"Sold"
Keifer's P.O.V.
Kahapon maaga kaming umalis ni Sophi kila lola kasi kaylangan pa nyang magpahinga. Ngayon nasa harap ako ng condo unit ni Sophi binili pa lamang nya yun kahapon gamit ang pocket money nya isipin mo hinuhulugan sya ng mga magulang nya ng pera monthly kaya wala syang problema. Dito muna sya titira tutal ayaw na daw nya pumasok which is hindi pwedi. Kaya ngayon nandito ako at pupunta kami sa parents nya upang tatanungin ang tungkol sa fiance thingy nayon nakakainis nga at kanina pa ako katok ng katok pero walang nagbubukas akala ko ba 9am ang usapan namin??
Noong halos isang oras na akong naghihintay binuksan ko na yung condo nya ipinaalam nya kasi yung passcode saakin.
Pagkabukas ko ng condo walang kaingay ingay. Siguro tulog pa si Sophi. Pumunta muna ako sa kusina walng ni isang bagay ang nagalaw. Siguro nga tulog pa sya napagisipan ko naman na ipagtimpla sya ng gatas at mag luto ng breakfast para pag nagising na sya makakaalis na kami.
Pagkatapos ng ilang minuto nakatapos na akong magluto nagluto ako ng friedrice, bacon,hotdog at itlog di ko kasi alam ang gustong kainin ni Sophi kaya naghanda narin ako ng toasted bread.
Kinatok ko sya sa kwarto nya. Nagulat ako ng bigla itong bumukas ibig sabihin di ito nakalock. Nakita ko syang mahimbing na natutulog at parang umiyak lang sya buong gabi kasi medyo namumula ang mga mata nya.
"Oyy Sophi akala ko ba nagpapasama ka sa parents mo ngayon bakit tulog ka pa rin??"
"Hmmm" hay salamat at nagising rin sya. Umupo sya ng tuwid.
"Hayyy!!!"sabi nya sabay unat unat.
"10am na " sabi ko
"Ahh sorry ahh napasarap ang tulog k-- teteka!!! Bakit ka nasa kwarto ko!?!? Ha!!!" Sigaw nya sabay talbong ng kumot sa katawan nya. Hayy nako bakit ba lagi nalang ganto ang reaksyon ng mga babae pag may lalaki sa kwarto nila??
"Hinanda ko na ang breakfast para makapunta na tayo ng madali sa parents mo. Kaya bilisan mo na!"
"Huh?? Ikaw nagluto ng breakfast??? Marunong ka???"
"Oo naman!! Bakit?? akala mo naman saakin ano??"
"Kumag! bakit?!"
"Sige ka di na kita sasamahan sa parents mo!"
"Ha! Ako ba talaga ang tinatakot mo sige wag mo akong samahan bala ka rin sa lola mo lalala ang sakit nun!"
"Ahh ehh sige na nga sasama na poh breakfast na kasi!"
Sabay hinila ko na sya.
****
Sophia's P.O.V.Nagulat ako ng makita ko ang lamesa na maraming pagkain umupo na ako agad at kumain na. Sabay kaming kumain at nagasaran sa isat isa pero magaling talgang magluto si Keifer ahh ako kasi laging totong pag nagpriprito.
Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at nagbilis habang si Keifer busy sa panonuod sa TV.
"Uyy tara na!" Yaya ko sakanya tumayo naman sya agad at umalis na kami.
***
Makalipas ang ilang minuto nakarating rin kami kilala mommy dito ko muna gustong puntahan kasi may kutob ako na sila nga ang may pakana nito.Ding Dong ....
Pag doorbell ko. At agad naman dumating si yaya.
"Ayy kayo pala maam buti naman at napadalaw kayo matutuwa si Maam Ammy!"masiglang bati ni yaya di ko nalang sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napahinto ako ng nasa tapat na ako ng pintuan nila mommy. Nagulat ako ng bumukas ang pinto at niluwal non si Kim ang step sister ko na bestfriend DAW ni kumag.
"Keif??" Sabi ni Kim
"Ohh kimmy musta!" Sabi ni Keifer.
"OMG I'm like so so so surprised binibisita mo ba ako??" Hay ang hangin naman nito feeling mo!!!!
"Ahh hindi ehh si tita Ammy.. sinamahan ko lang si Sophi dito."
Pagkatapos nyang sabihin yung nakita kong aaktohan nya akong aakbayin kaya yumuko na ako agad at nauna ng maglakad. Ano ba balak nya!! Magakbayan kami sa harap ng bestfriend nya???
"Mom are you home??" Sigaw ko sa loob ng bahay wlaa akong pake sa mga tao sa loob gusto ko lng makita si mommy.
"Oh iha Sophi nandito ka pala?" Sabi ni mommy.
"Mom answer me! Ikaw ba ang may pakana ng fiance fiance na yan?!?" Di ko napigilan ang sarili ko kasi feeling ko tlaga sya ang dahilan ng bagay na yun.
"Oo anak ako nga ang----" di natapos ang sasabihiin ni mommy kasi dumating si Keifer.
"Hi tita!" Bati ni Keifer.
"Oh ijoh nandito ka pala sorry ahh narinig mo yata yung sigawan namin ng anak ko."
"Amm ok lng po tita sinamahan ko tlaga si Sophi dto"
"Answer me mom!!!''sigaw ko.
"Im sorry anak... na..na..nalugi kasi ang company ni tito Fredd mo kaya yun nalang ang naisip ko. Sorry"
"So anong ibig sabihin nito ha mom??!"
"Calm down Sophi" sabi ni Keifer sabay hawak sa braso ko. Narinig ko naman si Kim na nainis. Selos yata sya?
"Hindi pa ba halata ate?? Ha!!! Ganon ka ba kabobo para di mo maintindihan ang mga nangyayari??" Sigaw ni Kim sa harap ko sabay hila papalayo si Keifer.
"Hayy!! Kimmy stop it!" Saway ni Keifer.
"So ano gusto mong ipalabas ha?? Na ki Ate ka pumapanig ha!! Akala ko ba bestfriend mo ako? Mas pinapanigan mo pa talaga yung ANAK NA BINENTA SA IBA PARA MAGKAPERA!! Ganon ba Keifer ha!!"
Bigla nalang tumulo ang aking luha sa narinig. Ano daw?? Binenta ako ng sarili kong nanay??
"Anak shut your mouth!!" Sigaw ni mommy dahil doon mas lalo akong umiyak.
"Anak sorry di ko gustong gawin yun sorry anak" pagmamakaawa ni mommy.
"Sabihin nyo muna saakin. Binenta nyo po ba ako sa tatay ni Leo??"
"Oo anak pero di ko enten--"di ko na sya pinatapos
"So ayon malinaw rin benenta nyo nga ako. Mommy itoh ang tatandaan nyo!! Ni kaylan man di ako sasang ayon sa ginawa nyo!! I hate you mom alam nyo MAS SINIRA MO LANG YUNG PAMILYA NATIN!!"
Aalis na sana ako ng nagsalita si mommy
"Anak sorry talaga. Wait boyfriend mo ba si Keifer?"
"Well pano pag sinabi kong OO ano bang magagawa mo ha!" Pagkatapos kong magsalita nauna na akong maglakad at di ko na namalayan si Keifer. Lutang na lutang kasi ako ngayon nagulat ako sa nalaman ko. Nagagalit ako.
***
Ngayon nandito na ako sa condo ko at nilock ko na ang pinto. Dumeretso ako sa kusina at kinuha ko ang isang galon ng icecream at kinain ko ito habang patuloy parin ang pagluha ko. Sa sobrang nakain ko halos isuka ko na ito. Wala akong maisip na ibang sulosyon guhong guho na kasi ang mundo ko at gusto ko lng umiyak ng umiyak!!A/N: Hello guys ito na nga abangan nyo ang next chapter mas magiging kapanabik nabig ang next chapter. PLS VOTE COMMENT AND SHARE THIS STORY WITH YOUR FRIENDZZ. LOVE YA!!
Hannah_Emhbraize🤗
BINABASA MO ANG
Operation: Match Hater's Heart
Teen FictionCover is not mine. Credits to the rightful owner. ______ :)