Chapter 29

696 14 0
                                    

Lance Pov

"Lance anak napag usapan namin ng daddy mo na magpahinga ka muna" nag aalalang sabi ni mommy nang makalabas ako ng kwarto ni Hyeshah.

"Mas mabuti na rin yun para makahinga ka, I know na stress at nahihirapan ka sa mga nangyayari" nag-aalalang sabi ni mommy pero hindi ako nagsalita.

"Just plss anak lumayo ka muna sa ikinagagalit ng daddy mo plss" nagsusumamong sabi nito kung kaya't nag-angat ako ng tingin sakanya.

"I love her mom, I love her" bulong ko kaya natigilan si mommy saka ako dahan-dahang hinawakan sa pisngi at  marahan itong hinaplos.

"Im sorry my son, pero wala tayong magagawa layuan mo siya dahil mapapahamak lang kayo please ituon mo nalang ang attensyon mo sa mga Hayen" nagsusumamong sabi ni mommy ngunit nag iwas na lamang ako ng tingin na naging dahilan upang  magbuntong-hininga nito.

"Okay I'll talk to your dad, pipigilan ko siya sa binabalak niya kay Thania pero hindi ko maipapangako na mapipigilan ko siya, kilala mo ang daddy mo at ayaw na ayaw niyang narurumihan ang pangalan natin Lance" ani nito ngunit tumahimik lamang ako.

"I'll go ahead now, take a rest sweetheart" ani nito at hinalikan ako nito sa pisngi bago ako iniwan.

Hyeshah Pov

"O M G hyesh ang swerte mo my gosh" tili ni Gwen kaya napangiwi nalang ako, mukhang alam na nila.

"Mukhang may nanalo na" kinikilig na sabi ni Juliana kung kaya't natawa na lamang ako.

"Mga baliw hindi ah" pigil na ngiti kong sabi.

"Ayyssuss ikaw naman talaga ang may malaking chance na manalo rito nuh" nakangiting sabi ni Gwen ngunit ngumiti na lamang ako.

"Nasaan nga pala yung iba?" Tanong ko.

"Ayun si Trisha nasa kwarto niya magbibihis daw, si Agatha naman tinotopak na naman" ani ni Juliana kaya napatingin ako sakanya.

"Bakit?"

"Dahil sa reward mo" sagot ni Juliana kung kaya't natigilan ako, magsasalita pa sana ako nang biglang pumasok si Ms.Lao.

"Ms. Hyesha hinihintay ka na ng mga kesida sa kwarto mo" ani nito kaya agad akong napatango.

"Oh pano mauna na ako" nakangiting sai ko sa dalawa.

"Oo sige ingat kayo" nakangiting sabi ni Juliana tsaka ako niyakap na agad ko namang ginantihan.

"Ingat ka roon Hyesh I will miss you" naluluhang sabi nito bago ako niyakap na ikinatawa ko.

"Baliw ka, sige na ingat din kayo rito" nakangiting sabi ko bago ko sila iniwan. Kasama ang mga bantay ko ay agad akong pumasok ang kwarto ko pero syempre naiwan ang mga bantay sa labas. Naabutan ko roon sina Princess na inaayos ang gamit ko.

"Sha nandito ka na pala, handa na ang mga gamit mo" nakangiting sabi nito kaya napangiti ako.

"Kayo ba? nakahanda na ang mga gamit niyo?" Tanong ko kaya masaya silang tumango, kasama kasi sila sa pupuntahan namin dahil sila ang kesida ko.

"Madame hinihintay na po kayo sa labas" ani ng isang tauhan kaya tumango ako. Nagkatinginan kaming apat kung kaya't agad kaming kumilos, gusto ko sanang tulungan ang tatlo na bitbitin ang mga gamit ko pero hindi sila pumapayag dahil papagalitan kami. Nang makarating sa labas ng mansion ay agad kong nakita ang nakahilerang limang kotse ngunit iisa lang ang nakaagaw ng attensyon ko.

"Good day my lady" bati nito pero wala man lang kabuhay buhay.

"Ayos ang saya natin ngayon ahh" ani ko ngunit pilit na ngiti lang ang iginanti niya.

In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon