CHAPTER 41

663 11 0
                                    

Hyeshah Pov

Tahimik kong tinititigan ang sarili ko. Nakasuot ako ngayon ng white fited sando na pinartneran ng white pants tsaka pinatungan ng white coat.

"Eto sha puting sandals" ani ni Alliah habang hawak hawak ang sandals na agad ko naman kinuha at sinuot.

"Simula noong kompetisyon hindi pa kita nakikitang magsuot ng ibang kulay ng damit sha" ani ni Princess pero tanging pagtitig lang ang binigay ko sakanya kaya agad naman itong napatungo.

"Sha nandiyan na ang sundo mo" ani ni Hannah kaya wala akong nagawa kundi ang marahan na tanguan siya. Taas noo akong naglakad papunta sa pinto ng mansyon at doon ko nakita ang dalawa kong kasamahan na malaki ang ibinagsak na timbang na dalawa na tila ba hindi ko na makikilala. Ang mas pinataray na mukha ni Agatha at nakakaawang itsura ni Gwen. Agad napunta ang attensyon nila saakin pero tanging titig lamang ang ginawa namin sa isa't isa kung kaya't tahimik na lamang akong pumasok sa kotse at ganun din ang ginawa nila. Hindi ako sanay sa sistema namin ngayon tila ba hindi kami magkakakilala.

"Madaam pinapabigay po ni Sir Lance" ani ng driver ng kotse habang inaabot ang cellphone saakin na agad ko namang tinanggap tsaka marahang tumango sakanya. Maya maya pa ay nakita kong biglang bumukas ang cellphone at bigla itong tumunog. Mukhang may tumatawag at napapalunok nalang ako habang tinititigan sapagkat nabasa ang pangalang Lance pero hindi ko alam kung paano sasagutin dahil wala akong kaalaman sa ganito. Agad ko nalang inislide ang daliri ko sa telepono katulad ng ginagawa ni Sabrina sa cellphone niya tsaka itinapat sa tenga.

"Oh finally sinagot mo rin" ani niya pero hindi ko siya kinibo.

"Meet me at my office mamaya pagdating mo sa kompanya" ani niya tsaka binababa ang linya. Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya. Maya maya pa ay huminto na ang kotse at agad na bumukas ang pintuan. Agad kong sinuot ang shades na nasa bag tsaka inabot ang kamay sa tauhan na agad niyang tinanggap at taas noong bumaba sa kotse at agad naman akong sinabayang maglakad ng isang taga payong habang ang iba naman ay abala sa pag gwardya saakin laban sa ibang media. Nang makapasok ako ng kompanya ay agad na napahinto ang mga nagtatrabaho doon kung kaya't lalong tumaas ang noo ko tulad ng itinuro ni Ms. Lao tsaka hinubad ang shades at itinago sa bag. Hindi ko malaman kung bakit sa dinami daming panahon ay ngayon ko lang nagagawa ang mga itinuro ni Ms. Lao.

"Madaam naghihintay po si Sir Lance Hyden sa opisina" nakangiting sabi ng isang babae tsaka tumungo kung kaya't napatango ako.

"Let me assist you madaam" ani ng babae kaya tumango ako. Agad niya akong sinamahan sa paglakad. Taas noo akong naglakad at kapag may pagbati saakin ay eleganteng ngiti lamang ang iginaganti ko sakanila hanggang sa makarating kami sa opisina kung saan naroon si Lance. Agad naman akong pinagbuksan ng pinto ng babae at doon ko nakita ang kwarto kung saan purong salamin.

"Goodmorning Ms. Hyeshah" nakangiting bati ni Lance pero marahang pagtango lang ang iginanti ko sakanya na bahagya niyang ikinagulat pero naglakad na ako papunta sakanya.

"Anong kailangan mo?" Pormal kong tanong sakanya kung kaya natigilan ito kung kaya't tinitigan ko ito.

"Parang n-nag iba ka"

"Ginagamit ko lang ang natutunan ko sayang naman kung hanggang isipan nalang" pormal kong sabi kung kaya't napatango tango nalang ito.

"So anong kailangan mo?" Tanong ko kung kaya't tuliro itong nag iwas ng tingin tsaka tumikhim.

"Have a sit" alok niya habang itinuturo ang upuan kung kaya't tumango ako tsaka umupo at ganun rin ang ginawa niya.

"I am hoping na natatandaan mo pa ang pangako ko sayo before about your investigation" ani niya kung kaya't napaayos ako ng upo tsaka siya tinitigan sa mata tulad ng itinuro ni Ms. Lao.

"Anong tungkol doon?"

"Tulad ng pangako ko tutulong ako" pormal niyang sabi tsaka inilapag ang kamay sa mesa.

"Bakit?"

"Because I want you to stay" diretsong sabi niya habang tinititigan ako sa mata dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko pero hindi ko ito pinahalata.

"Bakit mo naman gusto?"

"I dont know ang alam ko lang gusto ko" ani nito niya kung kayat napatango tango na lamang ako.

"So?" Tanong niya kaya napangiwi ako tsaka lumapit sakanya at nilapag ang kamay sa mesa niya saka tumitig lalo sa mga mata niya.

"Pamilya mo ang kinakanti ko, at papabagsakin ko ang kompetisyong pag aari ng pamilya mo sa tingin mo pagkakatiwalaan kita?"

"Then dont, but your main mission ay ang alamin ang mysteryo ng pamilya namin at ganun rin ako" sabi nito kaya lalo akong napaayos ng upo.

"Hindi ako makapaniwalang isang Hyden ay walang nalalaman--"

"Then ngayon maniwala ka na because I dont have a power para alamin ang totoo"

"Bakit?"

"Because I am a Hyden bakit ko susuwayin ang utos ng sarili kong pamilya?" Tanong niya kaya napatango tango nalang ako.

"Sige pero hindi lahat ng malalaman ko sasabihin ko sayo lalo pa't baka may malaman akong ikasisira ng pamilya mo" ani ko na ikinangiti niya.

"Nirerespeto ko ang gusto mo at respetuhin mo rin ang gagawin ko once na may nalaman akong ikababagsak ng pamilya ko" nakangiting sabi niya kaya agad akong lumayo sakanya.

"But you need my guidance so kapag may papasukin ka kailangan kasama ako dahil baka ikasira mo yan" ani niya kaya tumango nalang ako.

"Thats all pwede ka ng pumunta sa opisina mo" nakangiting sabi niya kaya tumango ako tsaka tumayo. Dirediretso lang ako sa naglakad hanggang sa paglabas ng opisina niya kahit pagtapon ng tingin ay hindi ko na ginawa.

Kailangan kong kumilos ngayon.

In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon