"Holding hands."
Sophia's P.O.V.
Walang wala ako sa sarili ko ngayon. Sa kasalukuyan nakatayo ako sa harap ng lamesa ko at masamang nakatingin ki Leo. Andami kasi nyang sinasabi na wala naman talagang kabuluhan. Habang tinitingnan ko sya may bigla nalang akong naisip. Pano kaya kung pakana ito ng mommy ko?? Pano kung sya pala ang nagplano na maging fiance ko si Leo?? Matatangap ko kaya sila??
Ughh!!! Bigla nalang akong nainis sa mga iniisip ko dahil sa sobrang inis nabalagbag ko ulit ang mesa at lumikha ito ng malakas na ingay. Pagkatapos non di pa ako nakuntento at nilapitan ko si Leo at bigla ko syang NASAPAK napakalakas ng pagkakasampal ko sakanya dahilan para dumugo ang gilid ng labi nya at makuha ang lahat ng atensyon ng mga kaklase ko kasama na ang kapatid nya. Biglang tumayo si Hanz.
"Huy!! Miss hater alam mo ba na ang nanay namin hindi kaylan man sinapak ang kapatid ko?? Pero ikaw bigla mo nalang syang sinaktan?!?" Nagalit pala saakin si Hanz dahil sa ginawa ko sa kapatid nya, well di ako magpapatalo!
"Bakit Mr. Razan pinagsigawan na ba ni Leo na fiance nya ang nanay nyo ha!!! Pinahiya nya naba ang nanay nyo!!! Kasi alam mo kung nagawa na nya yun sa nanay nyo sigurado ako dilang SAPAK ANG MAKUKUHA NYA!!!" Sigaw ko ki Hanz. Totoo naman ahhh kaya ko lang naman nagawa yon dahil sa pinahiya nya ako sa harap ng lahat ehh ano pa magagawa ko diba??
"Hindi nya yun ginawa pero wala ka paring karapatan para sampalin ang kapatid ko!!"
Sigaw nya."Well yeah wala nga akong karapatan pero MAS WALA SYANG KARAPATAN NA IPAGSIGAWAN NA FIANCE NYA AKO!!!" Sabay turo ko ki Leo.
"S-s-s-s-sorry" pabulong sa saad ni Leo.
"Ha! Ngayon ka pa magsosorry well sana naisip mo yan kanina bago mo sabihin ang mga walang kwenta mong satsat sa unahan alam mo bang napakaepal non ha Leo?!?!" At di pa ako narindi dahil sa inis ko sakanya sinapak ko ulit sya.
Pero di pa nga nakakaabot ang kamay ko sa muka nya bigla nalang itong nabitin sa ere dahil may pumigil saakin. Sabay tulo ng mga luha ko sa mata.
Nakakainis naman ako!! Umiiyak nanaman ako!
****
Keifer's P.O.V.Hindi ko na alam ang gagawin kasalukuyan akong nakaupo sa upuan ko at pinapanuod sa unahan na magaway si Sophi, bilib talaga ako sakanya kasi kahit ang gulo gulo na ng pamilya nya matatag parin syang tingnan sa panlabas.
Wala na sana akong gagawin at papabayaan ko nalang sana sila Sophi na makipagaway ki Leo, si Leo kasi kung ano ano ang sinasabi eh yan tuloy. Pero napukay ng aking pansin ng nakita kong tumulo ang luha na galing sa mata ni Sophi dahil doon alam ko na kaylangan ko na syang ilayo sa lugar na toh kawawa naman sya. Kaya tumayo na ako para akayin sya sana palabas ng room kaso nagulat ako ng parang aambahan nanam ni Sophi ng sampal si Leo kaya hinigit ko ang braso nya. Nadurog ang puso ko ng lumingon si Sophi saakin dahil sunod sunod na ang patak ng luha nya at sobra na syang namumula. Nagsisisi ako na ngayon lng ako gumalaw kasi kanina pa pala syang nagpipigil.
Dahil doon hinawakan ko ang kamay nya at pinunasan ko naman ang mga luha nya gamit ang isa kong kamay. Nakatulala lang sya saakin na parang nagtatanong kung bakit ko yun ginagawa. Pagkatapos ko itong gawin ngumiti ako sakanya at nagsimula na akong maglakad na hawak hawak ang kamay nya.
Walang lingon-lingon deretso lang akong naglalakad ng dahan-dahan. Nabigla nalang ako dahil nagpahila rin saakin si Sophi akala ko kasi magpupumiglas sya at di sasama saakin siguro nga kanina pa nya gustong umalis doon.
Napansin kong medyo malayo na kami lumingon ako sa kanan at kaliwa maraming estudyante ang nakatingin saamin siguro iniisip nila na magjowa kami ni Sophi. Sana~ hehehe joke lng may fiance na diba sya. Bigla kong naalala si Sophi nilingon ko sya sa likod at patuloy parin sya sa pagluha.
BINABASA MO ANG
Operation: Match Hater's Heart
Roman pour AdolescentsCover is not mine. Credits to the rightful owner. ______ :)