Chapter 26 - Any news?

33 4 0
                                    

Chapter 26





















Schedule ng monthly check up ni Kish kaya sinamahan ni Andrew ang anak. Ilang araw ng galit sa kaniya ang kaniyang anak, sinasabi nito na tinatago ni Andrew ang kaniyang Mommy Thea. At kapag nakikita siya ng anak ay iniirapan Lang ito.

Hindi masabi ni Andrew kung ayos Lang ba na ganun ang ginagawa ng anak, pero mas Madali itong paraan para hindi n muna magtanong ang anak kung nasaan si Thea. Kapag bati na sila ay tsaka niya na ipapaliwanag sa anak ang mga pangyayari.

Pagpasok ng Ospital ay nawala na yung dating takot ni Kish sa mga doctor na naka lab coat, Marahil ang naaalala nito ang mommy Doc ng kaniyang mommy Thea.

"Yaya Annie, Bilisan mo para makapunta na tayo Kay Mommy doc." dinig niyang hila ni Kish sa Nanny nito. Nakasunod Lang si Andrew sa mga ito dahil nga nagtatampo pa ang anak sa kaniya.

"Beh, saglit. Nakakawala ka ng poise. Wait a minute." hawak ni Annie sa anak nito at umayos ng lakad, napalingon sa paligid tila may hinahanap.

"May hinahanap ka Annie?" takang tanong niya dito kaya napalingon ito sa Amo, nagulat, at napangiti ng hilaw.

"Sir, Andyan pala kayo. Hehe, charut!"

"She's looking for his Doctor crush. Hmmp, Don't talk to me Daddy ko. Di tayo bati." irap ng anak nito tsaka hinila ng marahas ang nanny.

Natawa na napailing na Lang si Andrew sa sinabi ng anak. "Still mad with daddy?"

"Yes. Hmp! I said don't talk to me!" muli ay irap nito.

Pamilyar na si Kish sa Opisina ng kaniyang doctor, si Doc Arliza, isang pediatrician, kung saan assistant nito si Krizzle.

Krizzle knew about his child simula ng maging monthly ang check up ni Kish. She has a weak respiratory at Lagi itong nagkakasakit nung bata pa kaya nagpapa monthly appointment sila sa doctor. Pero madalas ang kaniyang ate Lou ang laging kasama ng bata sa check up kaya hindi pa sila nagpang abot ni Krizzle sa ospital.

"Tita Nurse!" masiglang bungad na bati ni Kish nang Buksan ang pinto ng clinic ng Doctor.

Napaangat ng tingin ang babaeng nasa tapat ng mesa na kaharap ng pinto. Nagsusulat ito at napahinto sa biglang pagbukas ng pinto.

"Naku, pasensiya na po miss nurse, nagulat ba kayo sa alaga ko?" hinging paumanhin ng nakasunod na si Annie.

"Kish Aleafie, is that how you always show up here?" Andrew asked sternly.

Napalabi naman ang bata at nagsorry. "Sorry po!"

Walang pasyente ang loob ng clinic nang mga oras na yun dahil scheduled check up and consultation ang tinatanggap ni Doc maliban sa mga admitted patient nito.

Napatakbong nagtago si Kish sa likuran ng ama nito nang makitang hindi pamilyar ang Nurse na nasa loob ng clinic na Halatang nagulat sa ginawa nito.

Nakarinig sila ng tumatawa mula sa loob ng isang pinto na nakasara. Maya Maya ay bumukas iyon at lumabas si Doc Arliza na tumatawa. Napasilip naman si Kish sa Doctor na lumabas.

"It's okay Andrew Iho. Sanay na kami ni Krizzle sa way ng pagbati nitong si Kish." natatawang paliwanag ng Ginang. "Nagulat kaba Aria?" baling nito sa Nurse na humupa na ang gulat at napangiti na Lang.

"Medyo po Doc! Hehe!" amin nito na napahawak pa sa dibdib.

"Sorry po Tita, hindi ko Alam na ganito pala tong bata kapag nagpupunta dito. Wala po si Krizzle?"

TSGU 2: Caught In His Trap (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon