CHAPTER 23

33 15 5
                                    

"Love Confession"

Sophia's P.O.V.

Hangang ngayon nakatulala parin ako dahil sa nangyari. Pero nung tiningnan ko naman si Keifer walang reaksyon ang muka nya. Alam nyo yung parang wala lang nangyari???

"Oh sha mauna ka na muna Keifer sa veranda at si Sophia nalang ang magdadala ng cake doon" sabi ni lola.

"Lola tulungan ko na po si Sophi" sabi naman ni kumag.

"Eh?....." Yan lang yung nasabi ko kasi biglang pinisil ni Keifer ng napakahigpit yung kamay ko.

"Ayy wag na apo ihanda mo nalang ang veranda para maayos kayong makapagdate doon" sabi ni lola at hinila na ako sa kusina.

Kinuha ni lola sa ref ang isang black forest cake. Sa totoo lang favorate ko ang chocolate flavored cake pero matagal na ang last kong pagkain kasi wala akong ganang kumain. Pag ang mga kasama mo sa bahay ay katulad ng kasama ko dati pramis mawawalan ka talaga ng gana.

"Lola ako na po ang maghahati" sabi ko at pinilit kong kunin ang kotsilyo.

"Ay nako ija ako na ang gagawa nito. Ito nalang ang parte ko sa date ninyo kaya dapat ako na ang magslice ng cake dalhin mo nalang ija." Sabi ni lola.

"S-sige po"

"Alam mo ija Sophia wag mong pilitin ang sarili mo ahh wag kang mapressure sa harap ko okay lang naman saakin ang relasyon nyo ni Keifer. Alam ko naman na bago palang kayo kaya wag kang mag alala wala kang dapat patunayan sa lola mong ito kasi mahal na rin kita apo" sabi nya sabay abot saakin ng sliced cake.

"Lola salamat po at tinangap nyo ako" sabi ko sabay yuko.

Hinawakan ni lola ang balikat ko at hinimas ito.

"Ija mabait kang bata kaya walang dahilan para wag kang mahalin. Siguro nga wala kang maayos na pamilya sa ngayon pero wag mong isasara ang isipan mo dahil marami kaming nagmamahal sayo lalo na ang BOYFRIEND MONG SI KEIFER" sabi nya at bigla akong nasamid.

"*cough* ahh ehh o-opo" HU!!! Grabe nakakapressure na talaga.

"Oh sya dahil mo na at baka naiinip na si Keifer sa taas." Tumango naman ako at dumeretso na sa taas.

Kumatok ako sa pinto ni Keifer nang naka yuko. Parang napagisip isip ko na sinagabal ko na talaga ang buhay ni kumag.

Tok tok tok tok....

Binuksan ito ni Keifer.

"Oh nandyan ka na pala ang tagal mo. Akala ko di ka na--"

"Sorry" putol ko sa sasabihin nya. Pero nagulat ako nang hilahin na ako papasok. Pumunta kami sa veranda nakalatad sa baba ang isang makapal na carpet at maraming unan sa paligid.

"Ayos lang ba sayo kung dito nalang parang mas maganda kasing sa carpet kaysa sa upuan. Okay lang ba?"

"Ohh" sabi ko sabay tango ng tango.

Hinila nya ako paupo sa carpet

"Sorry" sabi ko ulit.

"Okay lang naman di naman ako naghintay ng matagal"

"Hindi yun Keifer.." sabi ko

"Huh?"

"... sorry kasi kaylangan ko pa kayong istorbohin. Alam ko naman na siguro nga tama yung iba na kulang lang ako sa pansin pero sorry talaga at umabot pa sa ganito sor--" napatigil ako sa pagsasalita nang hawakan nya ang kamay ko.

"Sophi ang word na sorry sinasabi lang yun pag nagkasala ka kaya wag mong sabihin yun kasi wala kang kasalanan."

Nginitian ko sya at niyakap nya ako. I feel so releif dahil hindi sya nagalit saakin.

"Why dont we enjoy the moment my girlfriend?" Sabi ni Kiefer

"Wait! Wala naman dito si lola ahh?"

"Lets date sophia"

"Pfftt! For real?! Keifer di ko nga alam kung bakit ako yung pinili mong maging FAKE GIRLFRIEND. Kung totousin marami kang pweding pagpiliang babae na mas magaling maging girlfriend saakin. Pwedi yung secretary mo, o kaya yung ex mo, or kahit na sinong babae sa school kahit nga yung mga bestfriend ko pwedi rin."

"Tss silly girl" sabu ni Kiefer. Tapos gi ulo nya buhok ko.

"Ehh kung iisipin wala akong kaalam alam sa relasyon. Wala pa akong naging boyfriend. Di rin ako marunong umacting kaya bakit ako pa? Eh mas magaling naman sila" sabi ko

"You know what Sophi. Siguro nga wala kang experience sa relationship and thats the point kung bakit ikaw ang gusto ko. Ano naman kung di ka marunong umacting kung pwedi naman nating totohanin diba?"
Sabi ni Keifer.

Natulala ako sa sinabi nya.

"Anong ibig sabihin mong totohanin?" Tanong ko

"Can i ask you a question?" Tumango naman ako.

Pero nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko.

"Sophi am I selfish? Kung gusto ko na saakin ka lang?" Tanong nya

"Huh?"

"Sophi I feel so jealous pag nagtatawanan kayo nila Rafa. I feel so out of place pag kaharap mo ako tapos wala kang imik. I feel so comfortable pag niyayakap kita. Your so speial to me." Wabi nya

WAIT!! IS THIS A CONFESSION?? OM MY GOSH!

"Keifer?" Tanong ko

"Marami akong nagawang di maganda sayo. Tinatarayan kita. Lagi kitang inaaway. Marami akong ginawa na nagpaabala sainyo sa tingin ko nga malas ako sayo."

"Sophia your perfect to me. Your my perfect miss forture. I know this is too early but i want you to know that I LIKE YOU." Sabi nya

OMO?! K-KEIFER LIKES ME!!!!

"Sophia can we make this thing REAL? Can you be my Girlfriend?" Twning nya.

Napangiti naman ako.

Is this for real? Si Keifer? Gusto ako?

A/N: hi guyzz pls dont forget to VOTE COMMENT AND SHARE THIS STORY WITH YOUR FRIENDZ. LOVE YA!

Hannah_Emhbraize🤗

Operation: Match Hater's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon