Chapter 9 - Sweet?

69 3 0
                                    

Chapter 9


Natapos ang dinner namin with Mallayn and I never felt comfortable anymore. Kahit hanggang sa nakauwi kami ni My ay naging balisa ako dahil hindi ko alam kung papaanong sisimulang magkwento rito kung bakit ko bibitawan ang pangarap kapalit ng CWI.

"Oh, Andyan na pala kayo." bati ni Tita Ari sa pagdating namin. "Happy Birthday pamangkin."

Lumapit ito sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap na tinugon ko din naman. Ibinigay namin sa kaniya ang aming biniling take out foods para rito lalo at paborito niya ang Laswa ng Kamayan.

"Kumusta ang dinner date niyong Mag-Ina?" Masayang tanong ni Tita mula sa may kusina. Sinundan siya ni My doon matapos iwanan ang bag sa may sofa. Ako din tuloy ay napasunod sa kaniya na sobrang kinakabahan.

"It's an interesting night." Si My ang sumagot at makahulugang napatingin sa direksyon ko. Napansin naman iyon ni Tita kaya alanganin akong napangiti.

"Why is that?" Ngayon ay pareho na silang nakatitig sa direksyon ko.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa guilt. Basta ayaw magsalita ni My sa tanong ni tita, it means she's waiting for me to tell the story.

"Sorry My." umpisa kong salita na Hindi makatingin dito ng diretso at pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay na nakapatong sa mesa.

Nakaupo kaming tatlo sa may dining table, magkaharap. Si Tita Ari ay tahimik lang ding nakikiramdam.

"Dy, ahmmm, well, Dy talked to Tito Reynolds and yun. I-I have to end my contract with ABC so I could ~" napalunok pa ako bago ipinagpatuloy ang sasabihin dahil nga kinakain ako ng kaba, guilt at syempre panghihinayang na rin dahil nga sa nangyari.

"~ work and manage CWI soon?"

"Is that what you want or it's your father's choice?" seryosong tanong ni My.

Bahagya akong nag-iwas ng tingin sa Ina at napatingin sa may sink sa likuran nito.

"Partly my choice My. I mean, why not try? I know and you knew I hated it for a long time but who knows what future could bring?" kibit balikat kong sagot na may naglulumikot na mata.

"Sweetie, you're not a good liar!" maliit ang ngiti ni My na lumapit sa gawi ko at niyakap ako ng mahigpit.

"I'm sorry My. Ayoko lang na magkasagutan lang kayo nang dahil lang sakin. I'm sorry!" Hindi ko na mapigilan ang mapaiyak nang maramdaman ang yakap ng Ina.

Akala ko tapos na akong mag dalamhati sa pangarap kong unti unti ng nawawala sa akin, ngunit hindi pa rin pala. Hindi kailanman. Binuhos ko lahat ng frustration ko sa bisig ng Ina. Kahit ngayon ulit, gusto kong ilabas yung tinatago kong pighati at kalungkutan.

"Shhh, It's okay! It's okay sweetheart. Mommy understands you." pagpapatahan nito sa anak habang hinahagod ang likuran.

Si My lang talaga ang kaisa-isang taong napapalabasan ko ng lahat lahat, Hindi rin ako nakakapagtago rito ng sekreto. At alam niya agad na nagsisinungaling ako. Maybe because I'm her daughter and I came from her.























---------------

























Kagagaling lang ni Thea sa station para pormal na magpaalam sa mga heads and executives na nakatrabaho. Kahit pa matagal ng naipasa ang kaniyang resignation letter ay gusto niya paring pormal na mamaalam sa mga kasamahan at sa pangarap niya.

TSGU 2: Caught In His Trap (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon