Lance Pov
Ilang linggo na ang nakakalipas nang mangyari ang engkwentro. Marami na ang nangyari nang magising ako. Sandamakmak na tanong ang kinaharap ko. Nagpatawag na rin ng prescon ang kampo namin pero wala ako sa tamang pag iisip para sagutin ang katanungan nila. Pinahukay na rin ang buhangin kung saan nakatago ang nga ebidensya hiniling ko na ako ang maghuhukay pero hindi daw maari. Wala na akong magawa kundi ang mahiga nalang dito sa kama. Nililitis na rin ang kaso ko tungkol sa isyu na kinakaharap namin ngayon. Sandamakmak na balita ang kumalabas ngayon sa buong mundo na patungkol saamin. Dinala si Ms. Lao sa America dahil sa iniimbestigahan din siya hbang ang ibang biktima katulad ni Gwen ay nailibing na. Naglaan ang pamilya namin ng naayos na himlayan para sakanilang lahat bilang pag alala sa trahedya na sinapit nila sa kompetisyon. Nasa processo na rin ang pagbuwag ng kompetisyon, my generation is the most legendary one, bumagsak ang El Kompetisyon sa pamamalakad ko. And I know many years will passed, the accident will be mark as a history of the whole world.
"Lance" pagtawag saakin ng pamilyar na boses. Napalunok na lamang ako nang makita ko ang pagbabago sa itsura niya. Mas tumanda ito at pumayat. Halatang puyat at maraming pinoproblema. Halos hindi ko na ito makilala.
"Sir" tawag ko sakanya saka tumungo bilang paggalang.
"How's your health?" Tanong nito saakin at katulad ng inaasahan ko, propesyonal pa rin ito kung kumilos.
"Im fine now, finally nakalabas na ng hospital" pormal kung sabi.
"Did you see her?" Tanong niya at alam ko na kung sino ang tinutukoy nito.
"Not yet, hindi pa siya pwedeng dalawin since siya ang nakakaalam ng ebidensya" problemadong sagot ko.
"Even your mom?"
"Yes sir" pormal kong sagot. Muli kaming binalot ng katahimikan. Ako na nakatitig sa kamay niyang nasa mesa habang siya naman na nakatitig saakin.
"Do you like her?" Seryosong tanong niya saakin dahilan para mapaangat ako ng tingin sakanya pero muli kobg iniwas ito.
"I dont know sir" sagot ko.
"I know na hindi ako naging mabuting ama sayo, Kinontrol ko ang buhay mo dahil sa peligrong nakasunod sa pamilya natin. Palagi kang ikwinekwento saakin ni Nathalia simula pagkabata mo at nakokonsensya ako dahil hindi ko makita iyon sayo because of my attitude. But belive me, hindi ko man naiparamdam sayo, pero minahal kita ng parang isang tunay kong anak. Everyday may temptation akong nararamdaman kapag nakikita kita. Gusto kong magpakaama at maging ama sayo. Gusto kong ibuhos sayo ang pagmamahal na dapat sana ay para kay Hyeshah. Gusto kong maramdaman ang pagmamahal ng isang anak pero duwag ako Lance. Ayokong maging malapit sayo dahil sa takot" lumuluha at mabigat niyang sabi dahilan para sumikip ang dibdib ko. Pilit kong pinipigilan ang mga luha na papatak na naman galing sa mga mata ko.
"B-bukas na nakatakda ang pagbitay saakin" lumulhang ani ni daddy kung kaya't napaangat ito ng tingin saakin kasabay ng pagpatak ng luha. Sinabi na ito saakin ni mommy pero iba pa rin ang sakit na nararamdaman ko ngayong si daddy ang nagsabi saakin.
"S-silya electrica ang gagawin saamin ni Clara sa China, mamaya kami aalis at ayokong malaman na susunod kayo doon ng mommy mo at a-ayoko ring malaman n-na iiyak kayo bukas Lance" pagpipigil sa iyak niyang sabi kaya napaluha ako lalo.
"Be the man that you are! And I want you to know that I am so proud of you son!" Lumuluha niyang sabi at hindi ko inaasahan, siya na mismo ang yumakap saakin.
"D-d-daddy" umiiyak kong usal.
"Please take care of your mother, and my daugther please take care of your self" lumuluhang bulong niya kaya napahagulhol nalang ako.
BINABASA MO ANG
In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]
General FictionNoong unang panahon may isang kompitesyon na pinaghahandaan ng buong mundo. Isang kompetesyon na magpapabago sa buhay ng isang babae. At ito ang EL KOMPETISYON kung saan naglalaban laban ang mga babae upang maitanghal bilang asawa at sekretarya ng p...