Chapter 16

962 19 0
                                    


Lance Pov

Matamlay akong lumabas ng mansion at doon ko nakita si mommy at ang iba naming tauhan na naghihintay. Ngayon ang alis ko papunta sa kinaroroonan ng mga hayens dahil parte iyon ng mission.

"Mag iingat ka roon Lance okay?" Ani ni mommy kaya tumango ako.

"Yes mom" nakangiting sabi ko.

Here we go again....

Kalimutan mo na siya Lance....

Ito ang tadhana niyo....

Hyeshah Pov

"Hyeshah" tawag saakin ng pamilyar na boses kaya natinag ang pag iisip ko. Nandito na kami sa isang tribo pero parang wala pa ring tao. Dito na rin kami nagkita kita nina Juliana at kasalukuyan na kaming nagpapahinga sa bawat silid na pinahiram saamin.

"A-anong ginagawa mo rito?" Walang gana kong bulong at nagulat nalang ako nang bigla niya akong yakapin. Hindi ako sanay na ganito kami pero bakit parang gusto ko ang ginagawa niya. Hindi ko maintindihan pero sanay ako sa gulo pero bakit ganito ang nangyayari saakin.

Hindi ikaw to Shah!

"Hey dont cry" bulong niya kaya agad kong pinunasan ang luha ko nang kumalas ako sa pagkakayakap niya.

"Magpahinga ka na" bulong nito kaya tumango ako.

"Salamat" sinsero kong sabi.

"So pwede na ba tayong magkaibigan Ms. Hyeshah?" Tanong nito saakin kaya ngumiwi ako.

"Bawal" tipid kong sabi kaya kumunot ang noo niya.

"What!"

"Hoy Lance magpapahinga na nga ako tsk labas na wag kang istorbo" ani ko tsaka siya tinulak palabas.

"But--"

"Heh! Tahimik!" Pigil ko sakanya tsaka sinara ang pinto na gawa sa kahoy.

Kaya mo to Shah!! Laban lang!!!!

Kinaumagahan ay agad akong lumabas ng bahay at nangunot ang noo ko nang makita kong maraming aalis sa mga tribo. Ngayon lang ako nakakita ng mga katutubong Pilipino.

"Madaam" tawag saakin ng isang bata na para bang hindi pa ito sanay na sabihin ang lengwaheng sinabi niya dahil sa diin na pagkakabigkas nito.

"Bakit?"

"Gusto mo raw po bang sumama saamin? Tanong ni Ser" Tanong nito at itinuro pa si Lance na naglalakad palapit saamin habang kumakaway saakin.

"Hah?" Usal ko at nakita ko ang pagkamot ng ulo nito.

"Hey, wag mong tanggihan ang bata" nakangiting sabi niya pero hindi ang ngiting normal sa paningin ko.

Hmmmm.....

"Ahh ehh kasi si Gwen aasikasuhin k---"

"Tatanggihan mo ang bata? Bobot papayag ka ba na tinatanggihan ka ng isang magandang binibini?" Nakangiting pagkakausap ni Lance sa bata.

"Hindi po, madaam sumama ka na para may kasama kami ni ser" ani ng bata kaya ngumiti ako ng konti dahil bigla kong naalala si Syndie.

"S-sige" tipid kong sagot kaya napatalon sa saya si Bobot.

"Magpakilala ka sa bata" ani ni Lance saakin kaya nanlaki ang nga mata ko nang madinig ko iyon.

"Ayus aaahhh" sigaw ko sakanya habang tinusok sa tagiliran kaya napaatras ito.

In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon