Chapter 4
Nagsimula na ang Intramurals ng University and it was open not just to the SGU Students but outsiders too. Sa malawak na fields ay nagaganap ang ilang ball games. Meron din sa sports Gym at meron ding fair na nagaganap sa may Parking Area kung saan open to all. Every Department has their own booths na may iba't ibang theme. Umabot hanggang West Corridor ang Fair dahil sa madaming pakulo ng mga departments.Nariyan ang Coffee shops na may mga naka Cosplay, Photo Booths, Food Stalls, dress shops, paintings for sale at marami pang iba. At sa gabi naman ay magkakaroon ng Talent Nights and Short Variety Shows. Panata na din taon taon na ang malilikom na pera sa Event ay mapupunta sa mga charitable institutions na sinusuportahan ng University.
Sa huling araw din ng Intramurals ang Big Night which is the Mr. And Ms. SGU na siyang inaabangan taon taon.
Sa unang araw ay nag Field works si Thea. Reporting how the event successfully started. She gave updates thru phonecalls sa SGU Radio sa bawat game na nakatuka sa kaniya. Salitan sila ng kapwa part timer na si Jessa sa pagbabalita, na tulad niya ay sophomore din.
Naroon na siya sa may Festival Fair at nag e interview ng ilang mga students na mukhang nag-e enjoy sa mga nakikita sa Fair. Matapos ang on-air interview ay sinabihan na siya ni Theodore na mag break muna, in which she did.
Every year ay magkakaiba ang motif ng Intramurals Event. Last year was a Red Carpet slash Hollywood Theme kaya yung mga benta ay mga sosyalin and was star-studded. Cashmir Wine even sponsored for the said event. Bukod sa may pa free taste ng wine nila ay maypa benta din. At hindi ka naman din manghihinayang dahil hindi nalalayo ang lasa nito sa mga imported wines.
This year Festival ang Motif, which means kung ano ano ang mga nakikita sa mga fair. At mas madali nga namang gawan ng paraan. And the students were in their best looks dahil isang linggong hindi sila magtatagpo ng kanilang mga uniporme.
Nagtuloy tuloy sa paggala ng paningin si Thea sa paligid. Medyo nagugutom na siya dahil matindi na ang sikat ng araw. Nang mapatingin sa kaniyang relong pambisig ay mag aalas onse na pala ng umaga.
Napagdesiyon nitong hanapin ang booth nina Natalie. Sabi ng kaibigan ay isang maliit na kainan ang booth nila ng mga kaklase niya, Pack lunch rice toppings. Pero nang maitext ito ay sinabing nasa booth ng Happy Treats, ang Pastry Shop na pagmamay-ari ng Ina nito.
Ilang minuto ng nagpalinga linga ito sa paligid at imbes na makita ang hinahanap ay iba ang nakita ni Thea na papalapit sa direksyon niya.
Aatras na sana siya at maghahanap ng ibang routa nang marinig ang pangalan niyang sinigaw. "Thea!"
Anak ng pitumput pitong bwesit na Andrew.
Hay, nagtataka na talaga ako sa liit ng University. Nananadya talaga.
Napabalik ako ng lingon sa gawi nila na nasa tapat ko na, hindi ko man lang namalayan.
"Hi Thea!" Tila nanunuksong bati ng mga boys na basketball team. Galing malamang ang mga ito sa practice dahil sa mukhang mga bagong ligo pa ang mga ito dahil sa basang mga buhok at fresh look.
May practice kasi talaga sila pero nag excuse ako dahil nga opening ngayon at kailangan kami sa field reporting.
"Na-miss ka daw ni Andrew, wala ka kasi kanina sa practice." Panunukso ni Kevin. Sa sandaling panahon na nakilala ko sila personally, si Kevin yung isa sa mga alaskador sa grupo. Pero di mo magawang seryosohin kasi hindi ka mapipikon sa mukha niya, nakangiti lang eh. Ang Gwapo. Pero taob kapag si Yvonne na ang nang alaska sa kaniya.
"Oo nga!" Segunda naman ng iba na ikinangiwi ko. Halata talaga sa mukha na ayaw tanggapin ang mga pinagsasabi nila.
"Ah excuse lang ha? Hinahanap ko kasi ang kaibigan ko. Sige, Ciao!" Paalam ko sana pero napigil ako nang magsalita si Mike.
BINABASA MO ANG
TSGU 2: Caught In His Trap (Unedited)
RomanceAt his teenage years, Drew plays with every girl's feeling. But when he knew the feeling of being inlove, Love plays with him. He met Thea, the only girl who never fall head over heels on him unlike her sister, Dia. And there he thought, she's his...