Chapter 3 - No Choice

120 2 0
                                    

Chapter 3



"Good Morning My!" Masigla kong bati sa ina na kasalukuyang naghahanda ng agahan sa aming hapag kasama si Tita Arianne, ang kapatid ni Mommy Josephine na kasama sa bahay.

"Hey, my baby. Morning!" Balik bati nito ng mailapag ang dalang pinggan ng bacon strips sa mesa sa aming agahan.

I hugged her tight and kissed her cheek, she does too.

"Upo ka na nak at sabay na tayong kumain. Don't you have work today?" Tanong nitong nagbalik sa kusina.

Si Tita Ari naman ay naglapag ng kanin sa table at umupo sa tapat ng inukupa kong upuan.

The table is rectangular and is good for eight Malaki ang space ng dining adjacent to the kitchen and too spacious para kina My at Tita Ari. Well, as for me, I lived alone sa condo ko na malapit sa pinagtatrabahuan ko. At itong bahay ni My ay malapit sa CMC, kung saan siya nagtatrabaho bilang isang resident dentist.

Si Tita Ari ay isang oldmaid at 40 at okay lang din dito na maiwan sa bahay ni My kapag may trabaho ito.

"Here's my baby's unsweetened chocolaté." My said as she serves the hot Choco in my fave yellow Bee Mug bago naupo sa upuan sa gitna namin ni Tita Ari.

My's hot chocolate is my favorite. It tastes better kesa sa sarili kong timpla. It's just a mixture of Cocoa powder and milk but My's version is different in taste.

"This is my favorite drink of all season." Halos mamilog pa ang mata ko nang kunin ang mug at amoyin iyon na napapapikit pa, smelling its aroma. "Thanks My!"

Pakiramdam ko, bata pa rin ako. Well, still looking young at 24.

"Asus, may nagpapalambing!" Parinig ni Tita nang niyakap ako ni My kaya nagkatawanan na lang kami pagkatapos.

Oh, well. Talagang natural na malambing si My at tsaka kaya siya mahal ng mga pasyente niya sa Ospital.

"Let's eat?" Aya nito na siyang tinanguhan namin ni Tita and started eating.

"Wala ka bang work Thea? It's past 7 already." Tanong ni Tita in the middle of our meal. I am having a toast and strawberry jam spread over it.

"Supposedly Tita, I will cover the rally na mangyayari today sa harap ng City Hall, yung tungkol sa Strike ng mga public transport natin, but unfortunately, pinatawag ako ni Tito Reynold today, to meet him at 8:30 sa office nito." I finished explaining then took a bite of my toast.

I am working as a news reporter sa ABC Station, since I graduated in Broadcast Communication back in college.

I have been in the station for almost a year now, kakaumpisa ko pa lang kasi. After college kasi, I worked as a Journalist sa isang News and Print Ads na siyang ginawa kong experience para makilala at makapasok sa ABC Station. Dahil hindi naman lahat naniniwala sa kakayahan mo lalo pa't marami kang kakilala sa loob at labas ng Industrya.

Tito Reynolds is one of the executive producers of ABC Station and my father's cousin. Ayoko namang makarinig na nakapasok ako sa trabaho dahil may backer ako, kundi dahil sa may potensyal ako.

"Just sent my regards to Reynolds." Tipid na sabat naman ni My.

Mabait naman si Mommy at gusto siya ng pamilya ni Daddy but it just happened that Dy is an asshole back when they're still a bit younger. Playboy, Casanova, Rich kid, nakukuha kung anong gusto, na hanggang ngayon, nadadala pa rin niya.

My Parents are living separately. In fact, their marriage is already void and null. And Dy is living with his Mistress. Well, Mistress lang ang tawag ko, pero kasal na ang dalawa at legal na, after My and Dy's annulment.

TSGU 2: Caught In His Trap (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon