Chapter 20

874 21 0
                                    

Hyeshah Pov

"A-anong nangyari saiyo?!" Nag aalalang tanong ni Gwen tsaka ako niyakap ng mahigpit nang makita nila akong naglalakad pabalik sa kung saan ko sila iniwan.

"B-bakit nandito pa kayo?" Wala sa sariling tanong ko.

"Obvious ba? Hinintay ka namin so pwede kumilos na baka ito pa ang dahilan ng pagkatalo natin tsk" pagtataray ni Agatha pero hindi ko na iyon pinansin. Tumango nalang ako tsaka naunang maglakad. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba silang kausapin dahilnatatakot akong hindi rin sila totoo.

"O-okay ka lang Hyesh?" Tanong ni Gwen ngunit tango lang ang isinagot ko rito. Naramdaman ko na nagkatinginan sila pero hindi ko na iyon pinansin. Umakyat kami nang umakyat, walang pahinga at binilisan sa abot ng aming makakaya. Napag iiwanan na kami, gusto ko ng makalabas dito, gusto ko ng matapos ang larong ito.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko..

Parang nasa isa kaming kwento na pinaglalaruan ng may akda..

Para kaming isang karakter sa isang laro na pinaglalaruan ng mga bata...

Kung isang panaginip man ito...

Kung imahinasyon man ito...

Nakikiusap ako, sana pati nararamdaman ko...

"Hyesha anong nangyayari saiyo?" Biglang tanong ni Nichole kaya napatitig ako sakanya. Tumingin ako sa kawalan, tsaka umiwas ng tingin at nagpatuloy sa paglakad tsaka binilisan. Pinunasan ko ang mga luhang pumatak saaking pisngi hindi pinansin ang mga tawag nila. Ngayon naalala ko ang babalang sinabi saakin ni Sabrina bago ako sumabak sa kompetisyon. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan na nakipagkaibigan ako sakanila dahil sa totoo lang naging masaya ako sakanila. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan ang mahulog sa lalaking kinaiinisan ko noon dahil alam ko at hindi ako pakipot para itangging naging masaya ako sakanya.

"Hyeshah what the hell is going on with you" biglang tanong ni Agatha at nagulat na lang ako nang makita ko ang mga kamay niya sa braso ko. Hingal na hingal ito at natanaw ko ang mga kasamahan kong hingal din sa pag akyat.

"B-bakit?"

"Anong bakit! Iiyak ka nalang basta basta tapos tatakbo bigla! Ano bang nangyari saiyo kanina!" Inis niyang sigaw pero wala akong ganang makipagsagutan sakanya.

"W-wala" sagot ko tsaka kinalas ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Hyesh sa---"

"Wala na tatong panahon, tara na" ani ko tsaka naunang maglakad paakyat ng bundok.

Pasensya na sainyo...

Makalipas ang ilang oras na paglalakad at walang kibuan bigla akong napahinto nang may maamoy akong hindi maganda. Ang baho at tunay na nakakasuka. Nakatira ako malapit sa tambakan ng basurahan pero p*yemas ngayon lang ako nakaamoy ng ganito jusmiyo. Napahinto kaming lahat sa paglalakad pilit na tinatakpan ang ilong dahil sa amoy.

"Tara na tara na" yan ang sabi ni Juliana na agad naming sinunod.

"Ahh!!" nagulat nalang kami nang biglang napatid si Agatha ng isang sanga ngunit laking pasasalamat na hindi ito nahulog sa baba.

"G-g-guys" nauutal na sambit ni Gwen na tila ba nakakita ng multo. Agad akong bumaba sa kinaroroonan niya at halos matumba ako sa kinatatayuan dahil sa nakita ko.

"Mga bangkay" wala sa sariling usal ko. Hindi ko mabilang ang mga buto ng tao at ang iba ay sariwa pa. P-pero bakit? Papaano?

"Shit! This mountain is dangerous!! Bilisan natin!!" Nagmamadaling sabi ni Agatha na kagaya namin ay hindi rin makapaniwala sa nakikita. Binilisan namin ang pag akyat. Hinang hina na kami sa pagod pero pinipilit namin. Na halos gapangin na namin ang pag akyat dahil hindi na kaya ng mga paa namin. Malapit ng magdilim kaya binilisan namin sa abot ng aming makakaya. Nauubos na ang oras namin pero nanghihina ata ako sa mga nakikita namin. Mga bangkay, alam ba ng pamahalaan ito? Tang juice ka panaginip lang to Shah mag isip ka!!! Panaginip lang to!!! Hindi to totoo!! Wag mong paniwalaan ang mga yan!!

In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon