Chapter 39 - Leave

35 3 0
                                    

Chapter 39










Nakalapit na ang grupo nina Thea sa mesa ng mga nakatatanda at mga kalalakihan na nag-iinuman habang ang mga kaedaran nila ni Selya ay nakikipag-agawan na ng mikropono sa mga lasing at nagco-contest-an ng score, pataasan ng boses at syempre, yung iba, nakikipag-unahan sa tempo ng kanta.

Ilang oras na din ang nakalilipas at malapit ng magdapit hapon. Nagiging maulap na naman ang kalangitan pero tila wala namang masamang panahon na paparating.

"Oh, ayaw mo na bang uminom iho?" dinig ni Thea na boses ng isa sa mga kainuman ni Andrew na mga nakatatanda sa Sitio.

"Ah, Hindi na po. Maaga po akong gigising bukas para bumyahe pauwi pabalik."

"O, ganun ba? Madadaan na nga ang tulay, makakadaan na ang sasakyan mo. Balita ko ikakasal na kayo nitong si Dexie at may anak, malamang hinahanap ka na ng anak niyo." Kumento nito na hinayaan ng huwag uminom ang lalaki.

"Ibig bang sabihin niyan ay uuwi na rin si Dexie? Panigurado hinahanap na rin siya ng anak ninyo." Kumento din ng isa pa nilang kainuman. 

Bahagyang nabigla si Thea sa narinig kaya't napalingon sa gawi ng lalaki na napalingon din sa kaniyang direksyon.

"Baka hindi pa Ho. Mukhang masaya pa si Dexie dito. Bibisitahin na lang namin siya dito ng anak namin. Magugustuhan nun dito, total malapit na ang bakasyon." He was all smiles while saying those words to her. He was no regrets in his eyes as if telling her that he had no plans to convince her anymore, he would just let her as she wished.

"Magandang ideya nga iyan at nang makilala naman namin ang anak ni Dexie. Panigurado at magandang bata iyon. Magagandang lahi ba naman ang pinagmulan.... "

Madami pang sinabi ang matanda pero nakatingin lang si Thea sa lalaki na kumindat Lang dito at ngumiti. Bumalik lang ito sa pakikipag-usap sa mga kasama na para bang matagal na ang mga itong magkakakilala.

"Uuwi ka na, Sama mo ko?" mahinang tanong ni Selya na katabi nito ng upo.

"Hindi!" mabilis na sagot nito at inalis ang tingin sa lalaki.

"Tss. Damot talaga." himutok ng katabi nito na iniirapan siya at napapanguso pa na parang batang hindi napagbigyan sa gusto. At sa kaso nito, ayaw siyang pagbigyan ni Dexie na dalhin sa city.

Nang makarating si Andrew dito sa Sitio ay agad na nitong ipinahiwatig na gusto na nitong pauwiin si Thea na agad namang inayawan ng babae. Mariin ang pagtanggi nito sa kagustuhan ni Drew na ibalik siya pero ngayon ay tila ba wala na itong balak na gawin iyon.

It may be because of their conversation from last night. Thea thought he's being considerate of her feelings. She knows he understand her and yet, she doesn't know why she's still acting like unbothered of his actions and effort towards her.

Hanggang sa nakauwi sila ay hindi parin malaman ni Thea kung ano ang tunay na nararamdaman. Panatag ang loob niya pero may lungkot na kalakip ang saya sa dibdib niya. Masaya siyang hindi na siya pinipilit ni Drew na umuwi pero tila ba malungkot siya ng malaman na aalis na ito, pabalik sa kung saan naroon ang buhay nila, ang buhay na iniwan niya.

Pumasok ang dalawa sa loob ng bahay habang Si Selya naman ay umuwi sa kanila lalo at may bitbit itong bring home na Ulam para sa hapunan nila.

Mag-aalas singko na at maagang dumilim dahil sa panahon na mukhang uulan. Sumikat naman ang araw kanina pero dumilim na naman ng kalangitan. Umikot ito sa likod upang kunin ang mga sinampay habang Si Andrew ay sa kwarto ang punta.

Inihiwalay ni Thea ang mga basa pang sinampay sa natuyo na. Ang mga basa pa ay sinampay sa outdoor sampayan niya na nasa itaas Lang ng washing machine. Pumasok siyang dala ang mga natuyong sinampay kasama ang mga nilabhan niyang mga damit ng lalaki.

TSGU 2: Caught In His Trap (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon