Chapter 7
Simula ng magbukas ang Angel Haven na ang alam ng lahat ay pinamamahalaan ng President ng Student Council na si Gabriel ay doon na laging nakatambay ang buong barkada nilang 'Tropang SGU'.
Katatapos lang ng midterms at nakaugalian na ng barkadahan nila na tumambay sa bar. Dati ay dun sa J-bar na pagmamay-ari ng Tito ni Gab pero ngayon ay halos sa Angel Haven na tumambay ang mga estudyante ng SGU at kahit ng ibang mga universities. Kahit kami ni Nat ay hindi nakakaligtas sa nakaugalian nila.
Nariyan yung susunduin kami sa kaniya-kaniya naming bahay para ipagpaalam. Kapag wala si Mommy ay kay Yaya sila nagpapaalam. Si Nat-nat naman ay pinagpapaalam nila sa nakababatang kapatid nitong si Yuma kapag wala pa ang mama Gladys nila.
And we'd be left with no choice but to join them.
Pero nung si Mommy ang nakatiyempo sa pagpapaalam nila ay lahat sila pinapasok sa bahay at isa-isang kinilala ni My upang alam niya raw umano kung sinu-sino ang mga makakasama ko. At isang Van pa sila kapag sumusundo tapos andun pa yung hinayupak na lalaking kinilala ng lubos ni My with full name at address para kung sakaling makidnap daw ako, siya ang unang suspect.
Umani tuloy kami ng maugong na hiyawan sa kanilang barkadahan. Andun pa man din si Elle na wagas kung makatili at makatukso.
Kaya in the end, lahat sila nakilala ni My. Pati si Mike na akala ni Dy ay nobyo ko, ayun, nakilala din niya ng personal. Hindi ko pa nga ito dinadala kay Dy dahil hindi naman kami at walang kami no.
Habang nasa Van ay nagkakantahan ang grupo na pinangungunahan ni Elle. Si Kevin ang nagdadrive at katabi nito sina Yvonne at Krizzle sa frontseat at kami ay narito sa likod at nagsisiksikan.
Makaraan ang ilang minuto ay narating namin ang Angel Haven. Kilala na ng mga gwardiya ang barkadahan nila kaya laging VIP LANE kapag papasok sa entrance.
Pababa ang structure ng Angel Haven like an underground. Ang Entrance ay diretso sa second floor kung saan naroon ang mga VIP rooms. May pababang hagdan papunta sa ground floor kung nasan ang mga tables and chairs para sa mga walk-ins. May mini stage na may kumpletong set of instruments kung saan may tumutugtog na live bands. Minsan tumutugtog ang barkadahan nila at sobrang galing nila. Swear!
Sa gitna ay elevated part kung saan pwedeng mag disco kapag disco hour which always happened at 11-12 midnight. Kung ayaw mo naman sa ingay ng bands and DJ's ay merong closed glass room sa opposite ng stage kung saan may in-house bartenders para sa mga varieties of cocktails, hard drinks or wines. Adjacent to the bar is the kitchen area.
There were couches near the stage and the corner for groups which are sometimes reserved for VIP's. May squared type tables and chairs good for two, meron ding for groups. Fully Air condition din ang bar at dim-lighted.
Dumiretso sila sa may kalakihang couch malapit sa stage na mukhang pina reserved talaga dahil itinuro iyon ng isang waiter. Kami naman ni Nat ay naiiling na lamang na sumunod.
Maya maya ay dumating si Gab kasunod ng paglapag ng dalawang bucket ng beer sa mesa namin na sinundang iba't ibang pulutan na mukhang ini advance order na.
"So, kanino ko echa charge ang inuman ngayon?" Nakangising bati ni Gab sa barkadahan na isa isang nakapag kamay sa mga lalaking mga kaibigan na nagkahiyawan. Nakakahiya nga dahil pinagtitinginan nila kami.
"Wala bang libre? Parokyano naman na kami diba?" Ngisi ni Merl sa kaibigan.
"Business is Business bro. So kanino nga?" Tila naiinip na nakacross ang mga braso ni Gabriel sa tapat ng dibdib nito.
BINABASA MO ANG
TSGU 2: Caught In His Trap (Unedited)
RomanceAt his teenage years, Drew plays with every girl's feeling. But when he knew the feeling of being inlove, Love plays with him. He met Thea, the only girl who never fall head over heels on him unlike her sister, Dia. And there he thought, she's his...