Chapter 20 - Happier

55 2 0
                                    

Chapter 20












Naalimpungatan si Thea sa malalakas at sunod-sunod na pagsabog na tila mula sa labas. Napabangon siya sa Kama dahil hindi parin humuhupa ang pagsabog.

Fireworks.

May umiilaw mula sa labas ng balcony aunt Alam niyang nagsimula na ng fireworks sa itaas ng ship. Their last night at the ship was supposed to be at the Main Pool deck para sa Fireworks display.

Naitakip niya sa Hubad na katawan ang kumot kasabay ng pag-inda ng bahagyang pagsakit sa gitnang bahagi ng kaniyang katawan.

Parang ngayon Lang siya natauhan sa ginawang pag-aalay ng sarili Kay Andrew kanina sa loob ng banyo. Wala si Andrew sa kaniyang tabi, at mukhang wala rin sa banyo dahil tahimik naman maliban sa Fireworks sa labas.

Did she choose to leave you now dahil nakuha ka na niya Thea? O baka naman lumabas lang kaya wala siya rito.

Ipinilig niya ang ulo sa mga negatibong bagay dahil umaandar pa naman ang barko, at Imposibleng iwanan siya nito. Unless he'd swim out to go back to Hongkong.

Itinakip ni Thea ang kumot sa katawan dahil wala naman silang damit na nagkalat, daily unang una, hindi naman siya nagdamit kanina.

she carefully walkes towards the direction of the balcony at binuksan ang bintana. The glass door was partly open. Kaya pala dinig na dinig niya ang malakas na pagsabog.

Pagsilip niya sa labas ay sinalubong siya ng nakangiting mukha ni Andrew na ngayon ay nakatitig sa kaniya. Nakasuot ito ng damit kaya bahagya siyang nahiya na kumot Lang ang nakabalabal rito.

She steps out of the balcony at si Drew naman ay lumapit sa kaniya at niyakap siya. Walang inhibisyon na niyakap ni Thea pabalik ang lalaki.

Walang nag-uusap, pareho lamang silang nakinig at tumatanaw sa pagsabog ng makukulay na liwanag sa madilim na kalangitan.

"I love you Thea!"

Amidst the loud noise, she was sure he heard him said that. Hindi man masabi ni Thea kung ano na ba itong nararamdaman niya para sa lalaki, alam niyang Naiintidihan ni Drew ang kaniyang pinapakita dito.

No pretensions. Just her!




































------------------------











































Andrew

Pagkalapag ng eroplanong sinasakyan nina Thea at Drew, sinalubong sila ng driver ni Mrs. V na siyang sumundo sa kanila bitbit ang kanilang mga bagahe.

Pareho silang nakaupo sa likuran ng sasakyan, magkahawak kamay. Napakasaya ni Drew dahil hindi nagbago ang pakikitungo ng dalaga simula nang nasa cruise sila. He can see she's very happy. Lagi ng nakangiti, hindi lang ang mukha nito, pati na rin ang mga mata nito. Kaya mas lalo siyang nasisiyahan.

Pero syempre hindi parin nawawala ang minsanang pag-irap ng dalaga sa kaniya kapag niloloko niya ang babae. Hindi na ito napipikon sa kaniya, sa huli, tumatawa na Lang ito.

He loves the old Thea, but he's also enjoying this other side of her.

Nakahilig siya sa balikat ng babae habang magkahugpong ang kanilang mga kamay. She cupped his cheek and pinched it. Nahalata sigurong nagpapalambing siya, kaya napalabi na lang siya ng tinawanan Lang siya ng babae.

TSGU 2: Caught In His Trap (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon