Chapter 2 - Annoyance

122 2 0
                                    

Chapter 2





"Okay, stop na muna tayo dyan. Lunch break!" Sigaw ng organizer ng Show sabay ng palakpak.

Mag-iisang buwan na kaming nagpa practice para sa flow ng show. Mr. And Ms. SGU is not just the highlight of the Intramurals of the University. Every Department and Organizations showcase their talents and skills at the show kaya lagi itong pinaghahandaan. Alumni of the University are also invited.

Bumaba na kami ng Stage ni Arnold, 4th year, Broad Comm Student na tulad ko, he's running for Cum Laude kaya ganun na lang din ang kaba ko na humanay sa talento nito.

Dito kami sa may Sports Gym nagpa practice pero ang venue ng Event ay sa school Grounds na napapagitnaan ng mga School Buildings.

Kinuha ko na ang bag kong iniwan sa may bench kung saan naroon din ang mga bags ng ibang mga participants. Kumuha lang ako ng towel bago iyon isinukbit sa balikat. May usapan kaming sasabay ng tanghalian ni Nat-nat dahil wala siyang pasok hanggang 2pm. Kami naman ay resume after lunch. Next week na kasi ang opening ng Intramurals namin kaya bukod sa pasahan na lang ng mga requirements sa katatapos na midterm, practice time na din sa mga athletes ng bawat department.

Nakita ko ng papasok si Nat-nat sa loob ng Gym kipkip ang mga recipe books nito kaya napangiti ako upang salubungin ito. Pero bagu pa man ako makahakbang papalayo ay may tumawag sa pangalan ko na nagpainit ng ulo ko.

"Thea!" Boses ni Andrew, ang pinaka bwesit na lalaking ginawa ng Diyos. "Saan ka maglalunch? Gusto mo sabay ka na sa amin?"

I rolled my eyeballs bago walang ganang lumingon sa gawi nito at asar na napatitig sa lalaking panira ng buhay. Simula nung gabing Yun sa J-Bar, hindi na ako tinantanan ng bwesit na lalaki. Akala ata isa ako sa mga babaeng maghahabol sa kaniya.
Dahil sa pagtawag niyang yun ay umani siya ng mapanuksong hiyaw sa mga kaibigan na kasama din sa production ng Main event.

"Thea, sama ka na. Si Drew magbabayad ng Lunch natin." Sabi pa ni Merl at napahalakhak. Pawisan na ito mula sa pagpapraktis, pero gwapo parin. Ganiyan ata kapag heartthrob.

"Uu nga. Kuripot to sa barkada pero kapag chicks, galante." Gatong pa ni Kevin na nakaakbay sa pinsan nitong si Yvonne. Tulad ni Merl ay Civil Engineering din ang kinuha nito. Matangkad si Kevin at palangiti kaya madami din nagka crush sa kaniya.

Madami sila sa grupo pero hindi lahat kasama sa production. Si Yvonne kasi, kasali sa fashion guild at magsho showcase sila ng designs nila. Sina Kevin, Merl, Drew at iba pa ay Men's Basketball na part din ng production.

Magsasalita pa sana ako pero may humatak na sa braso ko at umabresete. Si Yvonne pala at masayang nakangiti. I'm telling you, she had a face of an Angel. So pretty. Parang walang open pores dahil sa kinis.

"C'mon Thea. Hayaan mo na ang mga boys, lalo na yang si Drew. Naku, nangungulit lang yan dahil sa nangyari sa Bar. Wag mo na pansinin. Sama ka na sa amin sa Lunch." Aya nito. "Hey, kayo. Ang mahuhuli sa cafeteria, dating gawi."

Matapos sabihin yun ay agad nagsipulasan ang mga ito na parang mga ipo-ipo at nagkaniya-kaniyang bitbit ng mga bag.

"Inzan, yung bag ko." Pahabol pa nitong sabi kay Kevin at hinila na ako palabas ng Gym. Aalma pa nga sana ako dahil hindi ko na gets kung bakit kami tumatakbo at may sasalubungin pa nga ako diba? Si Nat-nat.

"Ah eh Teka lang Yvonne - kasi ~ ~." Hinto ko saglit pero hinila lang ulit nito ako.

"Di tayo pwedeng mahuli, ang mahuhuli manlilibre." Nakangisi nitong sabi at hiniwakan akong muli sa kamay.

Napatanga naman ako sa sinabi niya. "May kasama kasi ako."

Pagkasabi ko nun ay saka naman nakalapit si Natalie sa amin. "T!"

TSGU 2: Caught In His Trap (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon