CHAPTER 14

44 25 3
                                    

"The story of a family"

Sophia's P.O.V.

Mag gagabi na kaya pumasok na ako sa kwarto na tutulogan ko. Maayos naman ang pakikitungo nila saakin. Masaya dito.
Napabalik lamang ako sa reyalidad ng may kumatok sa pintuan.

"Ijah gising ka pa ba??" Sabi ni lola.

"Ahh opo lola pasok po kayo."

Kaya pumasok na sya at umupo sa kama katabi ko.

"Ijah nabalitaan ko ang nangyari sayo. Ayos ka lang ba?? Hindi ka ba binabantayan at inaalagaan ni Keifer?? Hay nako ano bang klaseng boyfriend yan tss" ayy oo nga pala ang alam ni lola boyfriend ko si Keifer.-_-

"Ahh ehhh ayos naman po ako. Ako na nga po yung nagiistorbo sainyo kasi pinatira nyo po ako dito. Hehehe"

"Alam mo ejah walang kaso saakin yun. Pero alam mo bang yung ginawa mo ay napakalaking hakbang???"

Napayuko nalang ako sa sinabi ni lola. Totoo naman eh pwedi kong patayin ang sarili ko sa ginawa ko.

"Alam mo ijah marami pang magagandang bagay sa mundo na di mo pa nararanasan sa edad mo ngayon. Marami ka pang pagdadaanan na magpapatatag sayo. Kaya wag mong kitilin ang iyong buhay. Hindi rin naman masusulusyonan ang prublema mo kung pinatay mo na ang sarili mo diba??"

"O-opo" sabi ko

"Sana maging matatag ka sa buhay. Wag ka sanang papatalo sa mga problema sa mundo."

At di ko na napigilan ang luha ko. Kaya ikinwento ko ki lola ang dahilan kung bakit ko nagawa yun.

"Alam mo ejah sa edad mo masasabi kong napakabigat na rin ng dalahin mo sa buhay. Hayyy talagang iba na talaga ang takbo ng mundo ngayon. Abay magaasawa na nga lang gusto pa dalawa hayy."

"Oo nga po. Kaya nasanay nalang po akong isaradi yung mundo ko sa kanila. Mas pinili ko pong wag magkaroon ng kaybigan. Kaya po nung time na yun isa isang nagkakawalaan yung mga kaybigan ko hanggan sa tatlo nalang silang natira. Kahit nga po sarili kong pamilya at mga kapatid ay ayaw rin saakin ehh kaya wala po akong ibang naisip."

"Alam mo ijah may alam akong kwento na sana ay may makuha kang napakalaking aral. Makinig ka ng mabuti ahh"

"Opo lola"

At nagsimula na syang magkwento.

"Noon may isang pamilyang nasa gitna ng bayan. Masaya sila, lagi silang magkakasama. May tatlong anak ang magasawa. Di sila nahirapan sa pagpapalaki sa kanina dahil sa ginagawa nila ito ng maayos at sa tama. Ngunit habang lumalaki ang mga bata nagkakaroon sila ng mga magkakaibang hilig. Dahil nga siguro lalaki ang panganay mas gusto nya ng mga malalaking trabaho. Lagi syang nangunguna sa kanilang tatlo. Para sa mga magulang nya napakagaling nyang panganay. Di rin sya nahuhuli sa karunungan matyaga sya at maaasahan kaya naman mas malaki ang pagpapahalaga ng mga magulang nila sakanya. Ang pangalawa namang anak ay isang babae dahil sa naiiba sya sa kuya nya di sya masyadong napapansin ng mga magulang nya. Sya yung tipo ng tao na lagi lang nasa tabi dahil sa natatakot syang makagawa ng mali pero kahit ganoon pa man ay parehas sila nakakatulong sa kanilang magulang. Ang bunso naman ay lalaki dahil sa sya ang pinaka bata sya ang may pinaka ayahay na buhay sa kanilang tatlo. Masipag sya at matulungin kahit na sya ang pinaka bata sa tatlo marami na syang naitutulong. Kaya masasabing mahal talaga silang tatlo ng mga magulang nila. Dumating ang araw na ang pamilyang namumuno sa kanilang bayan ay nawalan ng anak na babae. Naglayas sya at nagpasyang wag magpakita sa bayan. Hindi kasi nya gusto ang pamamalakad ng kanyang ama sa bayan. Dahil sa mahal ng ama ang kanyang anak na babae nagpasya syang magpatulong sa mga nasasakupan nya. Idiniklara nya na magbibigay sya ng pabuya sa sinuman magpapauwi sa kanyang anak. Sinabi ng tagapamuno na tutuparin nya ang kahilingan ng taong ito at bibigyan ng mataas na pusisyon sa bayan. Dahil sa sinabi ng hari ay nakipagkaisa ang lahat ang iba ay naghanap pa sa mga karatig na bayan. Ngunit ang pamilyang nasa gitna ng bayan ay walang pakialam. Sabi ng ama ay "kasalanan ng hari kung bakit naglayas ang kanyang anak na babae. Hindi naman nya kaylangang magbigay ng pabuyang napakalaki eh kasi sa tingin ko babalik rin ang anak nya sa panahon magbago na ang kanyang ama" yung ang sabi ng ama. Sabi naman ng ina "hay nako buti nalang talaga at di tayo natulad sa pamilya ng hari. Basta tandaan nyo mga anak na mas mahalaga ang oras na magkakasama tayo kaysa sa limpak limpak na pera." Pero tahimik lang ang mga anak nila dahil nagtatalo ang damdamin nila kung hahanapin rin nila ang prensesa. Sabi ng panganay sa kanyang isip "hindi naman masamang hanapin ko ang prensesa. Sisiguraduhin ko naman na di ko mapapabayaan ang mga gawain ko sa bahay. At makakatulong sa pamilya namin ang malaking pabuya." Sabi naman ng pangalawa. "Siguro ay napakaraming dyamante at masasarap na pagkain ang ihahain sa makakahanap sa prensesa. Kaylangan kong mahanap ito upang maging buhay prensesa rin ako" at sabi naman ng bunso "kaylangan kong mahanap ang prensesa. Maaaring nasa panganib sya, o kaya ay nalimutan na nya ang daan pauwi kaya kaylangan nya ng tulong ko" kung iisipin mo ijah bawat myembro ng pamilya ay may kanya kanyang disisyong ginawa maaaring may pagkapareho ng mithiin ngunit iba iba ang dahilan kung bakit nilang gustong makita ang prensesa.
Pero dumating na ang tatlong buwan ay hindi parin nakikita ang prensesa. Kumakalat rin daw sa buong bayan na ang mga sundalo ng hari ay namatay na sa kakahanap sa prensesa. Kaya marami ang sumuko at tumigil sa paghahanap sa anak ng hari. Pero ang tatlong magkakapatid ay di sumuko. Palihim nilang hinahanap ang prensesa di sila nawawalan ng pagasa para  sa pabuya at sa prensesa. Nagpapakita lamang itoh na iba iba ang disisyon ginagawa ng mga tao."


A/N: hello guys so ito na ang chapter 14 hope you like it may part 2 po toh so abangan nyo ang mangyayari sa kwento ni lola. Dont forget to VOTE SHARE AND COMMENT YOUR REACTIONS.LOVE YA!

Hannah_Emhbraize🤗

Operation: Match Hater's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon