Chapter 34
Halos kabundukan na ang nakikita ni Andrew sa daang tinatahak niya. The GPS isn't useful anymore dahil sa mahinang signal kaya pagtatanong sa nadadaanang mga tao ang naging solusyon nito.
Ang daan ay hindi pa sementado lahat, may nadaanan itong aspalto, may malubak at meron ding patag na batuhan. Ilang tulay na gawa sa steel rin ang nadaanan niya na sapa ang sa ilalim.
Kanina pa madilim ang kalangitan ngunit wala pa namang ulan na bumubuhos ngunit may kalakasan na ang bugso ng hangin.
May dalawang tulay siyang nakikita, magkahiwalay ang direksyon, at Tulad ng sinabi kanina ng napagtanungan niya, ang kanan ang kaniyang pipiliin patungo sa Sitio Puting Bato.
Sitio Puting Bato, the address written on that piece of paper Mike gave him.
May maliit mismong karatula siyang makikita na may pangalan ng Sitio at kapag nakita niya na umano ito, tama ang daang pinuntahan niya.
A few meters away, he's already seeing the sign. Cornfield ang papasok, ito siguro ang pangunahing pangkabuhayan ng lugar.
May nauna sa kaniyang tractor na maingay na minamaneho sa daang patag na hindi pa sementado, Tulad niya ay sa iisang lugar patungo.
Kinakabahan na nakahawak sa manibela si Andrew. Kumakalabog ng malakas ang kaniyang puso at hindi niya maiwasang maya maya ay mapabuntong hininga sa sobrang antisipasyon na maaaring narito si Thea.
He could be wrong, or right at all.
Nilampasan ni Andrew ang Traktora at nakalampas ito sa karatula ng nasabing Sitio.
Tiningnang maigi ng lalaking nagmamaneho ng traktora ang sasakyan na lumampas sa kaniya. Hindi iyon pamilyar sa kaniya at napaisip nang bahagyang nasulyapan ang plate number ng sasakyan. Inihinto nito ang Traktora saglit at may kinuha sa loob ng Lagi nitong dala-dalang bag. Isang napaglumaan at nakatuping papel ang inilabas nito.
May nakalista na pangalan, sasakyan at plate number na tugma sa kadaraan Lang na sasakyan.
Kinuha nito ang cell phone na maliit sa bag kung saan nito kinuha ang papel. Hindi pa siya nakakalampas sa may karatula kaya may masasagap pa itong signal para makatext sa Amo nito.
Maya Maya ay nag-ingay ang de keypad na cellphone nito na Agad niyang sinagot.
"Sir. Yung plate number na nasa papel, nakapasok na dito sa amin." balita nito sa Amo nito na may-ari ng lupang tinataniman nila ng pananim.
"Sige, Manong. Salamat po." sagot ng nasa kabilang linya at namatay na ang tawag.
The guy called his Boss to inform about the arrival of their guest.
"Let him meet her."
"Okay, Boss!" the line ended after his last words.
----------------
"Mukhang uulan na naman. Maaliwalas naman ang kalangitan kanina, ngayon dumidilim na naman. Ilang araw na itong ulan, wala tayong mapapatuyong mais at mabebenta. Dapat ay papasok na ang tag-init pero bumubuhos naman ang ulan. Grabe na ang climate change. Hindi na talaga maganda ang ikot ng mundo. Tsk. Tsk! Ano sa Palagay mo Dexie?"
Napalingon ang dalagang tinawag nitong Dexie sa kalangitan na tila nagagalit. Ang kanina'y maaliwalas na kalangitan ay napuno ng maputing ulap na ngayon ay naging itim na. Tila pinipigilan pa ng ulap na bumuhos ang nagbabadyang ulan.
BINABASA MO ANG
TSGU 2: Caught In His Trap (Unedited)
RomanceAt his teenage years, Drew plays with every girl's feeling. But when he knew the feeling of being inlove, Love plays with him. He met Thea, the only girl who never fall head over heels on him unlike her sister, Dia. And there he thought, she's his...