Chapter 36
Sinilip ni Thea si Andrew sa loob ng kwarto. He was lying on the bed his back facing the door, covered with the blanket, resting. Iniisip nitong hayaan na ang lalaki na magpahinga lalo at maaga itong nakarating sa Sitio, malamang ay mas maaga din itong bumyahe.
Isasara na sana nito ang pinto nang mahagip ng tingin nito ang Manika ni Kish na hawak ni Andrew nang gumalaw ito paharap sa kaniya. Natatandaan niyang naiwan niya ito sa mesa kanina bago tumakbo palabas nang dumating si Selya.
Isinara niya ang pinto at bumalik sa kusina, hinanap kung saan niya iniwan ang sulat kanina. Iniisip nito kung nakita ba iyon ni Selya nang makalabas siya.
Hinanap niya sa may Kusina, sa mesa, sa ilalim ng mesa, malapit sa may pinto, sa may fridge, sa malapit na pwede nitong pagliparan kung sakali, pero wala. Napakamot siyang nagtungo sa may likod ng mesa kung saan may divider na lagayan ng TV at mga iba't ibang appliances ng bahay pero wala din.
Kagat labi na Dahan-dahang binuksan ni Thea ang pinto sa kwarto at pumasok. Nakatitig ito sa manikang hawak ni Andrew, iniisip kung naroon ba ang sulat ng bata, kung nakita ba ito ng lalaki. Lumapit si Thea sa paanan ng Kama hindi Alam kung gigisingin ba si Andrew o Dahan-dahang kunin dito ang manika na hawak nito.
Inilibot nito ang tingin sa tabi ng binata at napabuntong hininga nang makita ang nakatuping papel sa itaas ng bedside table. Nilapitan niya iyon at binuklat. Ito nga yun. Drew must have seen or read it kung kaya nandito ito, or Selya seen it and keep in here. She doesn't know. Ipinasok niya sa drawer ang sulat upang hindi na niya maiwala. She will keep this letter because Kish writes it for her.
Sinulyapan nito si Andrew na nakapikit, hanggang leeg ang kumot, tulad ng pagkakakumot rin ng Manika. Nakabuka ng Bahagya ang bibig nito, at halata ang pagtaas baba ng balikat nito sa ilalim ng kumot. He must be sleeping well.
Nagbaba ng tingin si Thea sa mukha ng lalaki na siyang kita lamang dahil sa pagkakatalukbong ng kumot dito. She squats to level his face. Sa malapitan ay napansin ni Thea ang bahagyang pamumula ng tainga ni Andrew at inilapit ang mukha rito. She could hear his rugged breathing. Kinabahan naman ito lalo at naramdaman nito ang sobrang init na paghinga ni Andrew.
Iniangat niya ang palad at dumapo sa noo ng lalaki at ganun na lamang ang pagkagulat niya ng maramdaman na mainit ito. May lagnat si Andrew.
"A-Andrew!" Napatayo itong Kinapa ang leeg ng lalaki upang makatiyak. "Bakit hindi ka nagsabi na masama pala ang pakiramdam mo? Edi sana uminom ka ng gamot bago nagpaghinga."
Akmang lalabas siya para kumuha ng gamot na nasa may kusina, dahil naroon ang medicine box niya, maagap siyang napigilan ng lalaki sa kamay nito. Naupo naman si Thea nang hilahin nito ang kaniyang palad papalapit at niyakap sanhi para maramdaman niya ang pagsingaw ng init sa katawan ni Andrew, pero ang palad nito ay malamig. He intertwined their hands under the blanket.
"I'm okay. It's just a little cold." malat ang boses na sabi nito at pikit ang mata. "I was just tired, but now I'm fine."
His last statement hit her so hard that it gave her two meaning. Was it he's too tired from driving and now he's better? Or Was it he's so tired looking for her and now feels better that she's here?
Every words that comes to Andrew's mouth always makes her plead of guilt. His efforts are non-measurable and yet there she is, a coward.
Itinaas niya ang kabilang kamay para sana abutin ang mukha ng lalaki, subalit nanginginig ang mga iyon. Bago pa man nito mahaplos ang mukha ng lalaki, binawi na nito ang kamay.
BINABASA MO ANG
TSGU 2: Caught In His Trap (Unedited)
RomanceAt his teenage years, Drew plays with every girl's feeling. But when he knew the feeling of being inlove, Love plays with him. He met Thea, the only girl who never fall head over heels on him unlike her sister, Dia. And there he thought, she's his...