang ang close ko sa Campus. At kung gaano ako ka palaban sa mga sinasabi at ginagawa ko ay siya namang kabaliktaran ni Nat, very tahimik at introvert.
May parents separated, well annulled na, nong Grade School ako kaya palipat lipat ako ng bahay kasi nga magkaiba ng bahay sina Mommy at Daddy. My daddy remarried to his second wife, Tita Katharina at nagkaroon sila ng anak, si Dia, na kaedaran ko lang. In short, Dy had an affair long before mom had me, and mas matanda lang ako ng isang buwan kay Dia. And that’s the reason how my family became broken.
This is my only class sa hapon every Friday kaya after class ay nagkikita kami ng kaibigan sa cafeteria ng South Wing, na nasa dulo ng building at malapit sa Sports Gym na katabi ng West Wing. Naghihintay lang ako sa kaniya ng mga 15-20 minutes dahil nasa West wing lang naman ang building niya taking up Food Technology.
“Nat-nat.” tawag ko dito nang Makita ko ang kaibigan na napalinga sa may bahagi ng pinto para hanapin ako. Wala kasi ako sa usual spot namin dahil may nauna doon sa akin at nasa may bahagi ako na malapit na sa gawi ng CR.
Nakita nito ako at tipid na napangiti. Dumiretso na ito sa gawi ko dala dala ang mga recipe books na pinag-aaralan nito. Gusto ni Nat na kumuha ng Baking and Pastries kaya lang hindi yun open sa SGU at masyadong malayo ang School for Culinary Arts sa bahay nila.
Nakasuot ito ng T-shirt lang pero naka slacks at rubberized shoes, at kapag ganon ang suot nito, galing siyang Laboratory at malamag may niluto na naman sila. Nakapusod pa din kasi ang buhok nito at naka backpack.
Malapit na nitong marating ang pwesto ko nang mabangga ito ng mga paalis na mga grupo ng mga studyante na mga alam mong anak mayaman. Yun ang grupo ng President ng Student Council, si Harold Gabriel Brixton, halos basketball team ang mga boys nila at kilala sila sa campus dahil na rin sa estado nila sa buhay.
Parang Tropang SGU ata ang pangalan ng grupo nila; kasama sa grupo nila si Trishia Yvonne Fillar, Clothing Technology Student at miyembro ng Angel’s Fashion Guild ng SGU at anak ng isang Fashion Designer, ang may-ari ng M&Y clothing Line; si Gabriel, Business management Sudent na anak ng Dean ng University; si Carl Andrew Mallayn, Political Science Student and running for Cum laude at anak ng isang Professor; Michael Ryan Fernandez, Business Administration Student at anak ng isang business tycoon; and many to mention.
BINABASA MO ANG
TSGU 2: Caught In His Trap (Unedited)
RomanceAt his teenage years, Drew plays with every girl's feeling. But when he knew the feeling of being inlove, Love plays with him. He met Thea, the only girl who never fall head over heels on him unlike her sister, Dia. And there he thought, she's his...