James Pov
Ngayon na ang araw ng pagtatapos.
Ang araw na pinahinihintay ng lahat.
Ang araw kung saan magtatapos ang kompetisyon.
Ang araw kung saan magkakaroong bunga ang mga sakripisyo namin.
"Are you ready hon?" Tanong ni Sabrina kung kaya't nakangisi akong tumango sakanya.
"You look perfect tonight" nakangiti kong puri sakanya.
"Thank you" nakangiting sabi niya kaya marahan nalang akong tumungo. Agad kong hinawakan ang bewang niya at sabay kaming pumunta sa main building ng Hyden Group doon kasi gaganapin ang pagtatapos.
"Are you sure na gagawin niya ang nasa plano?" Tanong ni Sabrina habang nasa biyahe kami.
"I dont know mahirap na siyang timplahin ngayon sa dami ng nalalaman niya but magtiwala na lang tayo" sagot ko at tanging pagbuntong hininga nalang ang isinagot niya. Kinain na kami ng katahimikan, batid kong pareho kaming umaasa na tumupad si Hyeshah sa usapan. Maya maya pa ay agad na akong dumeritso sa parking lot. Natanaw ko na ang napakaraming tao sa labas. Mukhang pinaghandaan ang okasyon na ito. Ang mga tagasupporta ay walang kaalam alam sa mga mysteryong nangyayari sa kompetisyon. Napangisi nalang ako sa mga naiisip ko.
"Lets go" ani ko nang makapagpark na ako ng kotse. Dumaan kami sa isang entrance ng building. Magiging komplikado para saamin kung makikipagsiksikan kami sa mga tao. Isa pa alam kong may patibong ang mga kalaban doon, kailangan na naming mag ingat. Habang papasok kami ay nakita ko na ang mga bakas ng kalaban napangisi nalang ako sa mga palpak nilang kilos. Napapalibutan na ang building na ito hindi na kataka taka kung may pasabog mamaya. Nang marating namin ang kinaroroonan ng mga Hyden kasama ang mga investors, board members, big bosess, at marami pang iba ay agad kaming umayos ni Sabrina.
"Oh Sabrina you look gorgeous" nakangiting bati ni Ms. Nathalia nang makita kami.
"Oh thanks tita" nakangiting sagot ni Sabrina saka bineso ang babae. Agad ko naman siyang kinamayan at nakipag kamayan sa kung sino pa ang nandoon. Maya maya pa ay tumunog na ang napakaingay na serena. Sensyales na magsisimula na ang seremunyas. Agad na hinagilap ng mata ko si Lance. Si Lance na tahimik lamang na sumisilip sa bintana. Maya maya pa ay agad ko siyang nilapitan.
"Hey brother" nakakainsultong tawag ko sakanya dahilan para samaan niya ako ng tingin.
"Stop calling me that! You're not my brother" mariing sabi niya kung kaya't sakrastiko akong tumawa.
"This is your day, wag masyadong painitin ang ulo mo kuya ikaw din baka sumabay yan sa pasabog" natatawa kong sabi dahilan para lalong sumama ang tingin niya.
"Anong binabalak niyo?!"
"Just wait and see" nakangisi kong sabi saka itinuon sa baba ang tingin kung saan naroon ang mga taong sabik na sabik makita ang mga Hayens. Sari saring mga porps ang dala dala nila upang maipahatid ang suporta sa mga pambato.
"Good evening everyone" bati ng MC dahilan umayos ako ng tindig. Nararamdaman ko pa rin ang masamang tingin ni Lance pero hindi ko na ito pinansin, baka madisiplina ko siya ng wala sa oras. Isa isa na kaming pumunta sa kanya kanyang pwesto sa stage, habang tinatanaw ang mga tao na hindi mahulugang krayom sa dami.
"Ngayong gabi masasaksihan natin ang pagtatapos ng El Kompetisyon ngayong henerasyon, sa ilang taong paghihintay ang kaisa isang anak nina Roberto Hyden at Nathalia Hyden ay sumalang na sa napakalaki at engrandeng Kompetisyon ng buong mundo, Now everyone are you ready?!" Magiliw na ani ng MC dahilan para lalong umugong ang sigawan at hiyawan sa baba.
BINABASA MO ANG
In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]
General FictionNoong unang panahon may isang kompitesyon na pinaghahandaan ng buong mundo. Isang kompetesyon na magpapabago sa buhay ng isang babae. At ito ang EL KOMPETISYON kung saan naglalaban laban ang mga babae upang maitanghal bilang asawa at sekretarya ng p...