"She's not bad"
Sophia's P.O.V
Nakarating kami sa tapat ng isang napakalaking bahay. Hunihintay namin na pagbuksan kami ng gate. Di ko alam kung sino ang may ari nito basta alam ko kakilala sya ni Keifer.
"Kumag bakit tayo nandito at sino ang pinupuntahan natin???"
"Sabon maghintay ka lang na buksan yung gate ahhh" sabi nya
Naninibago talaga ako sa inaasta ni Keifer ehh kasi naman hanggang ngayon naka holding hands parin kami. Ano kaya trip nito??? Magjowa lng ang peg.
Sa di kalayuan may nakita akong bodyguard na paring papunta dito. Bigla akong natakot pano kung ipapahuli ako ni Keifer sa pulis o ano.
"Keifer may bodyguard doon oh halika takbo na tayo baka mahuli pa tayo dito sa gate." Sarcastic kong sabi.
"Wag kang magaalala yan ang magbubukas saatin ng gate." Sabi nya sabay pisil sa kamay ko. Hayy nako WIERD TALAGA.
ilang sandali lng ay nakarating na rin ang bodyguard at binuksan nya ang gate at bumati kay Kiefer.
"Sir abay napadalaw po kayo ahhh! Oh sino naman itong babaeng ito?? Nobya nyo po ba sir??" Tanong ni manong guard. Hayy nako di rin halata sa kanya na pala tanong sya ano?!
"Ahh heheh manong sana nga po girlfriend ko sya kaso naunahan ako ehh" sabi ni Kiefer kaya siniko ko na sya.
Di nagtagal nakapasok na kami sa bahay napakalaki nito at napakaganda. Pumasok na kami sa loob ni Kiefer at nagulat ako na madatnan ang isang matanda na sya lng àng nasaloob binati nya kami.
"Ohh apoh napadalaw ka mabuti naman at ang tagal mo na akong di nadadalaw nalulungkot tuloy ako"
Binitiwan ako ni Keifer at niyakap ang matanda.
"Sus si lola nagtatampo nanaman alam mo naman po diba na may pasok na ako sorry naman po" malambing na sabi ni Kiefer .
"Oh sino naman itong binibining itoh ha napakaganda mo naman iha? Girlfriend kaba ni Keifer? Abay kung girlfriend ka nya ay matutuwa ako. Ano bang pangalan mo iha?" Sunud aunod nyang tanong. Hay nako bakit ba andaming nagtatanong kung girlfriend ako ni Keifer?! Sasagot na sana ako ng bigla akong pinutol ni Keifer.
"Ako po si Sop--" sabi ko
"Lola she's not my girlfriend she is just a friend"
"Hayy nako Keifer di ko naman ikaw pinagbabawalang magkagirlfriend ang saakin lng kaylangan alam ko itoh para di naman ako mabigla diba" sabi ni lola
"Ahh hindi ko po talaga boyfriend si Keifer." Sabi ko. At nang tumingin ako ki Keifer bigla syang nalungkot at nakatingin pala sya ki lola at nakita ko rin ang malungkot na ekspresyon ni lola.
Dahil ba yun sa sinabi ko??
Nagsalita bigla si Krifer.
"Ahh hehehe lola nagbibiro lng po si Sophi. And by the way she is Sophia Miguel lola my GIRLFRIEND po." Sinabi ito ni Keifer sabay hawak sa kamay ko samantlalang ako tulalang tulala at di alam ang nangyayari. Bakit ba ang daming kababalaghan ang nangyayari saakin ngayon.
Nang tumingin ako ki Keifer pilit syang nakangiti na parang nahihiya.???? Ewan ko ba???
"Ahh so apoh girlfriend mo nga talaga itong si Sophia" sabi ni lola.
"Amm hehe lola Sophi nalang po para maiksi lng" sabi ko
"Ijah totoo ba na girlfriend ka ni Keifer??" Tanong ni lola.
Hala!! Ano isasagot ko?!?
