Chapter 8 - Family

60 2 0
                                    

Chapter 8


Bumaba ako ng taxing sinasakyan na naghatid sa akin sa tapat ng CMC kung saan ay hihintayin ko si My. May usapan kaming dinner since it's my birthday.

Napatingin ako sa harap ng entrance ng ospital. Noon dito ako lage tumatambay kapag naghihintay kay My. The teenager Thea would talk to the guards about how many patients critical or not, dead on arrival or with just simple cuts, or how many families would passed them mourning over a loss or celebrating a new life, that they would encounter everyday.

The doctors are heroes for her but she didn't imagine becoming one. Kaya siguro sa News and reporting ang kurso niya dahil mahilig siyang makinig at magbigay ng mga balita.

When she step a foot in college, her dreams became high. And that dreams are now arm reached but look how destiny played her cards. Pinatikim lang siya sa pangarap niya at agad ding binawi, hindi pa man din siya nakapagpanawa.

Thea bitterly smiled as she remembered how her recent life achievement turned out this way.

What if I'm not a Cashmir? Would I be free?

Napailing na lang ako sa naisip. Kapag sinabi kong ayaw kong maging Cashmir, parang sinabi ko na rin na ayaw ko sa Mommy ko, Because I won't be a Cashmir if My didn't marry Dy.

Day also called late this afternoon. Nasa Europe kasi ito for an out of the country business meeting. He greeted me. I even heard Dia on the other line shouting her greetings for me na agad sinundan ng boses ng Ina nito sa pagsita. Mukhang happy family silang nag out of the country.

Nang magsimula ang Show hanggang sa matapos ay hindi nagparamdam si Dy, not until now that he kept on reminding me to show up in the office when he comes back. And also said, he had a late birthday present for me, kunin ko na lang umano kay Mrs. Charito.

Ayoko mang tanggapin yun, but knowing Dy? Mas makulit pa yun sa lalaking kinaiinisan ko.

Dala ang maliit na sling bag ay naglakad na ako papalapit sa entrance ng ospital pero di pa man din ako nakakalapit ay nakita ko na si My na naglalakad papalabas ng Ospital habang matamang nakatutok sa mobile phone nito. At mukhang alam ko na kung sino ang tinatawagan nito because my phone automatically vibrated inside my bag.

Hindi ko na iyon sinagot dahil pag-angat ng tingin ni My ay agad na nito akong nakita. Awtomatiko akong napangiti at kumaway dito. She also smiled and put down her phone.

Sinalubong nito ako ng matamis na yakap na agad kong tinugon nang makalabas ito ng glass door ng Ospital.

"Happy birthday sweetie!" bati ni My sa akin.

"Thank you My." malambing kong tugon rito na nakayakap parin. Oh, how I miss My dahil sa pagiging busy namin pareho.

It's already seven in the evening at sakto ring dumating si Tato, ang personal driver ni My, pamangkin nina Omar at Nona na pareho ng nakapagtapos sa tulong ni My. Si Omar ay Business Administration Graduate habang si Nona ay nag Dentistry tulad ni My. Ito nga ang sumusunod sa yapak ni My. Si Nona ay kasalukuyan pang nagre review para sa board exam nito.

Si Tato naman ay nasa Kolehiyo pa dahil gusto nitong magpulis kaya criminilogy ang kurso nito.

"Saan mo gustong kumain nak?" tanong ni My habang pareho kaming nasa likuran ng sasakyan, ako ay patuloy na nakayakap at naglalambing dito.

"Sa Kamayan ni X." maagap kong sagot.

Dumiretso na si Tato sa Swiss Mall kung saan naroon ang branch ni Christian ng Restaurant.

TSGU 2: Caught In His Trap (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon