Hyeshah Pov
Dalawang araw na kami rito sa Villa at walang araw na hindi ako namamangha sa lugar. Palibhasa puro basura at masikip na lugar ang nakikita ko sa amin ngunit ipinagmamalaki ko pa rin iyon, aba mas pipiliin kong tumira roon nuh.
"Hoy kailan tayo uuwi?" Bigla kong tanong kay Lance. Nasa terrace kami ng kubo at pinagmamasdan ang papalubog na araw habang pinagsasaluhan ang ihinanda sa aming mapaklang inumin.
"Gusto mo ng umuwi?" Tanong nito kaya natigilan ako.
"Hindi naman pero baka kailangan ka na ng iba" malumanay kong sabi ngunit hindi ko maintindihan dahil para bang hindi ako masaya sa tanong kong 'yon kung kaya't sapilitan kong ininum ang mapaklang inumin sa baso ko.
Tang juice anong klaseng inumin ba 'to? Mas masarap pa ata ang lambanog kaysa rito tsk!
"My father can handle it" seryosong sabi niya ngumit hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang tano ng pagkakasabi niya.
"Ms. Hyeshah" tawag niya saakin kaya lumingon ako.
"Bakit?"
"Bakit ka sumali sa kompetisyon?" Tanong ko sa kanya kaya natigilan ako sapagkat hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya.
Bakit nga ba?
Sasabihin ko ba ang tunay kong dahilan?
Langya ano bang sasabihin ko rito.
"B-bakit mo naman natanong?"
"Nacucurious lang ako, sa lahat ng mga hayens ikaw nalang ang hindi ko natatanong" ani niya kaya napalunok ako.
"S-sa totoo lang hindi ko rin alam" sagot ko habang tinititigan siya sa mata na ikinakunot ng noo niya.
"What do you mean?"
"Ewan, gusto ko lang makilala ang sarili ko " ani ko habang napapalunok.
"Huh?"
"Kalimutan mo na" seryoso kong sabi kaya natigilan ito.
"I understand" ani niya kaya umiwas ako ng tingin.
"Hindi ka ba nahihirapan sa takbo ng kompetisyon?" Wala sa sariling tanong ko kaya natigilan ito.
"What do you mean?"
"Wala ka na bang ibang sasabihin kung hindi what do you mean?!" inis kong sabi kung kaya't umiling iling nalang ito.
"Syempre nahihirapan" natatawang sagot niya kaya sumandal ako sa upuan habang siya naman ay ininom ang alak na nasa baso niya.
"Sino ba naman ang hindi mahihirapan sa ganitong sitwasyon? Kailangan mong mamili sa mga deserving na tao, kailangan mong sundin at abutin ang gusto ng mga tao, kailangan mong maging matalino at patas, kailangan parepareho ang pakikitungo sa mga kalahok at higit sa lahat kailangan mo maging premyo" seryosong sabi niya kaya natigilan ako at bumigat ang dibdib ko.
Kung ganun? Ang pinapakita niya sa akin ay pinapakita niya rin sa iba?
Malamang Shah! Assumera ka na kasi ng taon tsk!
"Bakit ka pumapayag?"
"I have no choice" diretsang sagot nito.
"We all have a choice Lance, sabi ng papa ko dati, lahat naman ng tao may choice, it is your choice not to choose and it is your decission not to decide" ani ko kaya natigilan siya tsaka tumawa kaya kumunot ang noo ko.
"Anong nakakatawa langya ka!" Sigaw ko habang binatukan siya.
"English hahahahah" natatawa niyang sabi kaya natigilan ako tsaka siya binatuk-batukan gagong to parang balie kapag may tama.
BINABASA MO ANG
In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]
General FictionNoong unang panahon may isang kompitesyon na pinaghahandaan ng buong mundo. Isang kompetesyon na magpapabago sa buhay ng isang babae. At ito ang EL KOMPETISYON kung saan naglalaban laban ang mga babae upang maitanghal bilang asawa at sekretarya ng p...