Naisipan kong tumingin ki Keifer at nakita ko syng tumango.
"Ah lola OPO BOYFRIEND KO PO SI KEIFER"
At nakita ko namang ngumiti si lola.
"Hayy alam mo ba na napakasaya ko ngayon Keifer? Sa wakas dinala mo rin dito ang girlfriend mo salamat at pinakilala mo sya saakin" pasalamat ni lola
"Ahh lola pwedi po bang ilibot ko muna si Sophi sa bahay??" Tanong ni Keifer na exsite naman ako sa pasyal na sinasabi nya kasi naman ang laki nitong bahay at gusto kong puntahan yung Garden of roses sa labas.
"Ahh sige na apoh ilibot mo sya dito sa mansion"
Kanina kasi habang pa pasok kami nakakita ako ngmaraming roses kaya gusto ko tong puntahan.
"Keifer punta tayo dun sa garden of roses" pagyayaya ko sakanya.
"Ayy ijah napakaganda ng napili mong puntahan sige na at makita nyo ang mga alaga kong roses"
At naglakad na kami di nagtagal nakarating nakarating kami sa garden of roses at naupo sa isang bench. Nabalot kami ng katahimikan nang biglang magsalita si Keifer.
"Ammm may sakit sa puso si lola. Magisa lang syang tumitira dito kasama ang mga maids ng bahay ayaw daw nya kasing tumira kasama namin kasi daw magiging pabigat lang daw sya saamin. Pero ni kaylan man di naman yung tiningnan kay lola. Kaya pinatayuan sya ni daddy ng bahay dito with 5 gardens para daw di nya maisip ang sakit nya. Lagi ko rin syang binibisita kasama ng girlfriend ko kaso nung nawala yung gf ko nalungkot si lola pag ako nga dumadalaw lagi nya akong hinahanapan ng kasama. Siguro kasi gusto nyang may magalaga rin sakanya liban saakin na mahal rin sya. Kaya ko yun nagawa kanina. Alam ko naman na maraming di magandang nangyari sayo pero sana tanggapin mo yung pagpapanggap nayun para gumaling si lola at para di na lumala ang sakit nya. Pls Sophi pls...." makaawa nya sa harapan ko ganon pala ang kalagayan ng lola nya kaya pala kasi mahal na mahal nya ang lola nya.
"Sige pumapayag akong maging fake girlfriend mo pero sa isang kundisyon." Sabi ko
"Ano?"
"Samahan mo ako bukas sa parents ko kasi hahantingin ko yung may gawa ng fiance fiance nayan at lagot sila saakin. Ano deal??"
At nakikamay na sya saakin. Dahil don alam ko na magiging maayos itong pinagkasunduan namin.
"Amm Sophi babalik lng ako kukuha ng ako ng inumin nating sa loob ha?" Sabi nya sabay tumayo at naglakad na.
****
Keifer's P.O.V.Papunta na ako ng kusina ng masalubong ko si lola.
"Ijoh" sabi nya
"Poh?"
"Ang swerte mo ki Sophia sana alagaan mo sya at wag sasaktan ahh?"
"Opo lola"
" sana intindihin mo rin yung kalagayan nya ahhh kasi alam mo ba ijoh SHE'S NOT BAD"
"She's not bad.." ulit pa ni lola.
At pumunta ako sa labas na paulit ulit na nagrereplay sa utak yung sinabi ni lola
"She's not bad.." "She's not bad.."
"She's not bad.." "She's not bad.."A/N: Hello guys so ayan na po ang chapter 9 sana magustuhan nyo. So ito narin po ang simula ng KALOVELIFEPAN charrottt hahaha. So abangan nyo sana ang next chapter dahil may big revelation na tayo sa next chapter hahaha. Dont forget to VOTE...COMMENT...AND SHARE THIS STORY TO YOUR FRIENDZZ. Love ya!!
Hannah_Emhbraize🤗
BINABASA MO ANG
Operation: Match Hater's Heart
Teen FictionCover is not mine. Credits to the rightful owner. ______ :)