Chapter 28 - Fun

41 2 0
                                    

Chapter 28













It's already six fifteen in the evening at dumiretso na siya sa Angel Haven.

From Century State to Angel Haven, madadaanan nito ang university. It's not a long drive kaya after 20 minutes ay narating na niya ang nasabing Bar.

He parked his car on a vacant parking at pumasok na sa loob. It's not yet crowded kaya nagdire-diretso ito sa VIP 6 sa second floor. Some of his friends already texted na naroon na, while some are still on their way.

Some RNB music were played on the bar at may mga kukunting tao na nakaupo sa mga tables sa Ibaba kung nasaan ang bar counter at dance floor.

Pagkarating sa tapat ng VIP room, nakasara ang drapes. Pinihit nito ang seradura at pumasok sa loob. Napatingin sa kaniya ang mga kaibigan na nauna at binati ito.

"Andrew!" They almost greet him in chorus.

Nauna sa kaniyang dumating sina Rafael, Merl at Shane. Nakauniporme pa si Shane, nagpalit Lang ng damit pang-itaas kaya maaaring galing pa itong trabaho. Merl may have picked her up. Maaga din sigurong natapos ang trabaho ni Rafael kaya nauna rito.

They exchanged greetings and settled down in the couch. Pagkaupo pa Lang ay Agad siyang hinarap ni Shane na may nag-aalalang mukha.

"Andrew, is it true na nawawala si Thea?" Merl must have told her about Thea.

"Yeah! And we're doing everything to find her, Shane. Don't worry." he assured her though he wasn't assured at all.

Napabuntong hininga naman si Shane at napalabi. "Sana naman mahanap na siya and Claire too." tiningnan nito si Rafael na binigyan lamang siya ng isang malungkot na ngiti.

Claire is Rafael's girl who runaway too, and Rafael has been looking for him a few months longer than him.

The LED TV inside the room was turned on and an English romantic movie "Me Before You" was playing. Naputol ang usapan nila nang bumukas ang pinto at pumasok si Mike.

"Mike. Nasaan si Natalie? Bakit Di mo kasama?" tanong ng nag-iisa pa nilang babae na kasama.

They exchanged greetings again pero pagdating Kay Shane ay nahilaw ang ngiti ni Mike. "Sorry Shane. Hindi ko kasama si Nat, masama ang pakiramdaman niya. Hindi ko na Pinilit at baka magalit pa sakin."

"Ganon ba? Ayos lang. Sayang Lang, hindi siya kasama. Hope she's okay now." she smiled at him.

"Yeah! Nandun naman si Yumi, bago ako umalis." he added then seated next to Shane na katabi si Andrew. He knew Yumi, she's Natalie's sister. 

"So, wala si Mr. President?" Maya ay hanap ni Mike sa may-ari ng bar.

"Sinalubong kami ni Manager Hero, ang sabi out of town daw sina Gab at Laine kaya wala sila ngayon." Si Merl ang sumagot sa tanong ni Mike.

"Nag-order na ba kayo? Gutom na ako." napahawak pa sa tiyan na sinabi ni Mike at bahagyang natawa.

They pushed the buzzer inside para umorder. Maya Maya ay may kumatok sa pinto at bumukas iyon. No one in their group knocks when going inside the room kaya alam nilang ang waiter iyon na kukuha ng order nila. They order set and platter foods and some drinks too. Peri nauna pang dumating ang mga inorder nila kesa sa mga susunod pa na mga kaibigan. Kaya tinadtad nila ng text at tawag ang iba na hindi pa dumarating.

"Josh and Kevin replied." Drew announced. "Both have operation."

Naiintidihan naman nila ang mga trabaho ng ibang kaibigan kaya hindi na nila pinipilit.

TSGU 2: Caught In His Trap (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon