Chapter 31

710 15 0
                                    

Lance Pov

Nakaupo ako ngayon sa hagdanan ng pool at natatawang pinapanood kung gaano kasaya si Ms. Hyeshah sa pagswiming. Bakas na bakas sa mga mata niya niya ang tuwa at pagkamangha kung kaya't lalo akong natutuwang pagmasdan ang mukha nito. Ngayon ko lang napagtanto ang laki ng ipinagbago niya. Ibang iba siya ngayon kaysa sa loob ng mansion.

"Hoy Lance ano manonood ka nalang jan! Tara na ang sarap lumangoy sa swiming pool!" Tuwang tuwang sigaw nito.

"Go ahead, Mamaya na lang siguro ako" sagot ko sakanya hanggang sa unti unti itong lumapit saakin.

"Hoy nandito tayo para lumangoy hindi para tumambay tara na sayang ang tubig tingnan mo kulay blue at ang presko jusko ngayon lang nakaramdam ng ganitong tubig ang katawan ko alam mo kapag nagkita ulit kami nina mama ikukwento ko sa kanila to!" Tuwang tuwang kwento niya habang walang tigil sa paglalaro sa tubig.

"Hindi ka pa nakakapagswimming sa pool?" Takang tanong ko kaya natigilan siya tsaka ngumiti, pinanood ko ang pagtabi niya saakin sa pag upo sa hagdan habang hindi pa rin natigil ang pagkampay niya ng paa sa ilalim at pagtitig sa tubig.

"Hindi pa bwhahahaha hindi naman kami mayaman katulad niyo nuh wala kaming pangbayad sa mga ganito ganito sapat na sa amin ang dagat at planggana" nakangiting kwento niya na ikinagulat ko.

"Kahit isang beses?" Takang tanong ko kaya napatitig siya saakin tsaka tumawa ng tumawa.

"What?"

"Mukha mo bqhahahahhaha" tumatawang sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Mukha kang monggoloid na parang ewan" tumatawang sabi niya.

"What? Monggoloid?" Kunot noo kong tanong.

"Hindi mo alam ang monggoloid?" Natatawang tanong niya kaya uling iling ako.

"Ibang klase wbhahahahahaha aba napakainosente mo totoy ang ibig sabihin ng monggoloid ay gwapo bwhahaha handsome baka di mo maintindihan" tumatawang sabi niya kaya ngumiwi ako.

"Okay kunwari naniniwala ako" nakangiwi kong sabi kaya namilog ang mata niya.

"Aba hoy anong akala mo saakin mangloloko haa!" Sigaw nito.

"Its not like that but sa pagkakakilala ko sayo imposibleng sabihin mo yan sa harapan ko" nakangiwing sabi ko kaya natigilan ito tsaka tumawa.

"Tumpak! Buti alam mo monggoloid ka bwhahhahahaa" Sigaw nito tsaka lumangoy ulit at maya maya ay titigan ang tubig tapos lalangoy ulit hanggang sa tumabi ulit saakin.

"Hoy sigurado ka bang hindi ka lalangoy?! Sayang ang tubig tara na!" Sigaw nito kahit magkatabi lang kami.

"Its okay sige na mag enjoy ka lang" nakangiting sabi ko kaya sumimangot ito.

"Samahan mo na ako! nak ng para akong siraulong baliw na parang ewan kapag ako lang mag isa!" Nakasimangot na sabi nito kaya napangisi ako sa itsura niya.

"Later, mainit na rin pahinga ka muna"

"Nak ng! Kalalaki mong tao takot ka sa araw" sigaw nito.

"Its not like that but your skin--"

"Wag mong itindihin tong balat ko aba sanay to sa araw construction worker ata to gago" nagmamalaking sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Construction?" Kunot noong tanong ko.

"Aba huwag mong sabihing hindi mo alam yun?"

"Alam ko but you are a lady" ani ko kaya natigilan ito saka ako sinabuyan ng tubig.

"Hey!"

"Ano naman kung babae ako aba di porket babae ako ehh pwede niyo na kaming ganyanin ha! Hoy kung ano ang ginagawa ng lalaki kayang kaya rin naming gawin!" Sigaw nito kaya napanganga nalang ako.

"Wala naman akong sinasabing ganiyan"

"Aba kahit na 'ganun na rin yun nuh!" Sigaw nito tsaka naglaro ulit sa tubig.

"Sa hirap ng buhay namin hindi na ako pwedeng mamili ng trabaho kung anong meron yun na yun ang importante magkalaman ang tiyan ng pamilya ko" biglang seryosong sabi niya.

"Akala ko may trabaho ang mommy mo"

"Meron pero hindi rin sapat sa amin saka hindi araw araw may nagpapalaba sa amin kaya kailangan kong magtrabaho sa construction sa hirap ba naman ng buhay sa Pilipinas"

"Hindi ka nahihirapan?" Takang tanong ko kaya natigilan ito saka kumawala ng malalim na buntong hininga.

"Nahirapan syempre, wala namang trabahong madali diba saka nasanay na rin ako" nakangiting kwento nito na ani mong ipinagmamalaki niya pa ang kanyang trabaho.

"How about your studies?"

"Noong gumraduate ako sa highschool pinatigil agad ako ni mama sa pag aaral hindi ko alam pero ayaw na ayaw niya na akong lumuwas ng lugar namin ang katwiran niya kaming mga mahihirap ay nababagay lang sa mahihirap" nakangiting sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit?"

"Ewan ko sakanya ang akala ko badtrip lang siya sa mga mayayaman dahil pinagpalit kami ng magaling niyang asawa sa mayaman" ani niya na ikinagulat ko.

"Im sorry"

"Ayos lang anu ka ba tanggap ko na rin naman ehh"

"Ms. Hyeshah im sorry pero akala ko patay na ang dad mo?" Tanong ko kaya mapait itong ngumiti saakin.

"Patay na siguro yun dahil kung buhay yun sana nagparamdam man lang siya saka simula noong umalis siya at ipinagtabuyan kami na parang mga hayop, pinatay ko na siya sa isip at puso ko" mapait nitong sabi.

"Im sorry" sinsero kong sabi.

"Anu ka ba ayos lang sabi ko naman saiyo tanggap ko!" Nakangiting sabi niya kaya tipid nalang akong ngumiti. Naging tahimik ang paligid namin, kahit isa ay walang nagtatangkang magsalita. Marahil ay naubusan na rin kami ng sasabihin kung kaya't maya maya pa ay lumusong na lamang ako sa tubig saka siya hinarap.

"Lets go" nakangiting pagyaya ko sakanya.

"Akala ko ba mamaya pa!" Sigaw nito.

"Tara na" nakangiti ani ko tsaka siya marahang hinila.

"Is this your first time right?" Nakangiting tanong ko at agad itong tumango.

"Then we will make your first time memorable" nakangiting sabi ko saka hinawakan ang kamay nito habang tinititigan na naman ang maliwanag niyang mukha.

"Tara na!" Ani nito saka ako hinila pailalim sa tubig at sabay kaming lumangoy sa kung saan. Langoy dito, langoy doon, yan lang ang ginawa namin, naglalaro at nagtatawanan maya maya ay magyaya itong tatalon daw sa pool na agad kong pinagbibigyan, halos tatlong oras kami sa tubig at walang pahingang ginawa, hindi ko na rin inisip kung ano ang kakalabasan ng kulay namin basta ang alam ko masaya ako ngayon.

Nang mapagod ito sa kakalangoy ay agad akong nagyaya ng meryenda. Kahit nakaahon na siya sa tubig ay namimilog pa rin ang mata niya habang nakatitig sa pool sa sobrang pagkamangha. Kapag nagkukwentuhan lang kami, saka siya tumitingin sa akin ngunit babalik ulit sa pool. Matapos naming magmeryenda ay agad ko siyang binigya ng towel dahil na rin namumutla na siya sa lamig ngunit akala ko ay lilisanin na namin ang lugar ngunit hindi pa pala sapagkat nagyaya pa itong lumangoy kung kaya't wala akong nagawa kung hindi ang sundan siya.

"Ang saya dito wwooooo!!" Sigaw nito habang hila-hila ako patakbo sa pool at sabay kaming tumalon sa tubig.

"Bwhahahahahhaa" tawa namin nang lumitaw kami sa pool.

"Salamat" nakangiting sabi niya kaya napangiti ako.

"First time yan" nakangiting sabi ko kung kaya't sumimangot ito na ikinatawa ko.

"Always welcome my lady".

In The Shadow Of The Moon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon