Chapter 40 - Thank You

65 2 0
                                    

Chapter 40














Nakaupo sina Thea at Selya sa may Veranda habang kumakain ng mais na niluto ng Tiyahin ng huli. Mamaya pa umano ang mga ito babalik sa bukid kaya nakasabay nila ang mga itong kumain.

"Hindi ka pa ba uuwi Dexie? Hindi mo ba namimiss ang anak mo?" tanong ni Manang Saling nang makabalik ito mula sa paghahain ng nilagang mais na pinagsasaluhan nila. "Akala ko talaga ay dalaga ka pa Nang una kang dumating dito kasama ang Boss ni Sir Nico. Akala namin Ikaw ang girlfriend ni Sir Nico o nung Boss niya pero hindi pala."

"Pareho po naming kaibigan ni Andrew si Christian, yung boss ni Nico." Tukoy nito sa binatang nagdrive ng sasakyan na naghatid sa kaniya dito kasama si Christian. Pilit niyang iniiwasan ang naunang tanong ng Manang lalo at alam niya sa sarili niya na Namimiss na niya ang bata.

She didn't ask Christian who that kid was and why he's calling him boss. Maybe he works in Kamayan ni X.

"Ang totoo po ay anak po yun ni Andrew sa pagkabinata at tawag po sa akin ay Mommy." pag amin niya sa mga ito na bahagya nilang ikinagulat.

"Talaga? Step mother ka kung ganun? Nasaan ang nanay niya? Iniwan ba Kay Sir? Mukha namang mabait si sir para siya ang mang-iwan." Kumento ni Selya na kumagat pa ng mais pagkatapos magtanong.

"Namatay na nung ipinanganak ang bata." Sabi nito para hindi na sila magkaroon ng maraming tanong Tulad ng pagkwento rin ni Andrew sa bata at sinabi sa kaniya.

She smiles when she remember that story and how she ended up being called Mommy by Kish. She was like outsmarted especially by her bestfriend, Natalie. She frown when she remember her. Iniisip niya kung Tulad niya ay ginawa din ba nito ang paglayo dahil kay Mike o may iba pa. Mahilig magkimkim ng saloobin ni Natalie kaya nag-aalala siya para sa kaibigan.

"Dexie? Ayos ka lang? Natulala ka na diyan." puna ni Selya dahilan para mag-angat siya ng tingin.

"Ahh, naalala ko Lang yung kaibigan ko."

"Alam mo iha nung medyo bata bata pa ako at nagtatrabaho sa Bayan, nawawala ang hirap at pagod ko sa araw-araw kapag umuuwi ako ng bahay at nakikita ang mga anak. Sila ang nagiging inspirasyon ko sa araw-araw. Na kahit maliit Lang ang sahod sa pagtatrabaho, ang importante ay may dala akong makakain at laruan para sa kanila." pagkukwento ng Tiyuhin ni Selya na may ningning sa mga mata. "Ang sigla nang pagsalubong nila ang pumupunong muli sa pagod ko ng katawan."

Napangiti si Thea sa kwento ng Ginoo. Naaalala niya ang kaniyang Mommy sa tuwing hinihintay niya itong lumabas ng Ospital pagkatapos ng trabaho o Di kaya ay Sinusundo sa skwelahan. Lagi itong nakangiti tila hindi man lang napagod sa araw araw na pagtatrabaho sa ospital pagkatapos ay yayakapin siya ng mahigpit at kakain sila sa labas at binibilhan siya ng bagong damit o gamit.

Her mother never scold her, instead she makes her understand life and things around her at her young age. And maybe that's the reason why she wanted to please her and make her happy. She was her lifetime partner, confidant and source of living. She's her everything.

Alam niyang isang araw kailangan niyang balikan ang kaniyang Mommy at magpaliwanag dito. Kahit pa sabihing maiintidihan siya ng Ina, she needs to explain to her because she had to know why she had done that. She needs to Talk to Natalie and Mike too, to everyone whose involve in this. She needs to apologize to them.

Araw araw madaming what if's ang tumatakbo sa isipan niya Lalo na sa loob ng anim na buwan na lumayo siya pero lahat ng yun ay itinatapon niya sa pinakasulok na bahagi ng isip niya, at pilit niyang kinakalimutan. Pero kahit kailan Alam niyang hinding hindi mawawala hangga't hindi niya hinaharap.



















TSGU 2: Caught In His Trap (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon