Chapter 5

1.3K 31 0
                                    

Hyeshah Pov

Nandito ako ngayon sa Hayen's ground floor. Parte ng mansion kung saan nagtitipon tipon ang mga Hayen. May mga kanya kanyang ginagawa ang mga tao rito. Ang iba tulala, ang iba nagkukwentuhan, ang iba mag isa lang. Sa katunayan nahihirapan akong makisama sakanila. Parang kalaban talaga ang tingin nila saakin.

Sayang ang mukha nila langya chicks!

"Hyesh are you okay?" Biglang tanong ni Gwen kaya agad akong napatango sakanya.

"Iniisip mo pa rin ba 'yung nangyari last night?" Tanong niya kaya agad akong napabuntong hininga.

Marami akong iniisip Gwen haisstt!

"Hayens" biglang tawag saamin ni Ms. Lao kaya agad kaming napatingin sakanya.

"I would like to inform you all that Ms. Cloe Caztro and Shane Frado is now disqualified because of a private reason" ani ni Ms. Lao na ikinagulat naming lahat.

Disqualified??? Agad???

Langya!!!! Baka magaya ako sakanila dahil sa ginawa ko sa Lance na yun waaahhhh!!!!!!!!!

"So siguro nakausap at nakita niyo na si Mr. Lance Hyden kagabi, we are very sorry for what happend yesterday, asahan niyo ang mas mahigpit na security sa inyo at sa pamilya niyo" ani ni Ms. Lao kaya lalo akong kinabahan.

Ang pamilya ko....

"So hayens follow me" ani ni Ms. Lao kaya agad kaming napasunod sa kanya. Bigla naman akong natigilan nang hinawakan ni Gwen ang kamay ko ngunit agad ding ipinagsawalang bahala ito.

"So gusto kong makita kung paano kumilos ang isang babae, yesterday napansin ko ang kilos ninyo and I must say na walang nakakuha ng bagay na gusto kong makita, are you really a lady?" Striktang sabi ni Ms. Lao kaya napalunok ako.

Santisima sagipin niyo po ako

"Hindi ba kayo aware kung paano ang tindig! Pag upo! Paglakad! Pagsalita! Kumilos! Ang isang babe! Wait, no kung paano kumilos ang isang babaeng nakakataas!" Dagdag pa nito.

"Simula nang matanggap at pumasok kayo sa mansion ng mga Hyden asahan na ninyo ang malaking pagbabago sa sarili niyo! Asahan niyo na may dugo! Pawis! At luha na dadanak sa inyong mga katawan because that is life!! Hindi ka mabubuhay kung hindi lalabas ang dugo! Ang pawis! At lalong lalo na ang luha!! Now my point is gusto kong maging babae kayo!  A classy lady dahil 'yun dapat kayo! Kailangan niyong kumilos na naaayon sa estado ng buhay and you are a hayen! Lahat kayo hayen at maikokompara kayo sa isang princessa! Higit pa sa isang princessa!!" Istriktang saad ni Ms. Lao kung kaya't natihimik kami.

"Ibigay sa kanila ang mga box" utos ni Ms. Lao sa mga kesida na agad namang lumapit sa amin at itinapat sa amin ang mga kahon na agad ko namang binuksan.

"As you can see, its a shoes with 5 inches heels, gagamitin niyo yan araw araw hangga't hindi ko sinasabing pwede na kayong magsuot ng sapatos na gusto niyo" ani ni Ms. Lao kaya napalunok ako.

Nak ng!!!!!!! Ayoko sabi ng takong!!!!!

"Stand straight and let me observe how you walk" ani ni Ms. Lao nang maisuot namin ang sapatos pero hindi pa ako nakakatayo ay agad na akong natumba dahilan upang mapapikit ako ng mariin.

"Irelax mo ang katawan mo" ani ni Ms. Lao sa akin at tinulungan akong tumayo. Hindi ko mabalanse ang sarili ko dahil sa takong na ito. Kakaiba ang sapatos. Iyon ang nararamdaman ko

"Ladies, walk like this" ani ni Ms. Lao at naglakad itong tindig na tindig, nakataas ang noo at halatang halata ang pagiging elegante sa paglalakad niya. Agad namin iyong ginaya pero langya kahinaan ko ang mga ganito buti nalang at hindi ako nag iisa haist!

In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon