Chapter 58

728 13 0
                                    

Hyeshah Pov

Unting unti kong iminulat ang mga mata ko. Naramdaman kong nakatali ang paa at mga kamay ko. Nararamdaman ko rin ang init ng simoy ng hangin na humahaplos sa mga kamay ko. Maya maya ay biglang bumukas ang ilaw na saakin nakakatutok. Para akong isang criminal na pinapaamin.

"Goodmorning" nakangiting bati saakin ng matandang babae na kaharap ko pala.

"Umaga na ba?" Tanong ko sakanya na ikinahalakhak niya.

"Isa ka ngang Hyden, namana mo ang ugali mo sa iyong ama" nakangis niyang sabi kaya ngumiwi ako.

"Now sabihin mo saakin ang nalalaman mo" nakangisi niyang sabi.

"Wala akong alam"

"Pinagloloko mo ba ako?!"

"Hindi! Sadyang nagpapaloko ka lang talaga" malamig kong sabi.

"How dare you!"

"Wag mo akong ienglishin nasa Pilipinas tayo tsk!"

"Ang sabi mo kanina may nalala--"

"Nagpauto ka naman" pagpipigil ko sa sinabi niya dahilan para bumilis ang paghinga niya.

"Ahhh!" Sigaw ko nang bigla akong may nakaramdam ng kuryente sa buong katawan ko.

"Kung hindi mo rin lang naman sasabihin ang nalalaman mo? Papatayin nalang kita" ani niya at saka ako nakaramdaman ng kuryente sa katawan dahilan para mapakuyom ang kamao ko.

"Ahhhh!!!" Sigaw ko. Saka nagpupumiglas sa upuan dahil sa kuryente. Pakiramdam ko hinihigop ang lakas na natitira saakin. Sumasakit na ang ulo ko, parang nasusunog ang buong loob ko dahil sa kuryente na nararamdaman ko.

"Roberto! This is your mission, ang gagawin mo lanh ay hanapin mo kami, hawak ko ang unica ihja mo at kapag hindi ka nagpakita saakin mawawala ang napakagandang dalaga sa tabi ko" nakangising ani ng matandang babae sa isang microphone na marahil nakakonekta sa speaker saka inilagay sa ulo ko ang wire.

"Ahhhh!!!" Umiiyak kong sigaw dahil sa sobrang sakit.

"Tama naa ahhh!!!" Sigaw ko pero pinagtatawanan lang nila ako saka ako binuhusan ng isang timba ng tubig at marahas na hinawakan ang buhok ko at tumatawang inilagay sa sintudo ko ang wire dahilan para makaramdam ng kuryente ang buong katawan ko at parang mabibiak ang ulo ko.

"Aaaaahhh!!!!" Sigaw ko dahil sa sakit.

"Kuryentehin niyo pa yan!" Tumatawang ani ng matandang babae dahilan para lalo akong kuryentehin.

"Tama na ahhh!!!" Umiiyak kong pagmamakaawa dahil hindi ko na kaya. Nasusuka na ako sa sobrang hilo at naiihi na rin ako sa sobrang kuryenteng nararamdaman ng katawan ko.

"Isagad niyo na!" Ani ng matandang babae at napapikit nalang akong umiiyak habang dinadama ang kuryente mula sa ulo ko habang unti unting lumilitaw ang imahe sa isipan ko.

                             Flashback

"Kuya nasaan ka na?" Paghahanap ko kay kuya dahil naglalaro kami ng tagu taguan.

"Hyeshah halika dito ihja" ani ng isang matandang babae dahilan para lumapit ako sakanya saka inilibot ang paningin at doon ko nakita si Kuya James na nasa taas ng puno at sumenyas saakin na wag akong maingay dahilan para pasimple ko siyang kindatan.

"Bakit po?" Nakangiti kong tanong.

"Kamusta ka?" Nakangiting ani ng matandang babae.

"Maayos naman po ako, hinhintay po namin ni Kuya James si mama at papa sabi daw po nila kakausapin nila si Tito Robert" nakangiting sagot ko dahilan para mahinang tumawa ito.

In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon