Chapter 10 - Mommy

61 3 0
                                    

Chapter 10


"Daddy ko." muling tawag ng bata sa kasalukuyang lalaking naglalakad patungo sa direksyon namin.

No way! Hindi makapaniwalang bulalas ko sa isipan.

Anak niya si Kish? How?

Mahigpit kong hinahawakan si Kish dahil naglilikot itong pilit inaabot ang tinatawag niyang Daddy.

Nagdugtong ang kilay ko habang nakatitig sa lalaking ngayon ay nasa harapan na namin ni Kish na may malawak na ngiti.

Paano niya naging anak itong cute na batang ito? I mean, Daddy nga ang tawag sa kaniya, kaya malamang sa malamang, eh siya ang ama. But how come I didn't know he had a child? Pero kung iisipin kong mabuti, hindi naman yun imposible dahil sa bad records niya nung binata pa siya.

But WTF!? May anak siya sa pagkabinata o baka naman ~ No no no. Imposibleng magkaroon siya ng asawa, edi sana alam ko. Pero bakit nga ba hindi ko nalaman na may anak siya. Pero hindi naman ako nagka interes sa buhay niya kaya paano ko nga naman malalaman?

"Hello my baby. How's your day?"

Hindi ko namalayang magkalapit na ang mga mukha naming dalawa dahil sa nakayakap na pala si Kish sa leeg nito. Balak ko na sanang bitawan ang bata na nakalambitin sa leeg ng tinawag niyang Daddy dahil sa sobrang lapit na ng katawan namin. My left arm is already touching his hard abdomen na nakapagpapigil sa hininga ko at biglang paglakas ng tibok ng puso ko.

I even stiffen when he reached for my waist and embraced me from behind, settling his hands above the kid's body, locking us both in an embrace.

Pakiramdam ko tuloy para sa akin yung tanong dahil mahinang tanong lamang iyon, tila pabulong.

"Daddy ko, miss ka baby Kish." mas lalong humigpit ang yakap ng bata sa ama nito dahilan para mas humigpit rin ang pagkakayapos sakin, samin ng Ama nito.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at sa pagkakadikit namin ng lalaki ay alam kong ramdam niya iyon.

My Gosh! Kailan pa ako nagkaroon ng paganito sa puso ko? Never, as in never akong napipilan kapag magkaharap kaming dalawa dahil sa inis ko sa kaniya. Anyaree?

"Ahem!" isang tikhim ang nagpalingon sa akin at nagpaayos ng tayo. Kung nagawa ko ba iyon ay hindi ko alam dahil di pa ako binitawan ng lalaking yakap. Kainis!

"PDA masyado. Baka hindi na mabenta ang mga pastries ko sa sobrang sweet niyo." nanunukso ang mga tingin ng kaibigan kong si Natalie.

Napilitan akong pakalmahin ang sarili lalo at nagkandabuhol buhol ata ang utak ko at di ako makapagsalita.

"Breathe, my baby!" mas lalo akong napako sa kinatatayuan dahil sa bulong nito sabay nakaw ng halik sa pisngi ko kasunod ng tuluyan nitong pagkarga sa anak nito.

"Hi Nat." dinig kong bati nito sa kaibigan na sinabayan ng munting tawa and goes to my friend's direction.

"Hello Sir Drew!" ganting bati ng kaibigan. And Yeah, parang pinasabugan ako ng bomba sa mukha dahil sa kasalukuyang pangyayari na nasasaksihan.

Anak niya talaga si Kish? And yes, Drew, as in Carl Andrew Mallayn.

Goddamit! Aligaga akong napahawak sa leeg ko. Parang gusto kong pigilan ang puso na naglulumikot sa loob ng dibdib ko. Anyaree? Bakit para akong nagpa palpitate? Mukha din akong may sinat sa sobrang init ng katawan ko. Pagkalingon ko sa kanila ay nakaupo na ang mag-ama sa kanina ay pinag-iwanan nila ng mga gamit.

"Did I saw Thea Dexie Cashmir got starstruck?" Hindi ko namalayang nakalapit na pala si Nat-nat sa tabi ko na may nanunuksong tinig na sinabayan pa nag munting hagikhik. "Sayang my phone isn't with me. I should have taken a video of you na sobrang tulaley."

TSGU 2: Caught In His Trap (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon