Hyeshah Pov"Sha!!! Yung sinaing!" Nakakabinging sigaw ni mama kaya dali dali akong pumunta sa kusina upang asikasuhin ang sinaing. Napalunok ako nang maamoy ko ang sunog na kanin ngunit bago ko pa masalba ang sunog na kanin ay naramdaman ko na ang kurot ni mama kung kaya't agad akong napangiwi sa sakit.
"Aray ma!" Reklamo ko saka siya nginusuan.
"Juskong bata ka! Sinabi ko naman sayo na bantayan mo ang sinaing ano bang inaatupag mo jan ha!" sermon ni mama kung kaya't napakamot ako ng ulo.
"Sorry na ma! Nagbabasa lang naman ako, nakalimutan ko po" nakangusong sabi ko at nakita ko na natigilan ito kung kaya't tumungo ako.
"Jusko naman Sha! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na itigil mo na yang pag aaral na yan dahil hindi ka na makakapag aral! Tayong mahihirap hanggang dito lang tayo hindi utak ang kailangan natin kundi sipag! Naiintindihan mo?" Ani ni mama kung kaya't tumungo ako.
"Ma naman nagsisikap naman po ako para makapag-aral at makahanap ng magandang trabaho sa baya.."
"Napagusapan na natin yan Hyesha! Makuntento ka na lang sa buhay na mayroon tayo maniwala ka saakin hindi mo gugustuhin ang marangyang buhay kahit na minsan lang tayo makatikim ng kanin masaya naman tayo diba anak? Itigil mo na yang pangrap mo dahil walang magandang maidudulot yan" mariin na sabi ni mama kaya tumungo na lamang ako. Hindi ko mainindihan kung bakit ayaw niyang umangat kami sa hirap, masaya nga kami pero iba pa rin kapag natutustusan ko ang mga pangangailangan nila.
"Sige na tawagin mo na ang kapatid mo kakain na tayo" ani ni mama kung kaya't napabuntong hininga na lamang ako at nakatungong sumunod. Agad akong pumunta sa maliit naming bakuran, paniguradong doon nakatambay ang kapatid ko.
"Syndie!!!!!!" Sigaw ko at napabuntong hininga ako nang makita ko siyang nakikipagusap sa mga bibe.
"Ate naman ang ingay mo! Natakot sila sa halimaw mong boses" kunwaring inis na saad nito na ikinalaki ng mga mata ko.
"Anong sabi mo!!" Nanlalaking mata kong sabi na ikinatawa niya.
"Paulit ulit haaisstt! Maglinis ka nga ng tainga mo te! Tingnan mo nga yang itsura mo ate Sha, yang buhok mo mas madulas pa ata ang buhok ng mais kesa sa buhok mo ilang taon mo bang hindi sinuklayan yan? Tsaka ang pananamit mo tanggapin mo na hindi ka lalaki! Tapos yang mga kuko mo mas malinis pa ata ang kuko ni mang Kanor ehh tsaka yang balat mo, kaya ang itim itim mo dahil puno ka ng libag teh! At higit sa lahat flat ka ha! Flat flat flat flat!!!" Ani nito dahilan upang umusok ang ilong ko dahil sa mga sinabi niya. Pero bago pa ako makapag salita ay dali dali siyang tumakbo papasok ng bahay kung kaya't inis na lamang akong bumuntong hininga tsaka pumasok sa loob.
"Ohh kain na tayo, hanggang mamayang gabi na yang kanin na yan haist! nasunog pa ohh siya! pig iisang bangus tayo" saad ni mama kaya napabuntong hininga ako. Kinuha ko ang chichiryang bangus upang iulam sa kanin. Minsan lang kami makakain ng kanin dahil madalas kamote na tanim namin sa bakuran ang almusal, tanghalian, at hapunan. Swerte na kami kung makadalawang beses kami mag kanin sa isang buwan.
"Ako na kakain ng sunog sige na kain na" ani ni mama nang matapos kaming magdasal.
"Ma ako na po ang kakain niyan" ani ko pero umiling iling siya.
"Ako na sige na kumain ka na Syndie pagkatapos mo jan mag igib ka ng tubig ha! tatapusin ko yung nilalabhan ko" ani ni mama kaya agad na tumango si Syndie.
"Pagpasensyahan niyo na yan, hayaan niyo kapag nakaluwag luwag tayo ehh magluluto ako ng tinola" masyang sabi ni mama.
"Talaga ma?" Masayang tanong ni Syndie kaya ngumiti si mama.
BINABASA MO ANG
In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]
General FictionNoong unang panahon may isang kompitesyon na pinaghahandaan ng buong mundo. Isang kompetesyon na magpapabago sa buhay ng isang babae. At ito ang EL KOMPETISYON kung saan naglalaban laban ang mga babae upang maitanghal bilang asawa at sekretarya ng p...