Chapter 11 - Mommy Duties

50 3 0
                                    

Chapter 11






"So How's your mommy duties?" nanunuksong tanong ng best friend ko at dahil kanina pa ako kating Kati na sapakin ito ay ayun nga nahampas ko ito sa braso.

"Awww, aray, T. Masakit!" reklamo nito pero nakatawa namang hinahagod ang brasong natamaan ko.

"This is all your fault Nat-nat!" Gigil kong sabi rito.

Bumalik ako ng Natty sweets matapos sunduin ni Andrew ang anak niya. Isang kahindik hindik na pangyayari ang naganap kanina sa CMC dahil sa pagwawala ni Kish. Takot pala ito sa mga doctor lalo at nakaputing coat.

Muntik pa kaming mapalayas sa Ospital buti at na bribe namin nung cookies naming dala na dapat ay sa mga pasyente ni My. Takot siya sa mga Doctor na naka puti, Tumino din naman ito nang hinubad ni My ang kaniyang Lab Coat. At mas nakakaloka ang Nanny ni Kish na binubully ang bata at mas lalong tinatakot.

Si My naman Aliw na Aliw kay Kish, nagtaka pa kung bakit Mommy ang tawag sa akin nung bata. At nang malamang anak ni Andrew, mas lalo lang akong tinukso, sinabihan pa akong baka ako raw ang talagang Nanay nung bata, tinatago ko lang sa kaniya.

Kaya nararapat lang na sapakin itong kaibigan ko sa kalokohan nitong ginawa ngayong araw at pinasubo pa ako.

"But honestly T, I'm glad you did that. It's just a matter of a little manipulation back there, pero bagay talaga eh." hagikhik nito kaya muntik ko na itong ambahan ulit ng sapak kaya bahagya itong napa defense mode.

Magkaharap kaming nakaupo sa mesa malapit sa may counter area at medyo tahimik ang Natty Sweets dahil alas kwarto pa lang ng hapon. May mangilan ngilan lamang itong customers.

"Ito sure na. Spoiled lang si Kish pero cute at mapagmahal sa daddy niya. And lagi kaming nagkakausap about how she wanted to have someone to call Mommy. Madaldal din ang isang iyun kaya halos Alam ko kung anong pinaggagawa niya buong araw." mahabang kwento ni Nat.

"And you didn't tell me That guy has a kid." nakataas ang kilay kong sinabi.

"You didn't ask." kibit balikat nito. "Besides, kailan ka pa nagka interes sa isang Carl Andrew Mallayn? Aber? Pano ako magkukwento kung unang letra pa lang ng pangalan niya, bad mood ka na."

I just rolled my eyes dahil sa sinabi nito na totoo naman. "Okay, point taken."

"Eh, sino ba ang Nanay ni Kish at Agad namang kinuha ng langit? Sobrang bait ba at hindi kinaya ang tatay ng anak niya?" kyuryuso kong tanong.

"Mapanghusga." taas kilay nitong sagot na natatawa pero nagkibit balikat lang. "It's not my story to tell. Hindi rin naman nasabi ni Drew."

Nacu-curious lang talaga ako ng unti pero kung hindi Alam ni Nat, I think hindi ko na dapat pang usisain. Kasi nga diba, nasabi na ni Nat-nat, wala akong interes sa lalaki. Naaawa lang ako sa bata.

"Pero mukhang kinikilig ka kanina nang tawagin ka niyang baby and mommy? Grabe T, para kang timang na teenager na nakaharap yung ultimate crush niya." patuloy parin sa panunukso si Nat-nat at panay irap ang natatanggap nito sa akin.

I don't wanna get affected but damn, pakiramdam ko, nag-iinit ang pisngi ko sa hiya. Hindi ako naging aware sa mga actions at reactions ko kanina kaya yun malamang ang mga napansin ng kaibigan.

"No I didn't. And why would I?" todo tanggi ko rito umiiwas ng tingin gamit ang pag-irap.

"Okay, if you say so." Natatawa parin nitong saad. "Anyways, bumalik ka ata? Akala ko yung cookies lang yung sadya mo kanina?"

TSGU 2: Caught In His Trap (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon