CHAPTER 63

823 14 0
                                    

Clarissa Pov

Dahan dahan akong pumasok sa pintuan. Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari ang engkwentro. Nang makapasok ako sa kwarto ay doon ko nakita ang isang babaeng nakayuko habang nakaupo sa upuan. Pinipilit kong pigilan ang aking mga luha upang makita niya na ako pa rin ang pinalaki niyang matapang at hindi marunobg magpakita ng kahinaan.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya saka tinitigan ang kawalan. Hindi ako sumagot sakanya. Tahimik lamang akong naupo sa harapan niya saka tinitigan ang itsura nito. Tahimik lamang kami sa loob ng kwarto. Walang nagtatangkang magsalita. Marami akong gustong sabihin sakanya, pero walang lakas ang bibig ko para bigkasin yun. Alam kong nagkamali ako, tama siya isa akong lapastangang anak. Matagal ko na iykng tinanggap, bilang isang ina naiintindihan ko ang naramdaman niya noong panahong pinagtaksilan ko siya at sinuway na dumagdag sa galit na nararamdaman niya. Maya maya pa ay binagsag ng pinto ang katahimikan namin. Hindi ko na tiningnan kung sino ang pumasok dahil alam ko na si Thania ito.

"Are you happy to see me like this?" Tanong ni mommy at sa unang pagkakataon nakita ko ang mga luha sa matamlay niyang mata. Buong buhay ko, ngayon ko lang nakita ang mga porma ng kanyang mata. Masyado siyang kinain ng galit dahilan para pagkaitan niya ang sarili na mabuhay ng normal.

"Yes" sagot ko dahilan para mapatitig siya saakin. Tumungo ako bilang pagrespeto sakanya ganun din si Thania. Para kaming mga bata na iniiyakan ng isang ina dahil sa kasalanang ginawa namin.

"I see" tipid niyang sagot.

"We are happy to see you like that mom, for the first time I saw you crying in pain not because of anger. For the first time nakita ko ang matagal ko ng gustong makita, I saw you crying because you are a human, not a demon" malamig kong sabi pero punong puno ng emosyon dahilan para titigan ako ni mommy.

"She did pero tumalikod ka kaya hindi mo nakita" sabat ni Thania dahilan para matigilan ako. Sa tono ng pagsalita niya alam kong panunumbat iyon.

"How can you abandoned your mother?" Tanong nito saakin dahilan para matigilan ako.

"Are we going to argue abou--"

"Just answer me ate!" Sigaw niya dahilan para matigilan ako.

"Paano mo nagawang iwan si Lance?" Tanong ko dahilan para matigilan siya.

"We are all humans here and leaving is part of our lives. Kahit na gaano mo kamahal yung tao kung may rason kang umalis aalis ka even if you also have a reason to stay" mariin kong sabi sakanya.

"Oh yes! No wonder why you are the favorite" sakrastikong sabi niya kaya mariin nalang akong napapikit.

"Enough Thania"

"What?! Totoo naman diba all my life I am at your shadow" mariing sabi niti habang tinititigan ko ang mapupula niyang mata.

"Mommy ampon din ba ako?" Tanong ni Thania na ikinagulat ko.

"Thania!" Pananaway ko pero hindi niya ako pinansin. Nakatitig lang siya kay mommy na ngayon ay namumula na ang mata sa pagpipigil ng luha.

"Please tell me yes kasi hindi ko matatanggap na anak niyo ako sa kabila ng pagtrato niyo saakin" ani nito kung kaya't napaiwas ako ng tingin.

"No" sagot ni mommy dahilan para mapabagsak ng pagsandal si Thania sa upuan.

"Then why?" Nanghihinang tanong ni Thania.

"Ginawa ko ang lahat lahat mom. I gave my whole life to you kahit na ang sakit sakit na at pagod na pagod na ako hindi kita magawang iwan dahil ayokong maranasan mo ulit yung sakit na naranasan mo noong iniwan tayo ni ate! Pero bakit? Bakit hindi ko naramdaman ang pagmamahal--"

In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon